bc

Go Ahead and Cuff Me

book_age16+
541
FOLLOW
2.7K
READ
city
like
intro-logo
Blurb

There's some point in our life when we felt like there's no hope for us anymore, especially when the person you loved and trusted the most betrayed and hurt you in every way possible despite giving them everything that you can possibly offer.

That's how Claire felt when her long time boyfriend cheated on her,but luckily Claire found someone, A fine detective who will cherish her for who she is.

But how pure and strong their love's gonna be when Claire's ex-boyfriend came back to win her over and carlo's childhood friend came in the picture to pursue him?

Are they gonna stick together or one of them will end up being hurt again?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CLAIRE For someone who’s longing for some relaxation masasabi kong masarap sa pakiramdam ang makapag pag bakasyon sa tabing dagat pagkatapos ng matagal na panahon. I closed my eyes and inhaled deeply feeling so relaxed as the sun rays hits my skin. Maaga pa kaya naman kahit magpainit kami ngayon ay hindi pa masakit sa balat at sikat ng araw. Malalim akong huminga habang sinasamyo ang mabangong amoy ng dagat at ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin. Kasalukuyan akong nagbabakasyon ngayon sa probinsya ng kaibigan ko para pansamantalang takasan ang nakakasawang buhay ko sa syudad. I am a senior call center manager and I'm telling you, it just sound so elegant but in reality it's so hard and very tiring! You can consider yourself lucky if you manage to go on a vacation. Thank goodness I'm able to file a vacation leave! “Ang sarap talaga dito parang ayoko nang umalis,” sambit ko sa kaibigan kong si megan. Megan is my best friend for seems like forever! She's like my sister,my playmate when we were just a kids and my enemy sometimes. Ang mga magulang namin ay matalik ding magkakaibigan kung kaya naman naging malapit din kami ni megan sa isa’t isa. Madalas na busy noon sa trabaho ang mga magulang namin kaya naman kami lamang dalawa ang madalas na naiiwan para maglaro. Si megan ang tipo ng kaibigan na talaga namang maasahan sa ano mang pagkakataon,she's literally just one phone call away! Dahil wala akong kapatid at matagal na ding pumanaw ang mga magulang ko, si megan na ang nagsilbi kong kapatid at kakampi sa lahat ng bagay. We go to the same highschool... We are each other's date at prom and we graduated both c*m laude in college but with a different degree. We practically grew up together and we really are inseparable! Marami na kaming pinagdaanang magkasama...magkasamang tumawa,umiyak at nagdalamhati kaya naman masasabi kong mahal na mahal ko talaga ang babaeng ito. “Oo nga! Ayoko na ding magtrabaho! Pwede bang ganto na lang tayo?” nakangusong sabi niya habang nilalaro ang paa niya sa buhangin. We are currently hanging out in a sea shore near their beach house and it was amazing! It's kinda windy today and not too sunny,a perfect day for beaching! “Pwede naman! Kung kaya mong hindi kumain eh di ganto nalang tayo at wag na magtrabaho!” natatawang tugon ko sa kanya. Bakit nga ba kasi kailangan pa nating kumain diba? “Yun na nga eh puro na lang tayo trabaho kaya wala tayong lovelife eh!”paghihimutok niya. "Pfftt! Nakalimutan mo na ba kung bakit tayo nandito?! Nakalimutan mo na bang broken hearted ang lola mo?! wag mo na pangarapin ang magkalove life dahil walang silbi ang magkaroon nun! Ang mga lalaki sakit lang sa ulo.” mapait na sambit ko… Hindi ko maiwasang maghinanakit dahil sa nangyari sa akin kamakailan lang. Matagal na kasi naming binabalak na pumunta dito, pero dahil marami kaming trabaho ay hindi namin magawa… Kung hindi pa kami naghiwalay ng nobyo ko ay hindi ko pa magagawang magbakasyon! “Ikaw naman kasi sinabi ko na sayong bad news ang julius na yun pero hindi ka pa rin nagpaawat!" Megan said rolling her eyes at me. "I know! Alam mo naman ang puso pagtumibok mahirap ng pigilan!" Pangangatwiran ko at pinukol niya lang ako ng matalim na tingin. "Pagdating talaga sa lalaki nabubulag ka! Tapos pag nabobroken ka yayayain mo akong mag gala.” sumbat ni megan sa akin sabay irap ng mata. Hindi ko maitatangging malas nga ako pagdating sa pag ibig, nitong nakaraang buwan lang ay naghiwalay kami ng boyfriend ko dahil nahuli ko siyang niloloko ako… At ang walang hiyang kumag na iyon sinisi pa sa akin ang kahibangan niya! Ako pa talaga ang sinisi kung bakit siya nagloko! Sabihan ba naman akong lola na at losyang kaya siya humanap ng mas batang tignan. Kung tutuusin hindi naman talaga ako ganun katanda… 28 years old lang ako pero dahil busy ako sa trabaho ay hindi ko na nagagawang mag ayos... Hindi ko man lang makuhang magsuklay o maglipstick man lang... pero kahit na ganoon ay wala siyang karapatan na sabihan akong panget at matanda na! Sinisisi pa niya ako dahil sa hitsura ko ayaw nalang niyang amining manloloko talaga siya! “Sorry na kung kinaladkad kita papunta rito! Pero gusto mo rin namang gumala hindi ba?!” sabay niyakap ko ang braso niya bilang paglalambing sa kanya. Maswerte talaga ako na meron akong matalik na kaibigan na handang samahan ako sa ano mang trip ko sa buhay. “Well… oo syempre gusto ko ding makapagbakasyon no! Pero sana sa susunod magbabakasyon tayo para mag unwind at mag beauty rest, hindi para mag move on ka!” sabi niya sa akin pagkatapos ay binatukan ako ng mahina. Tatawa tawa lang ako sa kanya habang inienjoy namin ang magandang view ng malawak na karagatan. Ang mga hampas ng alon at ang pagdampi ng masarap na simoy ng hangin sa aking mukha ang nagpaparealize sa akin kung gaano ko kailangan ang ganto… napagtanto ko rin na masyado ko na palang napabayaan ang sarili kong kaligayahan dahil lang nakulong ako sa toxic na relationship na hindi ko kaagad natakasan… Noong kami pa ni Julius ay hindi ko man lang magawang mag mall ng hindi siya kasama...hindi ako makapagbakasyon dahil parati siyang busy at hindi ako pinapayagang umalis ng mag isa. Parating kailangan ko siyang asikasuhin kahit na pareho naman kaming may trabaho. Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga sa lungkot sa tuwing maiisip ko kung paano nasayang ang buhay ko dahil sa kumag na iyon! But hey past is past at kaya nga kami nandito para makabawi sa mga nasayang na panahon ko sa kanya! * Napagkasunduan namin ni megan na itreat ang sarili namin ng masarap na pagkain ngayong huling araw ng bakasyon namin kaya naman magkasama kaming pumunta sa supermarket. Holding hands ang peg na akala mo ay mag jowa pero si gaga binitawan ang kamay ko at sumuot kung saan para maghanap ng mga snacks! Binabaybay ko ang linya ng mga karne nang makita ko ang nag iisang pack ng rib eye kaya naman agad akong lumapit dito para kunin ito… Tutal ay huling araw na namin para magpakasarap sa bakasyon namin sa palagay ko ay hindi na masama ang magluto ng steak at samahan na din wine o kaya soju! Hmmm just thinking about a juicy medium rare steak cooked in a creamy butter together with mashed garlic and a pinch of salt and pepper makes me wanna drool! Dadamputin ko na sana ang nag iisang pack ng rib eye ng biglang may humablot sa kabilang dulo ng balot nito! “Ops! I got it first!” ang sabi ko sa lalaking nakahawak pa rin sa rib eye ko. Tinignan niya ako na parang batang inagawan ng candy. “Excuse me pero nauna akong kumuha nito!” pagkontra niya sa akin gamit ang mabilog na boses niya. Napalunok ako ng bahagya pagkarinig ko ng boses niya dahil tila boses ito ng anghel. Pero nasira ang pantasya ko ng ayaw pa din niyang bumitaw. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa,maayos siyang manamit,mukhang malinis at masasabi kong disente naman siyang lalaki kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit nya pa kailangang makipag agawan ng karne. Marami namang ibang karne sa aisle na to pero gusto pa talaga niyang makipag agawan sa rib eye ko na hawal ko na?! “Ako ang naunang dumampot nito kaya dapat lang na ipaubaya mo na!” mataray na sabi ko sa kanya habang hinihila ko ang karne sa kamay niya. “Ako sabi ang nauna kaya bumitaw kana!” mariing sabi niya sa akin habang pilit pa din nitong hinihila palayo sa akin ang nakabalot na karne. Pero hindi ako nagpatalo kaya naman tinitigan ko lang siya ng masama at ganun din naman ang ginawa niya. "Marami pa namang ibang karne dito kaya iba nalang ang kunin mo! This is mine!" Pagpupumilit kong kunin ang steak na gusto ko. "No! It's mine! At tama ka marami pa ngang iba kaya bakit hindi nalang ikaw ang kumuha ng iba?"Pagmamatigas niya. "You're so ungentle man!" Pairap na asik ko sa kanya. Ilang minuto din kaming nagtitigan ng masama at naghahatakan bago ko tuluyang binitawan ang balot ng karne dahilan para ma out balance siya at mabuwal sa kinatatayuan niya. Malakas akong napahagalpak ng tawa dahil sa pagkahandusay niya sa sahig. “You think that’s funny?!” kunot noong asik niya sa akin habang hindi ko pa rin mapigilang pagtawanan siya. “You know what? you can have that rib eye… mukha ngang mas kailangan mong kainin yan para mas lumakas naman yang mga muscle mo at hindi kana lalampa lampa! Ugh! Pathetic!” I said to him while raising my eyebrows. I looked at him once again and smirk and then walk out of there leaving him helpless on the ground. Nakakainis na kailangan pa talaga niyang makipag agawan ng karne sa akin gayong marami namang iba doon! Wala na talagang gentleman sa panahon ngayon! Nakakairita! Agad kong hinanap si megan sa paligid ng supermarket at nagmamadali na siyang niyaya pabalik sa tinuluyan namin matapos kaming mamili. Nauwi sa BBQ at isaw isaw ang steak na inaasam kong makain pero ayos lang naman dahil masarap pa rin ang naging kainan at tagayan namin ni megan. * Kinabukasan ay maaga kaming bumiyahe ni megan pabalik ng syudad dahil mahaba rin ang gugugulin naming oras sa pagmamaneho. Mag gagabi na ng makarating kami sa bahay at dahil sobrang pagod ang katawan ko ay hindi ko namalayang nakatulog ako kagaad. Naalimpungatan ako sa katok sa pintuan at nung tumingin ako sa orasan ay alas dyes na pala ng gabi. “Sino naman kaya ang naghahanap sa akin sa ganitong oras ng gabi?” pagkausap ko sa sarili ko Pupungas pungas akong tumayo at Agad kong inayos ang gulo gulo kong damit pagkatapos ay pumunta na ako sa pintuan para alamin kung sino ang dumating. “Julius…? anong ginagawa mo dito?” bahagyang napaawang ang bibig ko sa pagkabigla sa bisita ko...or should I say bwisita? Pakiramdam ko ay biglang nawala ang antok ko ng makita ko ang ex boyfriend ko na nakatayo sa harap ng pinto ko. “I missed you kaya naman bumisita ako at nagdala na din ng paborito mong chicken wings!” nakangiting sambit nito na tila ba normal lang ang lahat sa amin. Napairap ako sa nakakaasar na ngiting nakaukit sa pisngi niya. Bored ba siya kaya siya nang gugulo ngayon? “lasing kaba? Kung lasing ka umuwi ka nalang…” pagtataboy ko sa kanya ngunit nakagiti pa rin siya at walang sabi sabing pumasok sa bahay ko at prenteng naupo sa sofa. “Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?! nakalimutan mo na bang matagal na tayong naghiwalay?!” pa sigaw na tanong ko sa kanya. It's been a couple of months I think since we broke up kaya naman hindi ko maintindihan kung ano ang pakay niya rito! Agad na lumungkot ang mukha niya pagkatapos ay tumayo sa sofa para humarap sa akin. “Claire sorry… hindi kita dapat iniwanan, alam kong nagkamali ako pero narealize kong ikaw talaga ang mahal ko! Please patawarin mo na ako,” pagmamakaawa niya. pagkarinig niyon ay napatawa nalang ako sa pagkamangha sa kanya. Nabalitaan ko ngang iniwanan na siya ng babaeng ipinalit niya sa akin... Bata at maganda ang babaeng iyon kaya alam ko din naman na bukod sa pera niya ay wala namang ibang dahilan para makipagrelasyon sa kanya ang batang iyon. Kaya ngayon ay Hindi ako makapaniwala sa lakas ng loob ng lalaking ito na humingi ng tawad pagtapos niya akong lokohin ng harap harapan. Mataman ko siyang tinignan at nakakainsultong nginitian ko siya. “Hibang kana talaga no?! Lolokohin mo ako at pagkatapos ng ilang buwan matapos tayong maghiwalay akala mo ay okay lang na basta ka mag pakita rito?! umalis kana bago pa ako tumawag ng mga pulis!”Pagbabanta ko sa kanya at marahang itinulak siya pero hindi siya natinag sa kinatatayuan. “please claire! Gagawin ko ang lahat para lang patawarin mo ako!”nagmamakaawang lumuhod siya sa harapan ko at umiiyak habang nakayakap sa mga binti ko. Nakaramdam ako ng kaunting awa sa kanya ngunit mas nangibabaw ang galit na nararamdaman ko dahil sa panloloko niya. Minahal ko siya ng sobra noon pero sa tuwing titignan ko siya ngayon ay iniisip ko kung paano ba ako nahulog sa ganitong klase ng lalaki. “Umalis kana! Hindi kita kayang patawarin sa ngayon ! umalis kana bago pa kita ipapulis!” pagkatapos ay itinulak ko siya palabas ng bahay ko at pabalibag kong isinara ang pinto pagkalabas niya. Ako yung tipo ng taong hindi madalas nagtatanim ng sama ng loob sa ibang tao pero pagdating sa mga taong pinagkatiwalaan ko ng husto ang bumigo sa akin ay hindi ko talaga maiwasang maghinanakit. Para sa akin ang tiwala ang pinakamahalagang pundasyon ng kahit anong relasyon meron ka sa isang tao… at ito rin ang bagay na dapat pinakaiingatan nating hindi masira kahit kailan dahil para sa akin, sa oras na ibinigay ng isang tao ang tiwala niya sayo ay nangangahulugan din iyon na ipinagkatiwala na rin niya ang sarili niya saiyo. Malalim akong napabuntong hininga habang naglalakad ako pabalik sa kwarto ko para sana bumalik na sa pagtulog ng marinig ko na my kumatok ulit sa pintuan ng bahay ko at dahil sa pagkayamot ay dali dali ko itong binuksan… “sinabi kong umalis kana!!!!” sigaw ko pagkabukas ko pero napatanga ako bigla nang makita ko si megan sa harap ko. “ouch! Kararating ko lang pinapaalis mona agad ako?” pabirong nilagay niya ang kamay niya sa dibdib kunwari ay nasaktan. Minsan din talaga ay may pagkamadrama ang kaibigan kong ito. “Sorry bess akala ko kasi si julius pa rin yung kumatok… ang nakakainis kasing mokong na yon sinira ang gabi ko!” pagrereklamo ko sa kanya Buti nalang dumating siya dahil sa kanya lang ako nakakapagreklamo ng tungol sa mga kapalpakan ng buhay ko. “alam ko! Nakita kong pumarada yung kotse niya sa harap ng bahay mo at nakita kong umiiyak siyang lumabas...kaya nga ako pumunta dito at nagdala ng beer dahil alam kong kailangan mo to!” iwinagayway niya sa harap ko ang dala niyang beer at pumuwesto na siya sa upuan. Magkapit bahay lang kami kaya naman madali siyang nakakapunta dito ano mang oras. Hulog talaga siya ng langit sa akin dahil sa tuwing akala ko ay makakaramdam ako ng sobrang hirap at lungkot ay lagi siyang nakaalalay sa akin. Hindi pa man ako nagrereklamo sa kanya ay nariyan na agad siya para saluhin ako mula sa lungkot. Napakaswerte ko talaga sa kaniya dahil kahit kailan hindi ko kinailangang magsabi sa kaniya ng kahit na ano dahil bago ko pa sabihin ay nalutas na niya. “Thank you meg…” malambing na sabi ko sa kanya habang niyayakap ko siya pagka upo namin sa sofa. Marahan niyang hinaplos haplos ang likuran ko para subukang pagaanin ang loob ko. “bakit kaba nagpapasalamat? Ikaw lang ang nag iisang kapatid ko kahit na magkaiba tayo ng nanay kaya dapat lang na magdamayan tayo no!” malumanay na sambit niya. “Gusto ko lang magthank you kasi sobrang swerte ko na ikaw ang bestfriend ko!” “Swerte din naman ako sayo no kasi lagi ka ding nandyan para sa akin kaya naman ganun din ako sayo… teka nga bakit ba ang drama mo?! uminom na nga lang tayo.” natatawang kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at nagsimula na kaming uminom. Dahil inabot na kami ng hating gabi napagpasyahan nalang ni megan na sa bahay ko magpalipas ng gabi kahit na magkalapit lang naman kami ng bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook