KANIELLE’S POV Hindi ko alam kung paano ko sisimulan… pero ang sigurado ako, hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Parang lahat ng bituin sa langit, sabay-sabay bumagsak para lang sa akin. At sa gitna ng lahat ng iyon, si Lucas ang bituin na pinaka maliwanag. Pagkagising ko kinaumagahan, ramdam ko pa rin ang init ng mga bisig niya. Mahigpit ang yakap niya sa akin, para bang natatakot siyang mawala ako kahit na sa panaginip lang. Ang mukha niya, halos dikit na sa akin. Ang buhok niyang medyo magulo, ang mga pilik-matang mahaba, at ang labi niyang bahagyang nakabuka lahat iyon, para bang gusto kong titigan buong araw. “Good morning, baby,” bulong niya nang mapansin niyang gising na ako. Hindi pa man siya nagkakape, pero ang boses niya, husky at punong-puno ng lambing. Namula agad ako a

