LUCAS POV
Tangina. Hindi ko alam kung ano bang mas nakakairita ‘yung nakikita kong todo asikaso si Elle sakanya o ‘yung pakiramdam na parang invisible ako dito.
Nasa labas ako ng school. Kakauwi lang ng mga bata, at si Elle, imbes na kasama ako, ayun, nakikipag-usap sa lalaking yun.
Napakamot ako ng batok habang pinagmamasdan silang dalawa,nakangiti pa habang kausap siya. Halos hindi ko mapigilan sarili ko mag selos.
“Lucas?” tawag niya bigla, sabay lapit sa’kin. “Kanina ka pa dito?---bakit di ka nagsasalita.”
Hindi ko siya tiningnan. “Bakit, may nakikinig pa ba? Busy ka kasi kay Mr. Chinito eh.”
Napatigil siya, halatang nagulat. “Ha? Lucas, seryoso ka ba?”
“Hindi ba halata?” malamig kong sagot.
Kumunot ang noo niya at marahang hinila ang braso ko. “Uy, huwag kang ganyan. Wala lang ‘yon. Nagkausap lang kami.”
Napangisi ako, pilit pero puno ng selos. “Ah, ganun ba? Nagkausap lang. Ngumiti ka pa ng ganyan. Hindi ka naman ngumiti ng ganyan sa’kin kanina.”
“Lucas!” nagtaas siya ng boses pero malambing pa rin. “Ikaw naman, sobra ka.”
Napatingin ako sa kanya, hindi pa rin makapaniwala. “Sobra? Elle Bells, siya ang dahilan kung bakit muntik ka nang madisgrasya, tapos siya pa ang nginingitian mo?”
Napahawak siya sa kamay ko, pilit na pinapakalma ako. “Uy, hindi mo pwedeng sabihin na siya ang may kasalanan. Aksidente lang ‘yon. Tapos, in fairness, huminto naman siya agad.”
“Elle, ako yung andito. Ako yung halos mabaliw kakaisip na muntik ka nang mawala. Tapos ngayon… siya yung nginingitian mo.”
“Lucas,” hinila niya ako palayo sa mga nakatingin. “Tignan mo ako.”
Ayaw ko. Pero ginawa ko rin.
“Alam mo ba kung bakit ako nakangiti kanina?” tanong niya.
Hindi ako sumagot.
“Kasi alam kong nandyan ka. Kasi kahit anong mangyari, ikaw yung una para sa’kin. Ikaw yung Lucas Chubs ko.”
Napayuko ako, biglang nawala ang init ng ulo ko kahit paano. “Hindi ko gusto ‘yung idea na may iba kang inaalagaan ng ganyan.”
“Wala akong inaalagaanna iba, Ikaw lang,” bulong niya. “Kaya huwag ka nang magtampo.”
Napalunok ako. Tangina. Hindi ko kayang hindi kiligin sa ganun. Pero siyempre, gusto ko pa ring magpaka-tough.
“Eh bakit parang mas sweet ka pa sa kanya kanina?”
Napatawa siya. “Lucas! Ikaw talaga! Gusto mo bang sigawan ko siya next time para lang hindi ka magselos?”
“Pwede,” sagot ko agad, seryoso ang tono.
Nagulat siya, pero ngumisi rin. “Ay grabe, possessive much?”
“I'm not possessive,” sagot ko, mas mababa na ang boses ko. “Sure lang ako sa nararamdaman ko, At ayokong may umagaw sayo mula saakin.”
Humawak siya sa pisngi ko, ngumiti. “Wala namang aagaw, Lucas. Kahit may Mr. Chinito pa dyan, ikaw pa rin ang gusto ko.”
Napatitig ako sa kanya. Tangina, parang gusto ko na siyang yakapin sa harap ng lahat. Pero bago ko pa magawa, bigla naman itong lumapit.
“Are you done?” malamig na tanong niya kay Elle, hindi man lang ako tiningnan.
Napatingin ako agad sa kanya, singkit na parang may sinisilip na problema. “Excuse me?”
“I said, are you done talking?” ulit ni Nathan, walang ka-emotion-emotion.
“Hindi ka naman kasali, ah,” sagot ko agad, halatang nang-iinit ulo.
Ngumiti ng bahagya si Elle, pilit na umaawat. “Lucas, calm down. Mr.Chinito, please…”
Pero hindi ako tumigil. “Alam mo, Mr. Chinito, have some manners din sana hindi yung bigla ka nalang sumisingit.”
Tumingin lang siya sa’kin ng diretso, malamig pa rin ang boses. “Hindi ako sumisingit. Tinitiyak ko lang na safe sya.”
Napangisi ako ng sarkastiko. “Safe? Nung isang araw lang muntik mo na siyang masagasaan.”
Nagtaas siya ng kilay. “I stopped in time.”
“Kung hindi ako andoon?” singhal ko. “Ano na lang nangyari kay Elle?”
“Lucas,” pigil ni Elle, mahigpit ang hawak sa braso ko. “Stop it, please.”
Tumingin ako sa kanya, halatang puno ng emosyon. “Elle Bells, sakin kaba talaga kumakampi? O sakanya ka kumakampi?”
Natahimik siya sandali bago ngumiti ng marahan. “Ikaw. Lagi kang ikaw.”
Napabuntong-hininga ako, medyo bumigay ang tampo. Pero hindi ko parin mapigilan ang sumulyap sa lalaki.
At tangina nakita ko rin siyang nakatingin kay Elle, pero mabilis niyang inalis ang tingin.
Hindi ko alam kung ano ‘yon. Pero may kutob akong… hindi lang ako ang nagseselos dito.
“Fine,” sabi ko, napapikit sandali. “Pero Elle Bells, pag nagkataon ulit na may lalapit sa’yo at nginingitian mo ng ganyan… hindi ko alam kung kaya kong magpigil.”
Ngumiti siya, hinawakan ulit ang kamay ko. “Wala ka nang kailangang ipag-alala. Kasi ikaw lang, Lucas Chubs. Ikaw lang talaga.”
Tangina. Do’n na ako tuluyang bumigay.
Pero habang nakatitig ako kay Elle, naramdaman ko rin yung matalim na titig nito mula sa gilid. Tahimik siya, walang sinasabi. Pero halatang nagseselos din siya.
At doon ko naisip, magsisimula na yata ang isang giyera na hindi ko alam kung handa ba akong labanan.
Tangina. Akala ko tapos na ang drama. Pero hindi. Pag-alis namin ni Elle, dumaan kami mismo sa tabi nito. At ewan ko ba kung bakit, pero bigla kong sinagi ang balikat niya. Hindi ko rin alam kung dahil pa sa init ng ulo ko o dahil gusto ko lang makita kung paano siya magrereact.
Napalingon siya. Malamig ang tingin. “Na nanadya kaba?”
Ngumisi ako, hindi nagpatalo. “Kung hindi mo pa napansin, mahirap umiwas kapag nakaharang ka.”
Mabilis siyang lumapit at bago pa ako makapagsalita, tinamaan na ako ng suntok sa kaliwang pisngi.
Tangina. Umikot ang paningin ko saglit, pero hindi ako nagpahuli. “Putang!” Sabay bawi ng suntok, dumiretso sa panga niya.
“Ano ba kayo! Tigilan niyo na!” sigaw ni Elle, halos nanginginig habang pumagitna.
Pero pareho na kaming hindi nagpapigil.
“Akala mo kung sino ka!” sigaw ko dito, sabay sunod ng isa pang suntok. Tinamaan siya sa balikat, pero ramdam ko rin yung sakit sa kamao ko.
“Wala kang respeto!” balik niyang sigaw sabay suntok ulit sa tagiliran ko. Napaigik ako pero bawi ulit, sapul siya sa labi.
“Stop it, please!” iyak na halos ni Elle habang hinahatak ang braso ko. Pero hindi rin ito umatras.
“Hindi mo sya pwedeng saktan dahil lang sa selos mo!” mariin niyang sigaw.
“Hindi ko siya sinasaktan!” balik ko agad, galit na galit. “Ikaw ‘tong palaging nakikialam!”
Muli niyang binunot ang kamao niya pero this time, napigilan siya ni Elle. “ Stop it ,please!”
Ako naman, hinila ako ni Elle palayo. “Lucas, tama na! Tama na, please!”
Humihingal ako, ramdam ko yung init sa mukha ko. Tangina, namamaga na agad yung kaliwang mata ko.
“Hindi pa tayo tapos,” malamig na sabi nito habang pinupunasan ang dugo sa labi niya.
“Anytime, Mr. Chinito,” balik ko, sabay irap.
Hinila ako ni Elle palayo, halos kargahin na niya ako sa pagpupumilit. “Lucas, tama na nga! Please, sumama ka na!”
Wala na akong nagawa kundi sumunod. Kahit nanginginig pa rin yung kamao ko, hinayaan kong hilahin niya ako palayo.
Pagkalayo namin, hinila niya ako sa isang maliit na tindahan ng yelo. Binili niya agad yung isang supot. Puno ng pag aalala ang mukha nito.
“Umupo ka muna dito,” sabi niya, sabay turo sa isang bench.
“Elle Bells, I’m fine.”
“Fine? Tingnan mo nga yang mata mo!” sigaw niya sabay kuha ng yelo at inilagay sa kaliwang mata ko. “Lucas, bakit ba kailangan mong patulan siya?”
Napabuntong-hininga ako habang hinahaplos niya ang pisngi ko ng malamig na yelo. Ramdam ko yung hapdi, pero mas ramdam ko yung init ng kamay niya na nakadampi rin.
“Hindi ko matiis na makita kang ngumiti sa kanya ng ganun,” mahina kong bulong. “Tangina, Elle… selos na selos ako.”
Napatigil siya saglit bago ngumiti ng bahagya. “Kung alam mo lang kung gaano ka katanga.”
“Ano ibig mong sabihin?” tanong ko.
“Tanga ka kasi iniisip mong may iba pa akong tinitignan. Eh ikaw lang naman, Lucas. Ikaw lang.”
Napatingin ako sa kanya, hindi makapagsalita.
“Hindi ka nalang sana sumabay sa init ng ulo nya,” dagdag pa niya, pinipisil ng marahan yung pisngi ko. “Hindi worth it.”
“Hindi worth it? Elle Bells, muntik ka na niyang masagasaan!”
“Pero safe naman ako dahil nandyan ka,” sagot niya agad. “So please, huwag mo nang isipin na may ibang pwedeng umagaw sa lugar mo.”
Parang biglang nawala yung lahat ng sakit sa mukha ko nung narinig ko ‘yon.
“Sigurado ka ba?” mahina kong tanong.
“Siguradong-sigurado,” sagot niya, sabay tawa ng kaunti. “At saka, Lucas, hindi bagay sa’yo yung bugbog look.”
Napatawa ako kahit pilit. “Kung hindi mo ako alagaan, baka tuluyan na akong masira.”
“Eh kaya nga andito ako, di ba?”
Natahimik kami saglit habang hawak pa rin niya yung yelo sa pisngi ko. Ang lapit-lapit niya, ramdam ko yung hininga niya sa balat ko. Gusto ko siyang halikan, pero natatakot akong baka magalit siya lalo.
“Elle …” bulong ko.
“Hmm?” tanong niya habang inaayos pa yung yelo.
“Salamat.”
Ngumiti siya at tiningnan ako sa mata. “Walang anuman. Basta next time, huwag ka nang papatol sa suntukan.”
“Hindi ko maipapangako,” sagot ko sabay kindat.
“Lucas!” reklamo niya pero natawa rin.
Maya-maya, nagpasya na kaming umuwi.Ramdam ko pa rin yung hapdi, pero mas ramdam ko yung kamay niya sa bewang ko habang nakayakap siya.
Pagdating namin sa bahay, halos nagulat ang mga tao dahil sa itsura ko. Pero bago pa sila makapagtanong, nauna na si Elle.
“Ako na bahala kay Lucas,” sabi niya, mahigpit ang tono.
Hinila niya ako papunta sa loob, dumeretso sa sala, at pinaupo ako sa sofa. Inayos niya yung yelo sa mata ko ulit.
“Alam mo, kahit anong mangyari, ayokong nakikita kang nasasaktan.”
Tinitigan ko siya, ramdam ko yung sincerity. “Eh paano kung para sa’yo?”
Natahimik siya. Tapos ngumiti ng marahan. “Then I’ll take care of you even more.”
At dahil doon, tangina, hindi ko na kinaya.
Kung hindi lang ako bugbog, baka sinunggaban ko na siya ng halik. Pero para sa ngayon, sapat na yung haplos niya. Sapat na yung presensya niya.
At higit sa lahat sapat na yung assurance na kahit anong mangyari, ako pa rin yung pinipili niya.
“Lucas…” bulong niya, halos pabulong lang talaga.
“Hmm?” tanong ko, nakatitig sa kanya.
“Pwede bang… wag ka nang makipagsuntukan ulit?”
Napangiti ako ng marahan. “Hindi ko maipapangako,Lalo na kung ikaw yung dahilan.”
Napailing siya pero ngumiti rin. “Ang kulit mo talaga.”
At doon, hindi ko na napigilan. Hinila ko siya palapit sa akin, at bago pa siya makapagreact, ay niyakap ko siya nang mahigpit. Para bang ayokong pakawalan sya kahit kailan.
“Lucas…” ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso niya.
“Elle …” bulong ko habang nakasubsob sa balikat niya. “Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang itago.”
Bumitiw ako sa yakap saglit para makita ang mga mata niya. At doon, kita ko yung kaba, yung saya, at yung kilig na pilit niyang tinatago.
Unti-unti kong inilapit ang mukha ko. At sa hindi ko na mapigilang pagkakataon, hinalikan ko siya.
Hindi siya agad gumalaw. Pero ilang segundo lang, tumugon siya. Tangina. Tumugon siya.
Ramdam ko ang init ng labi niya, malambot, parang gawa para sa akin lang. At habang nagtatagal, naging mas mapusok ang halikan namin.
Hinawakan ko ang pisngi niya, marahan. Siya naman, nakahawak sa dibdib ko, na para bang kumakapit sa katotohanang nangyayari.
“Kanielle…” bulong ko sa pagitan ng halik. “Gusto kita. Sobra.”
Hindi siya sumagot. Pero lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin at mas madiin pang hinalikan ang labi ko.
Tangina. Para akong lumulutang.
Huminto ako saglit, hingal na hingal. “Kung panaginip ‘to, ayoko nang magising.”
Ngumiti siya, may konting pamumula sa pisngi. “Hindi ito panaginip, Lucas.”
“Then ibig sabihin… totoo ‘to?” tanong ko, halos hindi makapaniwala.
Tumango siya. “Totoo.”
Hindi ko na alam kung paano ko kakayanin yung kilig na bumalot sa buong katawan ko. Hinila ko siya palapit ulit, at naglapat na naman ang mga labi namin. Mas matagal, mas mapusok.
Para bang lahat ng selos, lahat ng tampo, lahat ng sakit kanina natunaw lahat sa halikan naming dalawa.
“Elle …” bulong ko habang hinahaplos ang buhok niya. “Ayoko nang matapos ‘to.”
“Eh baka mapagalitan tayo,” biro niya habang nakangiti.
“Wala akong pakialam. Kahit pagalitan ako ng buong mundo, basta kasama kita.”
Natawa siya ng mahina, tapos kinagat ng bahagya ang ibabang labi ko. Tangina. Halos mawalan ako ng ulirat.
“Baliw ka,” sabi niya, pero nakangiti pa rin.
“Baliw sa’yo,” sagot ko agad.
Napapikit siya, parang kinakain din siya ng kilig. “Lucas, baka masanay ako.”
“Sana nga,” sagot ko. “Kasi wala na akong balak bitawan ka.”
Hinila ko siya ulit sa isang mahigpit na yakap. Nararamdaman ko yung t***k ng puso niya na halos sabay sa akin.
Tahimik kaming dalawa, pero yung mga titig at halik namin ang nagsasalita para sa amin.
“Alam mo ba,” bulong niya, “ang tagal ko na ring hinihintay na marinig ito sa’yo.”
Napangiti ako. “Eh bakit hindi mo sinabi agad?”
“Kasi gusto kong ikaw yung maunang umamin.”
“Kanielle” hinaplos ko ulit ang pisngi niya. “Simula ngayon, ako na ang Lucas Loves mo.”
Natawa siya at tinulak ng kaunti ang balikat ko. “Ang corny mo.”
“Corny pero totoo,” sagot ko sabay halik ulit.
This time, mas mahaba. Mas matamis.
Hanggang sa halos mawalan na ako ng hininga pero hindi ko siya kayang pakawalan.
Pagkatapos ng ilang minuto, humihingal kami pareho. Nakapatong ang noo niya sa noo ko, at sabay kaming natawa.
“Lucas…” bulong niya. “Baka hindi na ako makatulog mamaya.”
“Eh di dito ka na,” biro ko, pero ramdam kong seryoso ako.
“Loko ka,” tawa niya.
Pero hindi niya binitawan ang kamay ko.
At doon ko naramdaman hindi na ako nag-iisa. Hindi na ako yung Lucas na puro asaran lang. Ako na yung Lucas na may Kanielle.