Chapter 9

1764 Words
THIRD PERSON POV Mainit ang sikat ng araw nang dumating si Nathan sa isang pribadong paaralan sa Quezon City. Ayaw man niya, pero sinabihan siya ni Mrs. Yu na tingnan ang lugar na iyon dahil may kausap silang potential business partner na principal doon. Syempre, hindi siya makatanggi dahil utos iyon ng mom niya. Pagkaparada niya ng itim na Bugatti sa tapat ng gate, napansin agad ng mga estudyante ang kotse. May ilan pang nag-picture nang palihim. Walang pakialam si Nathan, nakasuot ng shades at naka-itim na polo, parang modelo ng car commercial. Pagbaba niya, isang pamilyar na boses ang biglang umalingawngaw mula sa gilid. “Uy! Mr. Chinito!” Napalingon siya agad. At doon niya nakita ang babaeng muntik na niyang mabangga kahapon. Nakasuot siya ng simpleng blouse at pencil skirt, may hawak na bundle ng test papers. Nakangiti siya, parang walang nangyaring muntik na aksidente. Napakunot ang noo ni Nathan. “Excuse me?” Ngumisi pa ito. “Ikaw nga, Mr. Chinito! Ang bilis mo pa rin magmaneho? Baka next time, helicopter na gamit mo.” “Hindi ako Mr. Chinito,” malamig na sagot niya. “At hindi rin kita kilala.” Napataas ang kilay ni Kanielle. “Ows? Hindi mo ako kilala? Eh kahapon lang muntik mo na akong gawing pancake sa kalsada.” Napabuntong-hininga si Nathan. “You were the one not looking. Tumawid ka nang basta-basta.” “Wow, blame the victim pa, ha,” sagot niya sabay tawa. “Typical reasoning ng mga may kotse.” Napailing si Nathan at tumalikod na parang wala siyang narinig. Pero mabilis siyang sinundan ni Kanielle. “Hoy, Mr. Chinito! Bawal dito ang deadma. Alam mo bang teacher ako dito?” Hindi siya lumingon. “Good for you.” “Good for me? Aba, grabe ka. Dapat ‘good for the kids’ ang sagot mo.” Huminto si Nathan, napapikit sandali dahil sa inis. Pagharap niya, diretsong tingin sa mga mata ni Elle. “Ano bang gusto mong mangyari?” Ngumisi si Elle, parang lalo pang nang-aasar. “Simple lang. Gusto kong mag-sorry ka. Kasi kung hindi dahil sa preno mo, baka headline na ako ngayon.” Nanahimik si Nathan saglit. “I don’t apologize to strangers.” Nakangisi pa rin si Elle. “Then we don’t have to be strangers. I’m Kanielle Reyes. Teacher. Twenty-five. Lover of fishballs at kwek-kwek.” Tinitigan lang siya ni Nathan ng malamig. “Not interested.” “Wow,” natatawang sabi ni Elle. “Ang sungit ni Mr. Chinito. Baka naman allergic sa pakikipagkaibigan?” Hindi na siya sinagot ni Nathan at naglakad papasok sa opisina ng principal. Naiwan si Elle na nakangiti pa rin, na halatang naiintriga. Pagkatapos ng meeting ni Nathan kasama ang principal, paglabas niya sa hallway, narinig niya ulit ang pamilyar na boses. “O, ayan na si Mr. Chinito! Mga kids, tingnan niyo, siya yung bagong artista ng action movie. Kaso, kontrabida.” Napatingin si Nathan at nakita niyang nakapaligid ang ilang estudyante kay Elle, natatawa. “Teacher, sino siya?” tanong ng isa. “Secret,” sagot ni Elle, nakatingin kay Nathan. “Pero careful kayo dito, ha. Baka mabangga kayo kahit nasa hallway lang.” Napahinto si Nathan, nanlilisik ang mata. “Miss Reyes.” “Oooh, alam mo na pangalan ko,” panunukso ni Elle. “Progress!” Lumapit siya kay Elle, halos magdikit ang mga mata nila. “Stop calling me that ridiculous name.” Ngumisi si Elle, hindi natitinag. “Anong pangalan, Mr. Chinito?” “Don’t test me.” Tumingin si Elle sa mga bata. “Class dismissed. Balik na kayo sa room, mga bata. Ako na bahala dito kay kontrabida.” Tumakbo ang mga estudyante, nagbubulungan at nagtatawanan. Naiwan silang dalawa. Huminga ng malalim si Nathan. “Ano bang problema mo?” “Wala naman,” sagot ni Elle, naglakad papalapit pa. “Ang saya mo kasing asarin. Ang lamig-lamig mo, parang ice cream na walang flavor.” Nagtaas siya ng kilay. “At bakit kailangan mong pakialaman ang flavor ko?” Tumawa si Elle. “Kasi boring ka. And boring is a crime.” “Then consider me guilty,” malamig niyang sagot at tumalikod. Pero bago pa siya makalayo, tinawag ulit ni Elle. “O, Mr. Chinito!” Napalingon siya, halatang naiirita. “What now?” Ngumisi si Elle. “Next time na magmamadali ka, text mo muna ako para ma-warning-an ako. Para hindi na ako muntik mamatay.” “Hindi ako kukuha ng number mo,” mataray na sagot ni Nathan. “Eh di ako na lang bibigay ng number ko,” sabay abot ng maliit na papel. Tinitigan lang niya ang papel, hindi kinuha. “Fine,” sabi ni Elle, itinatago ang papel sa bulsa niya. “Basta alam mo na, Mr. Chinito. May utang ka pang sorry.” Lumayo siya, nakangiti pa rin, habang naiwan si Nathan na nakatitig, halatang nabubuwisit pero may kakaibang kiliti sa dibdib. At sa unang beses mula nang bumalik siya sa Pilipinas, naisip niya Tangina. Sino ba talaga itong babae na ‘to? “Kanielle Reyes, teacher, lover of fishballs at kwek-kwek?” malamig na ulit-ulit ni Nathan, tinitigan si Elle nang diretso. “Are you trying to impress me or annoy me?” “Pwede namang both,” mabilis na sagot ni Elle, nakataas ang kilay. “Basta ang mahalaga, hindi ka na lang deadma. Progress ‘yon, Mr. Chinito.” “Stop calling me that,” madiin na sabi ni Nathan. “Eh bagay kasi, eh,” ngumisi siya. “Yung mata mo parang lagi nang nakasquint. Tsaka” “Miss Reyes,” putol niya agad, mababa ang tono. “Kung may respeto ka sa sarili mo, tigilan mo na ‘yang tawag na yan.” Napangisi si Elle, hindi natitinag. “Wow. ‘Kung may respeto ako sa sarili ko’? So, dahil tinatawag kitang Mr. Chinito, wala akong respeto sa sarili ko? Ang lalim mo ha.” Nagtagilid si Nathan, halatang nawawalan ng pasensya. “I don’t do small talk. And I don’t appreciate being followed.” “Followed?” ngumuso si Elle. “Excuse me, nandito ako kasi teacher ako dito. Ikaw ang nagpakitang gilas na may Bugatti sa tapat ng school.” Tinitigan lang siya ni Nathan, walang reaksyon. “Alam mo, Mr. Chinito, para kang ice cube. Walang lasa, walang emosyon, puro lamig. Hindi ka ba marunong ngumiti?” “Smiling is a waste of energy,” malamig na sagot niya. “Wow. Ang saya mo siguro kasama sa party,” natatawang sabi ni Elle. “Walang sayaw, walang ngiti. Siguro kahit games, hindi ka sumasali.” Napasinghap si Nathan, pinisil ang tulay ng ilong niya. “You talk too much.” “And you talk too little,” mabilis na balik ni Elle. “Perfect match, diba?” Humakbang si Nathan palapit, halos magdikit ang mga mukha nila. “Listen. I don’t know you. I don’t want to know you. At wala akong balak makipagkilala pa.” Ngumisi lang si Elle, hindi natakot. “Eh bakit parang lagi kang napapatingin sa’kin kung wala kang balak?” Natahimik si Nathan sandali, nanlilisik ang mata. “You’re delusional.” “Hindi kaya,” sagot niya, nakapamewang. “Kung hindi mo ako napapansin, sana hindi mo rin naalala pangalan ko.” Nagpakawala ng maikli pero sarkastikong tawa si Nathan. “Kung ganyan ka lagi, I’ll make sure na hindi na tayo magkikita ulit.” “Good luck with that, Mr. Chinito,” sagot ni Elle na parang siya pa ang panalo. “Kasi guess what? Malapit lang bahay ko dito. So kahit ayaw mo, lagi mo pa rin akong makikita.” “Then I’ll avoid this place,” malamig na balik ni Nathan. “Sure ka?” nakangiting sagot ni Elle. “E paano kung lagi tayong pinagtatagpo ng tadhana?” “Don’t believe in destiny,” sagot ni Nathan, naglakad palayo. Pero bago siya tuluyang makalayo, narinig niya ulit ang boses ni Elle. “Hoy, Mr. Chinito! Sabihin mo na lang kasi na natatakot kang magkagusto sa’kin.” Napahinto si Nathan. Dahan-dahan siyang lumingon. “Excuse me?” “Narinig mo ako,” sagot ni Elle, nakataas pa ang kilay. “Kung hindi ka natatakot, hindi ka magiging defensive ng ganito.” Tinitigan niya ito ng matagal, parang sinusuri ang kaluluwa ni Elle. “I don’t get scared. Especially to someone like you.” “Someone like me?” nagulat si Elle. “Anong ibig mong sabihin do’n?” “You’re too loud. Too reckless. Too… nosy,” sagot ni Nathan. “Translation: Too unforgettable,” sabay kindat ni Elle. Mabilis na nilapit ni Nathan ang mukha niya kay Elle, halos magdikit ang labi nila. “You’re crossing the line.” “Eh kung gusto ko ngang tawirin yung line mo?” sagot ni Elle, hindi natitinag. Napatitig si Nathan. Mabilis ang t***k ng dibdib niya pero ayaw niyang ipakita. “You don’t know what you’re dealing with.” “At least I’m brave enough to try,” sagot ni Elle, mababa rin ang tono. Halos isang minuto silang nagtitigan, walang kumukurap. Hanggang sa biglang sumulpot si Charles, dala ang phone ni Nathan. “Young Master, your father is calling.” Napaatras agad si Nathan, bumalik ang malamig na ekspresyon. “I’ll take it inside.” Tumingin si Elle kay Charles, tapos bumalik ang tingin kay Nathan. “O, may Butler ka pa pala. Ang sosyal. Parang Korean drama.” “Don’t romanticize it,” malamig na sagot ni Nathan habang inaabot ang phone. Habang kausap ni Nathan ang kanyang dad sa kabilang linya, nakatayo lang si Elle, nakangiti pa rin. Nang matapos ang tawag, naglakad ulit si Nathan palabas ng hallway. Pero bago siya tuluyang makalabas ng pinto, tinawag ulit siya ni Elle. “Mr. Chinito!” Napatigil si Nathan, halatang naiinis na naman. “What now?” “Next time na magkita tayo, siguraduhin mong may baon kang ngiti. Baka kasi maubusan ka ng fans kung lagi kang ganyan kasungit.” “Hindi ko kailangan ng fans,” malamig na sagot ni Nathan. “Eh paano ako?” tanong ni Elle, nakangiti pa rin. “Hindi mo ba ako gustong maging fan?” Tumitig si Nathan, walang emosyon. “No.” Ngumisi lang si Elle, parang siya pa rin ang nanalo. “Sabi ko na eh. Natatakot ka lang.” Iniwan siya ni Nathan at diretsong naglakad palabas. Pero habang papalayo siya, hindi niya maiwasang mapansin ang sariling mga kamay na kanina pa nanginginig. Tangina. Bakit ba parang may epekto sa’kin yung babaeng ‘yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD