NATHAN’S POV
Tahimik ang buong kwarto. Tahimik, pero ang utak ko hindi tumitigil.
Nakaupo ako sa leather chair sa kwarto ko, nakatingin lang sa bintana habang nakikita ko ang ilaw ng Maynila na kumikislap sa malayo. Akala ko sa pagbabalik dito, makakahanap ako ng kahit konting kapayapaan. Pero hindi pala.
Kanina, muntik ko nang mabangga ang isang babae. At hindi ko alam kung saan ko huhugutin ang pasensya ko sa lalaking biglang umatake sa akin pagkatapos nun. Sumasakit pa rin ang panga ko dahil sa suntok niya.
“Damn it,” bulong ko, mariing pinisil ang kamao ko.
Bakit ba kasi ako napilitang bumalik dito? Kung hindi dahil sa matigas na boses ni Dad, nasa Singapore pa rin sana ako ngayon malayo sa lahat ng istorbo.
May kumatok sa pinto. “Young Master Nathan?” boses ni Charles, kalmado pa rin kahit alam kong halata niyang iritado ako buong araw.
“Ano na naman?” malamig kong tanong, hindi nag-abalang tumingin.
“Your parents are asking for you in the dining hall.”
Napailing ako. “Sabihin mong busog na ako.”
Tahimik si Charles ng ilang segundo bago sumagot. “They insist, sir.”
Mabigat ang buntong-hininga ko bago ako tumayo. Kung hindi ko sila haharapin, baka sumugod pa sila rito sa kwarto ko.
Pagdating ko sa dining hall, halos kumulo ang dugo ko sa eksenang nadatnan. Nakaupo sina Mom at Dad sa dulo ng mahaba naming mesa, parehong seryosong nakatingin sa akin na para bang may nagawa na naman akong kasalanan.
“Finally,” sabi ni Dad, nakataas ang kilay. “Umupo ka.”
Umupo ako pero hindi sila tinitingnan.
“So,” panimula ni Mom, nakahalukipkip, “care to explain what happened kanina?”
Napatingin ako saglit, nanlilisik ang mata ko. “Wala.”
“Wala?” singhal ni Dad. “You almost ran over a woman! At muntik ka pang makipagsapakan sa gitna ng kalsada, Nathan!”
“Kung hindi kasi biglang tumawid na hindi tumitingin , walang mangyayaring gulo,” malamig kong sagot.
“Don’t twist this, Nathan,” putol agad ni Mom. “Ikaw ang nagmadali. Ikaw ang hindi tumingin sa stoplight.”
Napatawa ako. “Of course. Ako na naman ang mali.”
“Anak, hindi ba’t dapat maging responsable ka?” malumanay pero mariing sabi ni Mom. “Kung may nangyaring masama, anong sasabihin ng mga tao? What would that do to our family’s reputation?”
Napailing ako. “So, it’s not about me. It’s about your precious reputation.”
“Don’t you dare talk to your mother like that!” sigaw ni Dad, sabay hampas ng kamay niya sa mesa. “You’re out of control, Nathan!”
Tinitigan ko siya, malamig. “Out of control? Hindi ba kayo ‘yon? Palaging kayo ang may control. Kayo ang nagdedesisyon kung saan ako titira, kung anong gagawin ko, kung saan ako dapat pumunta. And now, dahil lang sa lupa na gusto niyo bilhin dito sa Pilipinas, kailangan kong sumunod?”
“Exactly,” madiing sagot ni Dad. “Anak ka namin. You follow our lead.”
Tumayo ako, hindi na kayang tiisin ang init ng ulo ko. “I’m not a soldier in your army, Dad. I’m your son. Pero ni minsan, hindi niyo ako tinanong kung anong gusto ko.”
“Nathan” singit ni Mom, pero putol ko agad.
“No, Mom. Lahat na lang para sa inyo. Lahat ng galaw ko, bantay-sarado. Wala kayong tiwala sa akin. Hindi niyo man lang naisip na baka… baka gusto ko ring pumili para sa sarili ko.”
Tahimik silang pareho. Pero halata ko sa mukha nila, hindi dahil naintindihan nila ako, kundi dahil nagugulat sila na nagsasalita ako ng ganito.
“Anak…” mahina ang boses ni Mom, “We only want what’s best for you.”
“Best for me?” Natawa ako nang mapait. “Or best for the family image?”
Hindi nakasagot si Mom. Si Dad naman, nanlilisik ang mga mata, halatang pigil na pigil ang sarili.
“You’re testing my patience, Nathan,” banta niya. “Kung hindi mo kayang sumunod, baka kailangan mong malaman kung gaano ka kahirap mawalan ng lahat ng meron ka.”
Tinitigan ko siya nang diretso. “Then do it. I don’t care.”
Agad ako tumalikod at naglakad palabas ng dining hall, walang lingon.
“Anak! Nathan!” sigaw ni Mom.
Pero hindi na ako lumingon.
Pagbalik ko sa kwarto, sinalubong ako ni Charles na may dalang first aid kit.
“Young Master…” mahina niyang sabi, “I know you’re upset. But please, don’t let anger consume you.”
Napahinga ako nang malalim, naupo sa gilid ng kama. “Charles, they’ll never understand.”
Tahimik siya saglit, bago tumugon. “Then make them. In time. But not tonight.”
Hindi ko alam kung kaya ko pa. Pero sa gabing ito, alam ko lang isang bagay:
Mas lalo akong naiinis sa pagbabalik dito.
At mas lalo kong gustong mawala.
Pagkatapos ng tensyon sa dining hall, Gusto ko lang mapag-isa. Pero ilang minuto pa lang akong nakaupo sa gilid ng kama nang marinig ko ulit ang katok.
“Who is it?” malamig kong tanong, halos walang gana.
“Pare, ako ‘to.”
Napakunot ang noo ko. Kilala ko ang boses na ‘yon. Hindi ko inaasahan.
Binuksan ko ang pinto, at tumambad sa akin ang pamilyar na mukha.
“Xavier?”
Ngumisi siya, nakasuot ng simpleng puting polo at maong pants. “Yo, bro. Long time no see.”
Umiling ako, medyo nabigla. “Anong ginagawa mo rito?”
“Pinapasok ako ni Charles. Sabi ko kailangan kitang makita.”
“Charles talaga…” bulong ko. Pinapasok ko siya kahit medyo nag-aalinlangan. “So, bakit ka nandito?”
“Pare, nakita ko lahat. Kumalat agad sa group chat natin. Yung muntik mong mabangga kanina. At yung suntukan.”
Napahawak ako sa sentido ko. “Of course. Viral agad.”
“Dude, you almost killed someone. Tapos nakipagsuntukan ka pa sa gitna ng kalsada. Hindi ka man lang nag-isip?”
“Hindi ko siya napatay, okay? At hindi ko kasalanan kung tumawid siya bigla.”
Umiling ito. “Classic Nathan. Always blaming someone else.”
Tinitigan ko siya ng masama. “If you came here para sermonan ako, then you may leave.”
Huminga siya nang malalim at umupo sa sofa sa gilid ng kwarto ko. “Hindi, bro. Kaya nga ako nandito. Kasi kilala kita. Alam kong hindi ka okay.”
Tumahimik ako saglit. Ayaw kong aminin na tama siya.
“Pare, ilang taon tayong magkasama sa Singapore. Alam kong hindi ka ganito dati.”
Napangisi ako. “Hindi ba? Kasi sa pagkakaalam ko, lagi akong ganito. Cold. Detached. Walang pake.”
Umiling si Xavier. “Hindi. Naaalala ko yung mga gabing nakikipaglaro ka ng chess sakin hanggang alas-tres ng umaga. Yung mga debate natin tungkol sa philosophy, kahit hindi tayo magkasundo. Hindi ka cold, bro. You just… shut down.”
“Same thing,” sagot ko, malamig pa rin.
Tumayo siya, lumapit, at tinitigan ako nang diretso. “No. Alam kong nasasakal ka. Alam kong ayaw mong nandito. Pero Nathan, kailangan mong huminga. Hindi mo pwedeng ubusin ang sarili mo sa inis sa parents mo.”
Napatawa ako, mapait. “Sasabihin mong huminga ako, eh kanina lang halos durugin ako ng tatay ko sa sigaw.”
“Pare, kilala ko si Mr. Yu. Matagal na kitang kinukwento tungkol sa kanya. Pero alam mo? Hindi ka naman bata para hayaan mo na lang lagi silang magdikta.”
Tumalikod ako, tinitigan ang bintana. “And what do you suggest? Magrebelde? Tumakas? Maglayas?”
“Hindi. Pero magdesisyon ka para sa sarili mo. Kahit maliit lang na bagay. Kahit isang choice lang na hindi sila ang may hawak.”
Tumahimik ako. Totoo ang sinasabi niya, pero hindi ko alam kung paano sisimulan.
Umupo siya sa gilid ng kama. “By the way, sino yung babae?”
Napalingon ako. “What?”
“Yung muntik mong mabangga. Gwapo ka nga raw pero reckless driver.” Tumawa siya nang konti.
Napairap ako. “Hindi ko siya kilala. At wala akong balak makilala.”
“Hmm. Interesting. Kasi nakita ko yung video. Pare, kung paano ka tumingin pagkatapos ng gulo…”
“Stop,” putol ko agad.
Tumawa siya ulit. “Grabe. Cold ka pa rin talaga. Pero kilala kita. Kung cold ka sa lahat, ibig sabihin may isang tao lang na hindi ka cold.”
Tinitigan ko siya, seryoso. “Kung narito ka para magbasa ng utak, mas mabuting umalis ka na.”
Ngumisi siya. “Relax, bro. Hindi ako manghuhula. Pero tingin ko, may magbabago dito sa Pilipinas. At ayokong palampasin yung chance na makita kang… for once, masaya.”
Napailing ako. “Happiness is overrated.”
“Kung overrated, bakit hanggang ngayon hinahanap mo pa rin?”
Natahimik ako. Walang sagot. Kasi kahit ako, alam ko sa loob-loob ko, totoo yung sinabi niya.
Kinuha niya yung can ng softdrink na dala niya at iniabot sa akin. “Cheers, pare. To surviving the Philippines.”
Tinanggap ko, kahit hindi ko siya tiningnan. “To surviving, huh?”
“Yeah,” sagot niya. “And maybe… to find something worth staying for.”
Napangisi ako, mapait pero totoo. “Good luck with that.”
Nagtawanan kami ng mahina. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit papano, gumaan ang loob ko.
“Bro,” dagdag niya, “kung kailangan mo ng kasama o kausap, tawagan mo lang ako. Kahit anong oras.”
Tumango ako. “Thanks.”
Lumapit siya sa pinto bago umalis. “And Nathan?”
“Ano?”
“Try not to punch anyone tomorrow, okay?”
Napapikit ako. “I can't promise that.”
Ngumisi siya bago lumabas. Naiwan akong mag-isa, hawak ang malamig na soft drink can.