THIRD PERSON POV Hindi na alam ni Nathan ang gagawin. Paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang sinabi ng mga magulang kagabi isang buwan. Isang buwan lang, Nathan. Pag hindi mo pa rin napapapirma ang guro na iyon, wala na tayong choice kundi patayin siya. Napamura na lamang siya sa kanyang isipan habang nakahiga sa kama. Putangina… paano ko gagawin ‘to? Pinikit niya ang mga mata, pero kahit anong gawin, si Elle pa rin ang bumabalik sa kanyang isipan ang ngiti nito, ang lambing ng boses, at higit sa lahat, ang tapang na ipinakita nito sa kabila ng lahat ng panggigipit. Samantalang sa kabilang dako, si Elle ay nasa silid-aralan, kasalukuyang nagtuturo sa mga estudyanteng kinder. Kahit maingay at magulo, bakas pa rin ang saya sa kanyang mga mata. “Okay, class!” masiglang bati ni Elle, ha

