NATHAN POV Mula pa noong araw na ‘yon sa school, hindi parin pumipirma si Kanielle sa contract. Nakakainis, nakakabuwisit. s**t, damn that woman! Ano bang pinanghahawakan niya? Nasa living room ako, hawak ang baso ng alak, paikot-ikot ang ice habang nag-iisip. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Dad kasunod si Mom. Parehong galit na galit ang mga mukha nila, halatang wala sa mood. “Nathan!” sigaw ni Mom, halos dumagundong ang sala. “Hanggang ngayon ba, hindi parin pumipirma ang teacher na ‘yon?!” Napabuntong hininga ako, pinatong ang baso sa mesa. “Mom, Dad, sinabi ko na nga eh. Kahit binigyan ko siya ng cheque na dalawang milyon, ayaw niyang tanggapin. Imagine, dalawang milyon! Pero tinanggihan niya pa rin.” Napatayo si Dad, nanlilisik ang mga mata. “Dalawang milyon, Nathan?! At

