THIRD PERSON POV
Sumapit na ang hapon.
Nagsimula nang magsi-uwian ang mga batang makukulit at tila hindi nauubusan ng energy. Isa-isang sumakay sa sundo, sinundo ng mga magulang, o inihatid ni Yaya. Si Kanielle naman, hawak ang sling bag at isang eco bag na may lamang mga test papers na kailangang i-check sa bahay, naglalakad sa labas ng gate ng school.
Pagod na masaya ang expression niya. Pagod sa ingay, pero masaya sa saya.
Habang naglalakad sa tabi ng waiting shed, biglang may humintong motor malapit sa kanya. Bume-brake ito ng medyo mayabang, kasabay ng isang matinis na “WHOOOOP!”
Sabay tanggal ng helmet ng lalaking naka-black leather jacket, shades, at may killer smile na parang galing sa Korean drama.
“Hi, chicks,” ani Lucas Ramos, sabay kindat.
Napataas ang kilay ni Kanielle at natatawang napailing. “Chicks agad? Hoy, Lucas! Akala mo kung sinong cool, eh mukhang basa ka lang sa ulan!”
“Uy, grabe ka naman,” sabay ayos ni Lucas sa buhok niya habang ibinababa ang helmet. “Sobrang traffic, halos magpa-surgery na ako sa EDSA.”
“Yabang,” ani Kanielle habang ngumiti at kumaway. “Bakit ka andito?”
“Hinabol kita. Gusto kita isabay pauwi. Wala lang, feel kong maging knight in shining armor today.”
“Knight agad? Eh naka-motor ka lang.”
“Eh, shining naman ‘to oh,” sabay turo sa metallic black na motor niya. “O, halika na, sakay na. Libre kita fishball at kwek-kwek. Special treat ng poging surgeon na ‘to.”
Tiningnan siya ni Kanielle mula ulo hanggang paa. “Sigurado ka bang surgeon ka talaga? Baka taga-timpla ka lang ng betadine sa ER.”
“Hoy! Sobra ka!” sabay ngiti ni Lucas. “Sige ka, i-cancel ko ‘tong fishball date natin.”
“Uy, joke lang! Sige na nga, since gutom na rin ako.”
Sumakay si Kanielle sa likod ng motor. Mahigpit ang kapit niya kay Lucas, na lalong ngumiti nang maramdaman ang kamay ni Kanielle sa baywang niya.
“Uy, grabe ka. First base agad,” ani Lucas, kunwari seryoso.
“Tigil-tigilan mo ako. Mahuhulog lang ako kaya kapit dyan!” balik ni Kanielle, habang pinipigilan ang kilig.
Habang bumibyahe sila sa kahabaan ng Espanya, naramdaman ni Kanielle ang presko at malamig na hangin, at ang katahimikang kakaiba kapag kasama niya si Lucas. Lagi siyang pakiramdam ligtas. Kumportable. Kahit wala silang romantic label, parang hindi mo maitatangging may ‘something’ sa pagitan nila.
Ilang minuto lang, huminto sila sa isang kanto kung saan may nagtitinda ng street food. May fishball, squidball, kwek-kwek, tokneneng, isaw, at siyempre taho.
“Ayan! Heaven!” sigaw ni Lucas, habang bumaba ng motor. “Best cuisine in the world!”
“Saan ang Michelin star diyan, Doc?” tanong ni Kanielle habang sumunod sa kanya.
“Sa puso mo,” bulong ni Lucas.
Namilog ang mata ni Kanielle. “Grabe ka. Benta mo talaga today.”
“Di ba? Libre ‘to ha. Dapat may kasamang kilig.”
Nilapitan nila ang matandang tindero ng fishball.
“Manong! Two orders ng fishball, isang kwek-kwek, at dalawang isaw!” sigaw ni Lucas.
“Wow, ganyan ka pala magmahal,” ani Kanielle, kunwaring impressed.
“Lagi kitang pakakainin ng fishball, kahit every day.”
“Kahit mawalan ka ng license dahil sa cholesterol mo?”
“Para sa’yo, worth it.”
Tawanan silang dalawa. Umupo sila sa isang low bench sa tabi ng fishball stand habang hinihintay lutuin ang order.
“Elle, pagod ka ba today?” tanong ni Lucas habang tinititigan ang mukha niya.
“Pagod, pero busog ang puso,” sagot ni Kanielle habang nakatingin sa mga batang dumadaan. “Iba talaga ‘yung joy kapag bata ‘yung kaharap mo buong araw.”
“Alam mo, ikaw ang pinaka-patient na taong kilala ko,” sabi ni Lucas. “Kahit napaka-ingay ng mundo mo, lagi kang may ngiti.”
“Kasi kung hindi ako ngingiti, mapupuno lang ako ng stress,” ani Kanielle. “Kailangan kong panindigan ‘yung role ko sa mga batang ‘yon. Isa lang akong masungit na teacher, tapos na ‘ko sa kanila.”
“Tama ka,” sabay abot ni Lucas ng stick ng fishball. “O, subo. First bite, dapat sa’kin.”
“Wow, ‘to oh. Kumpleto pa sa love team concept.” Pero ngumiti siya, at kinagat ang fishball.
“Ang cute mo talaga kapag ngumunguya,” ani Lucas.
“Ang creepy mo kapag tumitig,” balik ni Kanielle, pero pulang-pula ang pisngi niya.
“Gusto mo talaga ‘yan eh. Aminin mo.”
“Gusto kong tamaan ka ng fishball.”
“Gusto kong tamaan ng feelings mo.”
“Ewan ko sa’yo.”
Pagkatapos ng ilang fishball at kwek-kwek, napunta sila sa isaw. Si Kanielle, bahagyang nandidiri. “Lucas, parang hindi ko kaya ‘to.”
“Kaya mo ‘yan. Isaw is life. Tignan mo, ako nga eh, Doktor na, isaw pa rin ang hanap.”
“Kahit ‘di luto ng maayos?”
“Trust the system.”
“Which system?”
“System ng pag-ibig,” sabay kindat ulit ni Lucas.
“Corny mo talaga!”
Pero ngumiti si Kanielle. Hindi niya mapigilang ngumiti. Kasi si Lucas, kahit palaging pa-joke, nararamdaman niyang totoo sa lahat ng ginagawa. Lalo na tuwing binibigyan siya ng time kahit sobrang busy nito.
After ng street food bonding nila, tumayo na sila para bumalik sa motor.
“Hatid na kita,” ani Lucas. “Pagod ka na. Kelangan mo na ng pahinga.”
“Sure ka? Baka may duty ka pa?”
“Para sa’yo, wala akong duty. Ikaw lang ang dapat kong bantayan.”
“Hmm. Nagiging serious ka na naman. Lucas…”
“Hm?”
“Thank you.”
“Para saan?”
“Para sa fishball. Sa ride. Sa asar. Sa lambing. Sa kilig.”
Napangiti si Lucas. “Anytime. Para sa’yo, unlimited.”
Pagkasakay nila ulit sa motor, this time, kusang yumakap si Kanielle sa baywang niya. Mas mahigpit. Mas totoo. Mas may ibig sabihin.
“Lucas?” bulong niya habang bumubusina ito.
“Hmm?”
“Next time... ako naman ang libre.”
“Deal. Basta ikaw ang kasama, kahit lugi pa ako.”
Sabay silang tumawa.
At sa bawat metro ng kalsadang tinatahak nila, may hangin, may tuwa, at may damdaming unti-unti nang nabubuo.