LUCAS POV
Pagkatapos naming kumain ng street food ni Elle-este Kanielle, pero Elle ang tawag ko sa kanya pag nag lalambing ako, umangkas na ulit siya sa motor ko. Napansin kong mas mahigpit na ang kapit niya ngayon. Hindi na 'yung tipong baka mahulog lang, kundi ‘yung parang... ayaw nang bumitaw.
Tangina. Kung pwede lang huminto ang oras sa ganito, pipindutin ko na.
Habang binabagtas namin ang kalsadang paliko-liko pauwi, kinuha ko ang kamay niya at pinayakap ko sa bewang ko. Napatingin siya sa gilid ko, napangiti.
"Uy," bulong niya, "Nakahawak na nga ako sa’yo, gusto mo pa talaga full wrap?"
"Tawag diyan, safety protocol," sagot ko. "Baka mawala ka sa buhay ko, 'di ba?"
"Charotero ka," sabay tawa ni Elle.
"Charotero pero may puso," sagot ko, sabay busina. Tangina, ba't parang ako ‘tong kinikilig sa sarili kong linya?
Pagdating namin sa gate ng bahay nila, andun agad sa harap ang mga magulang niya sina Tito Max at Tita Dorie parehong naka-house clothes pero ang aura parang NBI agent na pinag sususpetsahan ako.
“Lucas!” bungad ni Tito habang nakakunot ang noo. “Late na ah!”
“Hi, Tito! Surprise inspection po ba ‘to?” sagot ko, sabay tanggal ng helmet.
“Elle, anak, bakit ngayon lang kayo?” si Tita naman, habang ina-adjust ang salamin sa mata.
“Ma, Pa, nag-fishball lang kami,” sagot ni Elle habang inaabot ang eco bag niya.
Napansin kong parang X-ray ang tingin sa akin ni Tito Max. Literal. Parang nagpa-scan ako sa MRI.
“Fishball lang ba talaga?” tanong niya, sabay taas ng kilay.
“May konting kwek-kwek din po, at isaw,” sagot ko, kunwari inosente. “Pero pramis, wala pong bawal. Maayos pong street food stand ‘yon. May alcohol sila sa tabi.”
“Alcohol sa tabi? Panglinis o panulak?” si Tita, halatang ready sa debate.
“Nakakatuwa po kayong kausap, Tita,” sagot ko sabay tawa. "Pero wag po kayo mag-alala, safe po kami."
“Hoy, Ma, Pa! Tigilan niyo nga si Lucas. Akala niyo naman kung sinong delinquent ito,” si Elle, sabay hila sa braso ko papasok.
“Delinquent? Tama! Ganyan talaga ang aura niyan. Mukhang... rockstar!” si Tito, pero may halong biro na.
“Rockstar ng puso ni Elle,” sabay bulong ko.
Napalingon si Elle. "Ano raw?"
"Wala!" sabay taas ko ng kamay. “Joke lang, Elle Bells.”
“Ano na naman ‘yang call sign mo?” tawa niya.
“Elle Bells and Lucas Chubs, forever.”
“Lucas Chubs? Yuck!” sigaw ni Elle. “Saan galing ‘yon?”
“Galing sa puso ko. Tumaba ‘to dahil sa’yo.”
“Kadiri ka! Ma! Pa! Pumasok na tayo!” hiyaw ni Elle habang tinutulak ako papasok ng bahay nila.
Pagpasok namin sa sala, dumiretso agad ako sa sofa. As usual, ako na ang parang adopted child dito. May sarili na akong baso, tsinelas, at minsan kumot pa.
“Anak, pakikuha nga ng juice sa ref, para kay Lucas,” utos ni Tita kay Elle.
“Bakit ako? Siya ‘yung guest,” reklamo ni Elle.
“Eh para sweet. Couple kayo ‘di ba?” singit bigla ni Tito.
“PA!!” sabay naming sigaw ni Elle, pero sabay rin kaming napatawa.
Dumating si Elle na may dalang juice at isang platong chips. “Ayan ha, ayokong magsusumbong ka na ginutom kita.”
“Salamat, Elle Bells. Iba talaga ang alaga mo sa’kin.”
“Teka, bakit nga ba Elle Bells ang tawag mo sa’kin? Hindi ba dapat Miss Reyes ako?”
“Miss Reyes ka sa school. Sa puso ko, ikaw si Elle Bells. Parang kampanilyang masaya sa tenga.”
“Kadiri ka talaga,” pero ngumiti siya. Yung ngiting ayaw niyang ipahalata pero bumibigay rin.
Sabay kaming umupo sa couch. Tinitigan ko siya. “Alam mo ba, Elle…”
“Hmm?” abala siya sa pagkuha ng chips.
“Pag kasama kita, parang ang dali ng lahat.”
“Ang dali? Anong ibig mong sabihin?”
“Parang kahit pagod ako sa hospital, kahit stress sa OR, kahit galit si Chief, okay lang. Kasi alam kong sa dulo ng araw, may fishball date tayo, may asaran, may Elle Bells.”
Napatingin siya sa akin. Ngiting may lungkot. “Ganun din naman ako, Lucas.”
Napakagat siya sa labi. “Pag gulo-gulo ang classroom, pag halos wala na akong energy… pag naalala kita, parang ayos na lahat.”
“Ganon? Kasi alam mong andito lang ako?”
Tumango siya. “Oo. Kasi alam kong... hindi ka mawawala.”
Natahimik kami saglit. Rare moment ‘to, kasi usually puro lokohan lang kami. Pero ngayong tahimik… parang mas malalim.
Binasag ko ang katahimikan. “Elle, may tanong ako.”
“Ano ‘yon?”
“May chance ba akong maging more than Lucas Chubs?”
“HA?!”
“Baka pwede maging Lucas Loves?”
“OMG!” sigaw ni Elle sabay bagsak ng chips sa sahig. “Hindi mo sinabi sa’kin na ready ka na sa ganung level!”
“Hindi naman to proposal! Tanong lang. Kung sakali… may pag-asa ba?”
Namula siya. “Lucas…”
“Hmm?”
“Pwede ba nating ituloy ‘tong pagiging kami… pero walang label muna?”
Natawa ako. “G ka pa rin pala sa situationship.”
“Huy, hindi! I mean… gusto kita. Alam mo ‘yan. Pero gusto kong i-enjoy muna ‘to. Yung fishball. Yung kilig. Yung Lucas Chubs.”
“Deal,” sabay hawak ko sa pinky finger niya. “Pero sa araw na sabihin mong ready ka na… hindi na ako magbibiro.”
“Promise?”
“Promise.”
Nag-pinky swear kami. Ang corny. Pero nakakakilig.
Maya-maya, pumasok ulit si Tito. “Oy, Lucas! dito ka matutulog?”
“PA!” sigaw ni Elle.
“Biro lang. Pero kung gusto mo, may extra bed kami.”
Ngumiti ako. “Thanks po, Tito. Pero uwi na rin ako. Baka hanapin ako ng nanay ko.”
“Sige, sige. Ingat ka. At ikaw Elle, wag ka masyadong pabebe.”
“Tito, patawa kayo eh!” sabay tawa ko.
Bago ako umalis, lumapit ako kay Elle. “Goodnight, Elle Bells.”
“Goodnight, Lucas Chubs.”
At bago pa ako makasakay ng motor, hinila niya ang helmet ko at bumulong:
“Next fishball date, ako ang libre ha?”
“Sure. Basta ikaw ang kasama, kahit fishball lang, gala na ‘yon.”
Nagmano na ako kina Tito Max at Tita Dorie bago umalis.
“Salamat po ulit, Tito, Tita,” sabi ko habang inaayos ang helmet ko. “Ingat po kayo, goodnight!”
“Mag-iingat ka rin sa biyahe, Lucas,” sagot ni Tita, sabay abot ng supot ng tinapay. “O, dalhin mo na ‘to, baka magutom ka pa mamaya.”
“Wow, may baon pa,” natatawang sabi ko. “Salamat po!”
“‘Wag mong paiyakin anak namin, ha,” singit bigla ni Tito Max, seryoso ang tono.
“Hindi po. Hinding-hindi,” sagot ko agad, sabay ngiti.
Bumalik ako ng tingin kay Elle na nasa may pintuan.
“Goodnight, Elle Bells,” sabi ko.
Ngumiti siya, ‘yung ngiting tipong ayaw pa sana ako pauwiin. “Goodnight, Lucas Chubs.”
At sa ngiting ‘yon, parang gusto ko na lang umarkila ng tent at mag-camping sa harapan nila.
Pero syempre, kailangan ko na ring umalis.
Nag-wave siya habang papaalis ako.
At habang umaandar ang motor ko pauwi, ramdam ko pa rin ang init ng kamay niya sa baywang ko.
Hindi man kami ‘official’, pero sa bawat tawa, asaran, at fishball sa tabi ng kalsada… alam kong nagsisimula na kami.
Habang binabaybay ko ang daan, tahimik lang ang gabi pero ang isip ko ang ingay. Paulit-ulit ang mga eksena sa utak ko. Yung pagtawa niya, ‘yung kapit niya sa’kin sa motor, ‘yung pinky swear namin… Tangina. Parang pelikula. Pero totoo.
Pagkarating ko sa gate ng bahay, pinindot ko ang doorbell, at ilang segundo pa lang, bumukas na ang gate kasabay ng…
“LUCAS! ANONG ORAS NA?!”
Tangina. Alarm clock ni Mama.
“Ma, andito na po ako,” sabi ko, pilit na kalmado.
“ALAM KO NAMANG NANDITO KA NA! KAYA NGA AKO NAGTATALAK! ANONG ORAS NA, HA?! NAG-FISHBALL KA NANAMAN ‘NO?! KUNG SAAN-SAAN KAYO NAGLALANDIAN NG KANIELA NA ‘YAN!”
“Ma, Kanielle po. Hindi Kaniela. Teacher po siya, respeto naman po.”
“RESPE-RESPESTO KA PA DIYAN! GALING KA NA NGA SA HOSPITAL, NAG-STREET FOOD KA PA?! GUSTO MO MAG KA SALMONELLA? GUSTO MO NG ULTRA TYPHOID?!”
“Ma, safe naman po ‘yung kinainan namin…”
“SAFE? E ANONG ORAS KA NA NAKAUWI, HA?!”
Napalingon ako sa relo.
“Alas-nwebe po.”
“ALAS-NWEBE EH ‘SABI MO ALAS-SIYETE LANG!”
“Ma, overtime po. Na-late ‘yung kwek-kwek.”
“LATE DIN YANG ULO MO SA PAG-IISIP!”
Biglang lumabas si Lexie mula sa kusina, hawak-hawak ang phone niya at nagtatawanan pa.
“Kuya, grabe trending ka na sa group chat namin. Ang title: ‘Lucas vs. The Dragon Queen’”
“Lexie!” singhal ko sa kanya.
“Hoy, Lexie! Huwag mong iniinis ang kuya mo! Kundi pati ikaw, isasama ko sa sermon!” sabay tingin sa kanya ni Mama.
“Ay, wala po akong kinalaman, Ma. Byeee!” sabay takbo pabalik sa kwarto.
Naiwan kaming dalawa ni Mama sa garahe. Ako, bitbit ang helmet at supot ng tinapay. Si Mama naman, bitbit ang galit ng lahat ng nanay sa buong barangay.
“Ma, sorry na po. Hindi ko po sinasadya. Hindi ko po alam na may oras po pala ang fishball.”
“Hindi fishball ang issue dito, Lucas. Alam kong binata ka na. Alam kong may trabaho ka. Pero anak, ‘wag mong kalimutang may pamilya ka rin na nag-aalala sa’yo. Kahit hindi mo sabihin, kahit hindi mo i-text, inaabangan ka namin ng Papa mo gabi-gabi.”
Napayuko ako. Tangina. Nasapul ako do’n.
“Sorry po, Ma. Promise, magtetext na po ako lagi. Magpapaalam din bago umalis.”
Tumango si Mama. “At saka, Lucas…”
“po?”
“’Wag kang masyadong pa-fall.”
Napatigil ako. “Po?”
“Kilala kita anak. Magaling ka magsalita. Pero baka may pusong hindi pa ready. Baka si Kanielle… baka hindi pa siya sigurado sa gusto niya.”
Tumango ako. “Alam ko po. Kaya hindi ko siya pinipilit. Pero Ma, alam ko rin kung ano nararamdaman ko.”
Lumapit si Mama at pinisil ang braso ko.
“Basta ‘wag mong i-all in kung hindi ka sigurado na pareho kayong naglalaro. Ayokong masaktan ka.”
“Opo, Ma.”
“Okay. Sige na, pasok na. May tinola sa mesa. Kumain ka muna bago maligo.”
Ngumiti ako. “Salamat po, Ma. Sorry po ulit.”
“‘Tsk. Uwi ka ng late, pero ‘pag ngumingiti ka ng ganyan, parang gusto ko na lang paampon ka ulit sa ibang pamilya.”
Natawa ako. “Sige po, bukas po balik ako kina Tita Dorie.”
“Subukan mo lang!” sabay kurot niya sa tagiliran ko.
Umakyat ako sa kwarto, pagod pero magaan ang loob. Binuksan ko ang phone ko at nakita kong may message si Kanielle.
Kanielle:
“Nakarating ka na ba? Nagsara na si Manong Fishball sa kakahintay.”
Napangiti ako. Gusto ko pa siyang kausapin. Kahit buong gabi.
Lucas:
“Oo, andito na. Tinalakan lang muna ako ni Mama. Sabi niya next time, ikaw na raw ang sundo.”
Kanielle:
“Haha! Sure ako hindi ‘yon sinabi ng Mama mo.”
Lucas:
“Okay, fine. Sabi niya huwag na raw kitang ihahatid kung hindi mo pa ako sinasagot.”
Kanielle:
“At anong sagot ang hinihintay mo, Mr. Lucas Chubs?”
Lucas:
“Yung sasabihin mong… sa susunod na fishball date, hindi na ‘to char-char lang.”
Nagtyping siya ng ilang minuto. Tapos, may pumasok na reply:
Kanielle:
“Tignan natin… kung masarap ang isaw next time, baka sagutin na kita.”
Tangina. May pag-asa.
Bumagsak ako sa kama, humahagikhik mag-isa.
Hindi ko alam kung kailan magiging “kami.” Pero habang naroon siya sa mga fishball, kwek-kwek, tawanan, at kulitan…
Okay lang kahit paunti-unti kasi alam kung totoo ‘tong nararamdaman ko, hinding-hindi ako bibitaw.