NATHAN’S POV
Tahimik ang buong bahay. Laging ganito tuwing wala akong meeting sa online platforms ko. Tahimik. Walang istorbo. Walang usap. Walang emosyon.
Eksakto sa gusto ko.
Nakahilata ako sa leather sofa sa entertainment room habang nakasaksak sa tenga ko ang noise-cancelling earbuds. Pinapakinggan ko lang ang instrumental jazz habang pinapanuod ang ilaw na nagfi-flicker sa aquarium sa gilid. May ilang exotic fish si Dad na imported pa raw mula Japan. Wala naman akong pakialam doon. Basta hindi sila maingay, ayos lang.
Biglang bumukas ang pinto. Hindi ako gumalaw. Hindi ako lumingon.
"Young Master Nathan," magalang na tawag ni Charles, ang aming loyal butler na parang lolo na namin sa tagal niya sa pamilya. "Your mother is calling you in the study room."
Tinanggal ko ang earbud sa kaliwang tenga ko.
"Sabihin mong busy ako," malamig kong sagot habang hindi man lang siya tinitingnan.
"She insisted, young master. She said it’s urgent."
Napabuntong-hininga ako. Alam kong hindi ako titigilan ng mommy ko kapag sinabing niyang urgent. Tumayo ako nang mabigat ang pakiramdam. Parang hinihila ako ng sahig.
Tahimik akong naglakad papunta sa study room. Walang sapantaha. Walang emosyon.
Binuksan ko ang pinto. Nandoon si Mommy, nakaupo sa harap ng mahogany desk niya, may hawak na mga papeles at laptop sa gilid.
"Nathan," masungit ang tono ng mommy ko pero shes trying to be calm. “Upo ka. We need to talk.”
Umupo ako pero hindi ko siya tiningnan. Idinirekta ko lang ang tingin ko sa wall clock na umiikot sa dulo ng silid.
"Okay. Anong meron?" malamig kong tanong.
Napatingin siya sa akin, halatang iritado. “You don’t have to act like I dragged you to hell. We're just having a conversation, anak.”
"Then make it quick," putol ko sa kanya.
She exhaled deeply and tried to compose herself. “We’re going back to the Philippines. Your dad and I may balak kaming bilhin na property doon. May mga kausap kami, and it will take months to finalize everything. So kailangan naming doon muna tumira.”
Tumingin lang ako sa kanya, walang emosyon. “So?”
“So, you’re coming with us, of course.”
Tumawa ako. Isang pilit, walang buhay na tawa. “Of course? Sino may sabing sasama ako?”
“Nathan!” tumingkad ang tono niya. “You’re our son. You're coming with us. Period.”
Umiling ako. “You can’t just decide things for me.”
“Anak, Singapore lang naman ang iiwan natin. Hindi naman tayo pupunta ng ibang planeta.”
“And I like it here,” mariin kong sagot. “Tahimik. Walang pakialam ang tao. Walang nangungulit. At higit sa lahat walang drama.”
Nagpipigil ng galit si mommy. Kita ko sa pagkagat niya ng labi niya.
“Why do you always have to be so cold to us?” mahina pero mabigat ang tanong niya.
Napailing ako. “I’m not cold. I’m just… honest.”
Bigla bumukas ang pinto.
Si Dad.
At katulad ng dati, wala siyang pasabi, walang warning, basta na lang papasok.
"Anong naririnig kong hindi ka sasama?" malakas niyang sabi. May galit agad sa boses niya.
Tumingin ako sa kanya, walang takot. “Hindi ko choice ‘to. You expect me to just pack my things and go just because may gusto kayong bilhin na lupa?”
"Yes. Exactly that," sagot ni Dad. "Kahit ayaw mo, sasama ka. I said so, and that’s final!"
Tumayo ako, hindi na kinaya ng katawan ko ang tension.
"I’m not a kid anymore, Dad."
"Then act like it!" singhal niya.
Napatingin si Mommy sa amin, halatang mag-aaway na naman kami.
"Kasasabi ko lang sayo, Nathan, wag mong subukan ang pasensya ko," dagdag pa ng Daddy ko. “Anak kita. You follow my lead.”
"Anak nyo, oo. Pero hindi ako robot," mariin kong sagot.
"P*TANGINA NATHAN! JUST PACK YOUR THINGS AND GO!" sigaw niya.
Tumahimik ang kwarto.
Nanlamig ako. Hindi dahil natakot ako, kundi dahil mas lalo akong nandidiri sa lahat. Sa sistema. Sa pamilyang ganito.
Naglakad ako palabas ng study room nang walang salita.
Pagbalik ko sa kwarto, sinalubong ako ni Charles, may dala siyang tray ng tsaa at biscuit.
"Young master... are you alright?" mahina niyang tanong.
Hindi ako agad sumagot. Umupo ako sa kama at naglabas ng malalim na buntong-hininga.
“Charles... have you ever wanted to disappear?”
Nagulat siya. Hindi niya agad alam ang isasagot. "Master Nathan, you know I care deeply for you... but disappearing is not the answer."
“Hindi ako magpapakamatay kung yun ang iniisip mo,” putol ko. “Gusto ko lang ng lugar na hindi ako sinusundan ng expectation nila.”
Tahimik si Charles. Lumapit siya at inilapag ang tray sa gilid.
"Sometimes," sabi niya, "we need to take steps backward... to understand where we’re really going."
Napatingin ako sa kanya. “Deep, Charles. But I’m not going backwards. I’m being dragged.”
Ngumiti lang siya, bakas ang awa.
Kinagabihan, habang kumakain kami sa mahaba naming dining table, walang nagsasalita. Kumakain si Mommy ng salmon. Si Dad nagbabasa ng newspaper habang ngumunguya. Ako? Wala akong gana.
Binulungan ako ni Charles kanina na kumalma na lang ako.
Pero nawala ‘yon nang magsalita si Dad.
"Pack your bags tonight. Flight natin bukas ng umaga."
Hindi ko siya sinagot.
"Did you hear what I said, Nathan?"
Tumango lang ako.
“Good,” sagot niya, walang pasasalamat. Parang command lang na sinunod ko.
Si Mommy, tahimik na lang.
Sa isip ko, tangina. Ganito na lang ba? Ganito na lang palagi?
Pagbalik ko sa kwarto, tumambad sa akin ang mga maleta ko. Nakaayos na. Tinulungan daw ni Charles.
Bumuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang kwarto ko.
Mga lumang drawing sa corkboard. Yung mga painting ko na hindi ko na tinapos. Yung mga libro kong puro psychology, philosophy, at psychology ulit. Maraming kopya ng The Stranger ni Albert Camus. Paborito ko ‘yun. Sabi ko nga minsan, I feel like Meursault.
Alone. Detached. Watching the world in silence.
Tumunog ang knob sa pinto. Si Charles.
"May dadalhin ka pa ba, Master Nathan?" tanong niya.
"Just my sketchpad. That’s all I need."
Tumango siya.
Hatinggabi.
Hindi pa rin ako makatulog.
Tumingin ako sa kisame habang iniisip kung anong aasahan ko sa Pilipinas. Init? Traffic? Drama? Estranghero na kamag-anak?
Wala akong pake.
Pero wala na akong choice.
Ilang minuto pa, tinext ko si Charles.
NATHAN: “Charles, are you awake?”
CHARLES: “Yes, Master.”
NATHAN: “Thanks. For everything.”
CHARLES: “Always here for you, master.”
Napapikit ako.
Sa isang banda, gusto ko ring malaman kung may bago sa Pilipinas. Maybe, I’ll find peace there. Or maybe, I’ll lose more of myself.
Either way, wala na akong boses sa decision.
Napa-oo lang ako dahil sa sigaw.
At tuluyang nagpakita ng pakikisama, kahit hindi ako buo.