THIRD PERSON POV
Pagkalapag ng private plane sa Ninoy Aquino International Airport, agad na bumaba si Nathan. Nauna na sina Mr. and Mrs. Yu sa isang hiwalay na sasakyan kaya siya na lang ang naiwan. Pinauna na rin niya ang butler niya na sumakay na lang ng Grab. Gusto niyang mapag-isa. Gusto niyang i-enjoy ang biyahe gamit ang Bugatti niya, hindi dahil sa yabang, kundi dahil ayaw lang niyang makasama ang kahit sino sa sandaling iyon.
Tahimik sa loob ng sasakyan. Classical music lang ang tumutugtog sa background habang mabilis niyang minamaneho ang Bugatti sa kahabaan ng kalsada. Malamig ang aircon, pero mas malamig ang ekspresyon ni Nathan. Walang emosyon. Walang ngiti. Parang robot na sinusunod lang ang direksyon ng GPS papunta sa mansion nila sa Alabang.
Habang binabaybay ang isang intersection, biglang nagbago ang ilaw ng traffic light sa pula. Ngunit sa bilis ng pagpapatakbo ni Nathan, hindi na niya ito napansin.
"Damn. Putangina," mura niya sabay apak sa preno.
Umuugong ang gulong sa kalsada habang huminto ang sasakyan, ilang pulgada na lang ang layo mula sa isang babaeng papatawid.
Napaatras si Kanielle sa gulat. Hawak-hawak ang dibdib, nanginginig sa takot.
"okay ka lang?!" sigaw ng isang lalaking biglang bumaba mula sa isang itim na Ducati.
Walang pasabi, diretso itong lumapit sa driver ng Bugatti kay Nathan.
Pagbukas pa lang ng pinto, sinalubong na si Nathan ng isang suntok sa panga.
"Tangina mo! Muntik mo nang masagasaan ang kaibigan ko!" galit na sigaw ng lalaki.
Napaatras si Nathan. Kumunot ang noo niya at dahan-dahang pinunasan ang dugo sa gilid ng kanyang labi.
"Are you insane?" malamig niyang tanong. "Sinaktan mo ko nang walang paalam. Do you even know who you're dealing with?"
"Wala akong pakialam kung sino ka! Wala ka bang mata?! Naka-red light na, gago ka ba?!" bulyaw ng lalaki.
Agad na lumapit si Kanielle, nanginginig pa rin. "Lucas, tama na! Wala naman akong galos, okay lang ako. Please, tama na."
"No, Kanielle. Hindi ito pwedeng palampasin. Tangina, kung isang segundo pa, baka patay ka na ngayon!" sigaw ni Lucas, galit na galit.
"Anong pangalan mo?" malamig pa rin si Nathan habang tumayo nang diretso.
"Lucas. Lucas Ramos. At hindi ko kailangan ng pangalan mo para saktan kang ulit kung may kasalanan ka."
"Well then, Lucas," ngumisi si Nathan, "you better be ready for this."
Isang malakas na suntok ang ibinalik ni Nathan, sapul sa panga ni Lucas. Napaurong, pero hindi nagpahuli. Bumawi siya ng suntok sa tiyan ni Nathan. Nang sumunod ay sabay na silang pumasok sa isang matinding suntukan sa gitna ng daan.
"Tama na!" sigaw ni Kanielle, pilit silang inaawat. "Ano ba kayong dalawa, parang mga bata!"
Ngunit walang nakikinig. Umaambon na, at ang maliliit na patak ng ulan ay unti-unting nagpapabasa sa kanilang mga damit at sugat. Tumilapon ang helmet ni Lucas sa bangketa. Si Nathan, dumudugo na ang kilay, pero hindi pa rin nagpapatalo. Isang sipa, isang suntok, isa pang suntok.
"You bastard! Bulag ka ba?! Naka-red light, pero go ka pa rin?!" sigaw ni Lucas.
"Bakit, ikaw ba ang traffic enforcer? Lumayo ka sa daan kung ayaw mong masaktan," malamig pa rin si Nathan kahit hingal na.
"Tangina mo talaga! Walang respeto sa buhay ng iba!"
"Hindi kita kilala. At hindi ko kailangang makilala ang mga kagaya mong masyadong emosyonal."
Pilit pa ring humaharang si Kanielle. "Lucas, please!tama na! Tumigil na kayo!"
Napalingon si Nathan kay Kanielle. "Ikaw ba 'yung muntik kong masagasaan?"
Tumango si Elle, takot sa mga mata ni Nathan.
"Then I apologize. Pero hindi ko sinasadya. Move on."
"Move on?!" sigaw ni Lucas. "She could’ve died, asshole!"
"But she didn’t," malamig na sambit ni Nathan. "So technically, you’re just overreacting."
Sa sobrang galit, sinugod na naman ni Lucas si Nathan. Sapul ang sikmura ni Nathan sa suntok. Ngunit hindi na rin nakatiis si Nathan sinalubong niya ito ng elbow strike sa balikat, dahilan para matumba si Lucas.
Dumagundong ang sigawan ng mga tao sa paligid. May ilan nang nagsusumbong sa barangay. May mga bumusina, nainis sa abala.
"Guys, please! Huminto na kayo! Arestado kayo pareho pag nagkataon!" umiiyak na si Kanielle.
Parehong hingal na hingal sina Lucas at Nathan. Sugatan, basang-basa sa ulan, at parehong may mga galos sa mukha at braso.
"I’ll make sure makakasuhan ka," banta ni Lucas habang inaangat ang helmet niya.
"Try me," malamig na sagot ni Nathan. "But remember this. Kung ayaw mong masaktan, wag kang lumapit sa Bugatti."
Sumakay na si Nathan sa kotse niya, nag-iwan ng tunog ang makina bago mabilis na umalis. Naiwan si Lucas at Elle sa gitna ng kalsada.
"Tarantado!" mura ni Lucas habang sinusundan ng tingin ang sasakyan.
"Lucas... tama na... please," bulong ni Elle.
Tahimik si Lucas. Saglit niyang tiningnan ang duguan niyang kamao, pagkatapos ay si Elle.
"Sigurado kang okay ka?"
Tumango si Elle, kahit nanginginig pa rin. "Salamat. Pero sana... sana hindi kayo nagsuntukan."
Huminga ng malalim si Lucas at inabot ang helmet niya. "Wag kang lalapit sa mga kagaya nun. Cold-hearted. Dangerous. Hindi siya normal."
Tumango ulit si Elle. Sa unang araw pa lang ng pagbabalik ni Nathan sa Pilipinas... gulo na agad ang dala nito.
"Okay ka lang ba, Elle?" tanong ni Lucas habang mabilis na nilapitan si Kanielle, hawak-hawak pa ang helmet niya. Agad niyang inabot ang braso ng dalaga at marahang hinila palapit sa kaniya. May bakas pa ng galit sa mukha niya, pero mas nangingibabaw ngayon ang pag-aalala.
"Oo, Lucas. Okay lang ako," sagot ni Kanielle, nanginginig pa ang boses. Kahit pilit niyang itinatago, halata pa rin sa mukha niya ang pagkabigla sa nangyari.
Niyakap siya ni Lucas ng mahigpit. Ramdam ni Elle ang t***k ng puso ng binata mabilis, parang sa adrenalin pa rin galing sa suntukan kanina. Siniyasat ni Lucas ang katawan ni Elle, mula ulo hanggang paa.
"Sigurado ka bang hindi ka tinamaan? May masakit ba? natumba ka ba?" sunod-sunod ang tanong ni Lucas habang hinahaplos ang braso ng dalaga.
"Wala naman. Promise. Medyo natakot lang ako," sagot ni Elle, ngumiti ng tipid. "Salamat, Lucas."
Huminga nang malalim si Lucas at tinapik-tapik ang likod ng dalaga. "Akala ko kung ano na. Tangina, muntik ka na talaga."
Napatingin si Elle sa kalsada. Naroon pa rin si Nathan, tahimik lang na pinagmamasdan sila mula sa likod ng kanyang Bugatti. May dugo pa sa gilid ng kanyang labi at nabasag ang screen ng cellphone niya nang tumama sa semento.
"Sino ba ‘yung lalaking ‘yun?" tanong ni Elle habang tinuturo si Nathan.
"Wala akong pakialam kung sino siya. Bastos siya. Walang respeto sa daan. Akala mo kung sino. Pero tangina, muntik ka na talaga, Elle," bulalas ni Lucas.
Tumingin si Elle kay Lucas. "Lucas, tama na. Umalis na lang tayo dito. Ayoko ng gulo."
"Hindi ko na siya papalagpasin next time. Promise ‘yan." Kinuha ni Lucas ang helmet at iniabot kay Elle.
"Saan ka ba papunta? Saan kita ihahatid?" tanong ni Lucas.
"Actually, may bibilhin pa sana ako sa kabila. Kaya ako tumawid," sagot ni Elle.
"Ako na. Sabihin mo lang kung ano ‘yon, tapos tayo na ang bibili. Ayoko na ikaw pa ‘yung maglakad mag-isa lalo na ganito ka-traffic."
"Hindi, Lucas. Okay lang. Saglit lang ‘yun."
"Kanielle," mariing sabi ni Lucas. "Pinaalis ko na ‘yung gago. Gusto kong siguraduhin na ligtas ka. Umangkas ka na."
Napabuntong-hininga si Elle pero tinanggap ang helmet. "Okay. Tara na."
Nakangiti si Lucas habang inaayos ang helmet sa ulo ni Elle. Nang masiguradong ayos na, sumakay na rin siya sa motor niya at pinaangkas ang dalaga. Mabilis nilang nilampasan ang kalsadang muntik nang maging lugar ng trahedya.
Habang bumibiyahe, tahimik lang si Elle, yakap ang bewang ni Lucas. Ramdam niya pa rin ang tensyon, ang kaba sa dibdib niya. Parang replay sa isipan niya ang mabilis na paglapit ng Bugatti kanina, ang paghinto ng biglaan, ang pagkakasigaw ni Lucas, at ang mabilis na suntukan.
Sa kabilang banda, si Nathan ay nanatiling nasa loob ng sasakyan. Mahigpit ang hawak sa manibela, mga mata'y nanlilisik pa rin sa inis.
"Mga walang modo," bulong niya. "Sinong mag-aakalang sasalubungin ako ng ganyan sa pagbabalik ko?"
Nasa likod niya ang isang traffic enforcer na kanina pa gustong lumapit para ayusin ang situwasyon pero natatakot dahil mukhang mayaman at maimpluwensiya si Nathan. Inayos na lang nito ang daloy ng trapiko habang lumalayo na sina Lucas at Elle.
Samantala, pagdating nina Lucas at Elle sa kabilang kanto, agad silang bumaba sa isang convenience store. Huminto sa harapan at pinatay ni Lucas ang makina ng big bike.
"Ano nga pala ‘yung bibilhin mo?"
"Notebook lang at ilang markers para sa klase bukas," sagot ni Elle.
"Hah? Eh sana sinabi mo agad. Sa susunod, text mo na lang ako. Ako na bibili."
"Ayoko naman maging istorbo."
"Hindi ka istorbo. Okay? Kung may ganung sitwasyon na naman, hindi na ako magdadalawang-isip. Baka hindi ko na lang suntukin ‘yung susunod."
Napangiti si Elle kahit paano. "Salamat, Lucas."
"Walang anuman. Tara na, bili na tayo."
Magkasabay silang pumasok sa store. Habang namimili si Elle, nakatayo lang si Lucas sa gilid, hawak ang helmet at binabantayan ang paligid. Parang bodyguard, pero higit pa doon kita sa mga mata niya ang pag-aalaga, ang malasakit, at higit sa lahat, ang galit sa sino mang sumubok saktan ang kaibigan niya.
Pagkatapos nilang mamili, balik muli sila sa motor.
"Hatid na kita pauwi," ani Lucas.
"Okay. Thank you ulit."
Habang umaandar ang motor, muling binalikan ni Elle sa isip ang lalaking muntik nang makabangga sa kanya. Hindi niya kilala, pero ramdam niya ang matinding galit at lamig sa aura nito. At ang mas nakakapagtaka bakit tila hindi man lang ito nag-sorry?
Napatanong siya sa sarili.
'Sino ka ba talaga?'