“MAUUNA na kaming magpahinga ng mama n’yo.” Napatingin si Julliana sa Tito Albert niya. Nakaakbay ito sa kanyang mama. Nilapitan niya ang mga ito at hinagkan sa mga pisngi. “Sige po. Magpahinga na po kayo.” Ganoon din ang ginawa ni Benjamin. “Goodnight po.” “Umaga na, Benj,” anang mama niya. Kahit mababakas ang pagod sa boses nito, mukhang masaya pa rin ito dahil naging maayos ang party niya. “Magpahinga na rin kayo.” “Opo,” halos sabay na tugon nila ni Benjamin. Tuluyan nang pumasok sa malaking bahay ang kanilang mga magulang. Nakauwi na ang lahat ng mga bisita pero nasa hardin pa rin sila. She thoroughly enjoyed the party. Pakiramdam niya ay siya ang pinakaimportanteng prinsesa sa buong mundo. Everyone made her happy with compliments and gifts. Nasa kanya ang atensiyon ng lahat. Sh

