“SABIHIN mo sa akin kung sino ang mapipili mo, ha? `Bye, Doc. Ingatan mo `yang kaibigan ko.” Pasimpleng kinurot ni Julliana si Frances sa tagiliran bago siya sumama kay Benjamin patungo sa sasakyan nito. Sinundo siya nito nang hapong iyon dahil sa bahay ito matutulog nang weekend. “Ano ang sinasabi ni Frances na sabihin mo sa kanya kung sino ang mapipili mo?” kaswal na tanong nito. Bumibiyahe na sila pauwi sa bahay. “Designer ng gown?” Huminga siya nang malalim bago nagsalita. Hindi siya komportable kapag nagsisinungaling siya rito pero kailangan niyang subukan at baka umubra naman. Walang masama roon. Baka sa gagawin niya ay matapos ang paghihintay niya. “Wala pa akong escort. Pinag-iisipan ko pa kung sino ang pipiliin ko.” Bigla itong pumreno. Kung hindi siya naka-seat belt ay baka

