NAPAKALUNGKOT ni Julliana nang lumipat na si Benjamin sa isang condominium unit. Hindi siya mapakali nang ilang araw kaya palagi na lang niya itong tinatawagan. Inaabot sila nang ilang oras sa pag-uusap sa telepono. Tuwing weekend ay dumadalaw ito sa bahay. Minsan ay sila ang dumadalaw sa unit nito. Ipinagluluto ito ng mama niya para makatikim ito ng lutong-bahay at hindi pulos takeout ang pagkain nito. Lumipas ang panahon at nakapagtapos na sila ng pag-aaral. Nagpasya ang mga magulang nila na magbakasyon sa ibang bansa bilang regalo sa kanilang dalawa ni Benjamin. Nagtungo sila sa Paris sa labis na katuwaan nilang mag-ina. Ang akala nila ay mananatili na lamang pangarap ang pagnanais nilang makarating sa Paris, France. Labis-labis ang pasasalamat niya kay Tito Albert sa regalo nitong iy

