“I’M SO disappointed in you, Benjamin.” Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Tita Natalie. Kahit wala silang ginagawang masama ni Julliana, hindi niya kayang ikaila sa kanyang sarili na hahagkan na niya ito kung hindi lamang dumating ang kanilang mga magulang. Hirap na hirap siyang pigilan ang kanyang sarili na gawin iyon. Nais niya itong yakapin at lambingin. Pero alam niyang mali kaya nagpipigil siya. Julliana was still too young. “May usapan tayo, Benj,” paalala sa kanya ni Tita Natalie. “Opo,” tugon niya. Napatingin siya sa kanyang ama na tahimik lamang na nakamasid sa kanila. “Alam ko kung ano ang nadarama mo para sa anak ko. Hindi kita pinipigilan sa pagpapakita ng pagmamahal mo sa kanya pero alam mo naman na wala pa sa hustong gulang ang anak ko. Let her grow up first, Be

