3

1377 Words
HINDI maintindihan ni Benjamin ang sarili kung bakit tinulungan niya ang babae. Napapailing na lamang siya habang nakapila siya sa counter ng isang convenience store na malapit lamang sa ospital. Bumili siya ng isang bote ng mineral water, soft drinks, at isang supot ng tsokolate para sa babaeng iniwan niya sa kanyang sasakyan. Ngalingaling pagtawanan niya ang sarili dahil kanina ay pinagmamasdan niya ang babae mula sa bungad ng ospital. Paano kasi ay nagagandahan siya rito. Nahihiwagaan din siya sa nakita niyang lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa ospital. Nasa ospital siya dahil may ibinigay siya sa isang propesor niya na naka-duty roon. Dapat ay aalis na siya pero nang makita niya ang dalaga ay tila may puwersang humila sa kanya para lapitan ito. Hindi niya ito hiniwalayan ng tingin. Base sa suot nitong uniporme ay nahinuha  niyang high school student ito sa kanilang unibersidad. Biglang sumagi sa isip niya na hindi pa naman siya matanda para dito dahil nasa huling taon lamang siya ng kanyang premed course. You’re sick, man! Nang ngitian siya nang matamis ng cashier ay gumanti siya ng matipid na ngiti. Maganda rin ito at mukhang magkaedad lamang sila. Pero hindi niya maramdaman dito ang naramdaman niyang atraksiyon sa dalagang nakita niya sa harap ng ospital. Bakit kailangang sa bata siya ma-attract? “Thank you, Sir. Come again,” anang cashier nang iabot nito sa kanya ang supot ng mga pinamili niya. May ekstrang tamis at lambing ang tinig nito. She was obviously attracted to him. He didn’t care. Kailangan niyang balikan ang dalaga sa kotse niya at baka umalis na lang ito nang walang paalam. Kailangan niyang malaman kung ano ang pangalan nito kaya dali-dali na siyang nagtungo sa parking lot ng ospital. Nakahinga siya nang maluwag nang makita niyang naroon pa rin ang dalaga. “Hey,” aniya pagkaupo niya sa driver’s seat. Hindi na niya isinara ang mga pinto ng sasakyan niya para makahinga ito nang maayos at hindi siya pag-isipan nito nang masama. “Here, drink this.” Iniabot niya rito ang bote ng mineral water. Natutuwa siya dahil hindi na ito gaanong maputla. Kanina ay alalang-alala siya rito. Ganoon lang siguro ang mga magdodoktor, concerned sa mga tao sa paligid nito. Sige, paniwalain mo ang sarili mo, Benj, nanunuyang sabi ng maliit na boses sa kanyang isip. Tila nahihiyang tiningnan siya ng babae kaya lalo niyang nilawakan ang kanyang ngiti. Sandaling natulala ito sa kanya. Pinigilan niya ang kanyang sarili na matuwa sa nakikita niyang paghanga sa mga mata nito ngunit hindi siya nagtagumpay. The feeling was mutual. All right! I’m sick! So what? Mayamaya ay nagbaba ito ng tingin. “You must think that I’m mentally unstable.” He loved her voice, too. Umiling siya. Hina-wakan niya ang baba nito at itinaas niya ang mukha nito. “I think you’re emotionally unstable,” aniya sa masuyong tinig. Ayaw niyang mag-isip ito na may mali rito. Kahit hindi niya alam kung ano ang kuwento ng buhay nito, tila nahuhulaan na niya. Nakikita niya rito ang kanyang sarili noong nawalan siya ng ina dahil sa kasamaan ng ibang mga tao. Parang nahuhulaan na niyang nawalan ito ng ama at nakita nito ang duguang katawan niyon. Hindi pa siya sigurado kung pinaslang iyon o biktima ng isang madugong aksidente. May parte sa puso niya na humihiling na sana ay naaksidente na lamang ang ama nito at hindi pinatay dahil alam niya kung gaano kahirap tanggapin ang bagay na iyon. “Maraming salamat sa tulong mo. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nagkakaganito. It’s been a year since my father died. N-ngayon lang ako umiyak.” “It’s okay. Walang masama sa pag-iyak. Ilabas mo ang lahat ng hinanakit mo, makakabuti iyon. I’m Benjamin Montero by the way. You are...?” “Julliana Tage. Maraming salamat talaga. Pasensiya ka na kung naabala pa kita.” Pinahid niya ang mga luha sa magkabilang pisngi nito. Kahit namumula ang mga mata at ilong nito dahil sa pag-iyak ay maganda pa rin ito. Maliit ang mukha, matangos ang ilong, at manipis ang mga labi nito na mamula-mula kahit walang lipstick. Light brown ang kulay ng mga mata nito na binagayan ng mahahabang pilik-mata. Light brown din ang kulay ng mahaba, makapal, at alon-along buhok nito. “How old are you?” tanong niya. “Sixteen,” sagot nito. May nabasa siyang pagkailang sa mukha nito kaya bahagya na siyang lumayo rito. He didn’t want to scare her. Iniabot naman niya rito ang tsokolate at soft drinks na binili niya. Tila nag-aatubiling tinanggap nito ang mga iyon. “Salamat. Hindi ka na sana nag-abala. Nagastusan ka pa tuloy.” “You need sugar in your body. Are you feeling better now?” Tumango ito. “A-ayoko na s-sanang makaabala sa `yo kaya aalis na ako. Pasensiya ka na talaga sa akin at maraming salamat sa tulong mo.” Akmang bababa na ito ng sasakyan pero pinigilan niya ito. Ayaw pa niyang umalis ito. Marami pa siyang nais na itanong dito. Marami pa siyang nais na malaman sa pagkatao nito. Ang nais sana niya ay maging komportable ito sa kanya at maging magkaibigan sila nito. Hindi niya alam kung ano ang ginawa nito sa kanya upang magulo ang sistema niya. Pero iisa lang ang sigurado siya—nais niyang makipagkita rito sa mga susunod na araw. “Are you sure you’re going to be okay?” tanong niya. Nag-aalala siya na baka kung mapaano ito sa daan. Nagtatakang tiningnan siya nito bago ito tumango. “I’ll be okay. I can handle myself now. I can make my way home safely.” Huminga muna siya nang malalim bago muling nagsalita. “Ihahatid na kita sa inyo para makasiguro ako na walang anumang masamang mangyayari sa `yo.” Nagsalubong ang mga kilay nito. Parang iniisip nito kung tamang magtiwala ito sa kanya. Tama ang ginawa nito. Kahit mabait ang isang tao sa simula, walang garantiya na hindi ito gagawa ng masama. Pero nais pa rin niyang magtiwala ito sa kanya. Sa palagay niya ay hindi siya mapapanatag kapag hinayaan niya ito na umuwing mag-isa. Nais din niyang malaman kung saan ito nakatira. Kung hindi man ito papayag na ihatid niya ito, susundan niya ito hanggang sa masiguro niyang ligtas at maayos itong nakapasok sa bahay nito. “Okay,” aniya nang bahagya siyang mainip na sumagot ito. Dinukot niya sa bulsa ang kanyang wallet at ibinigay niya iyon dito. “Here’s my wallet. Puwede mo `yang bulatlatin. Nariyan ang lahat ng ID ko. Hindi ako masamang tao. Hindi ako gagawa ng anumang makakasama sa `yo. Pupuntahan natin ang guwardiya at sasabihin nating tandaan niya ang plate number ng kotse ko. Ibigay mo rin sa kanya ang numero sa bahay n’yo at bilinan mo siya na tawagan ka pagkalipas nang isang oras. Kapag wala ka sa bahay n’yo, ire-report niya sa pulis ang pangalan ko at ang plate number ng kotse ko. I just wanna make sure you get home safely.” Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. Isang totoong ngiti iyon na umabot hanggang sa mga mata nito. Pakiramdam niya ay natutunaw siya dahil sa ngiti nito. Bumilis ang t***k ng puso niya at pakiramdam niya ay sasabog sa saya ang kanyang dibdib. “Sige na nga, ihatid mo na ako sa amin. Hindi na natin kailangang puntahan si Manong Guard. Hindi ka naman mukhang masamang tao. Mas mukha ka ngang anghel. Saka mukhang marami kang pera. Ano ang mahihita mo sa isang katulad ko?” Nais sana niyang sabihin dito na hindi lamang pagnanakaw ang motibo ng isang tao upang magawan nito nang masama ang isang katulad nito. Hindi ba nito alam na dahil sa ganda nito ay maaari din itong mapahamak? Saka na siguro niya pagsasabihan ito kapag close na sila nito. Nagpasalamat na lang siya na nagawa nitong magtiwala sa kanya kahit kakikilala pa lang nila. Isinara na niya ang mga pinto ng kotse at itinanong niya ang address nito. Natuwa siya dahil hindi pala gaanong malayo ang address nito sa building kung saan matatagpuan ang security agency ng kanyang ama.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD