24

1721 Words

PAGDATING ni Julliana sa clinic ni Benjamin ay napansin agad niya ang maraming pasyente na naghihintay. Puno na ang waiting area at may ilan pang nagpapalista. Minsan talaga ay ganoon ang eksena roon kahit papagabi na. Kilala na kasi ang clinic nito sa area na iyon at wala itong kakompetensiya roon kaya marami itong pasyente. Bukod pa sa magagaling talaga ang mga doktor doon. “Hi, Julliana,” bati sa kanya ni Razel. Nurse ito at halos kasabayan niya dati sa clinic. Ngayon ay isa na ito sa mga nurse supervisor doon. Sandali lamang siyang tiningnan nito dahil abala ito sa pagsusulat sa chart habang may kaharap na pasyente. Napansin niya na mag-isa lamang ito at walang kasama sa reception. Hanggang alas-singko lamang ang receptionist doon kaya after five ay nurse na ang tumatanggap ng mga pas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD