NAKAHINGA nang maluwag si Leigh nang sa wakas ay makalabas na siya ng klinikang pinagtatrabahuhan niya. Malapit lamang doon ang bahay nila kaya nilalakad lamang niya ang papunta at pauwi sa trabaho. Malaking bagay na ang natitipid niya sa pamasahe. Napabuntong-hininga siya habang naglalakad. May overtime siya nang isang oras sa araw na iyon. Pandagdag din iyon sa sasahurin niya. Nang matanggap siya sa clinic, naisip niya na napakasuwerte niya dahil nakahanap siya ng mapapasukan na may suweldo. Palasak ang volunteer services sa mga ospital at clinic. Ang ibang mga katulad niya ay nagtitiis na magtrabaho nang walang suweldo para lamang magkaroon ng clinical experience na magagamit sa pag-a-abroad. Nagbaka-sakali lamang siya at nagbigay ng resume sa clinic dahil malapit lamang iyon sa bahay

