5

1720 Words
AKMANG bubuksan na ni Julliana ang baunan niya ng pagkain nang humahangos na pumasok sa kanilang classroom ang isang lalaking kaklase niya. May naghahanap daw sa kanya na isang lalaki sa gate. “Sino raw?” nagtatakang tanong niya. Alam niya kung ano ang pangalan nito pero hindi sila nag-uusap. Nagkibit-balikat ito. “Hindi ko kilala, mukhang tagakabilang building. Sige na, puntahan mo na siya sa gate at baka mainip. Nakisuyo lang siya sa akin dahil hindi siya puwedeng papasukin ng guard. Babalik na ako sa cafeteria. Gutom na talaga ako, eh.” “Salamat, Joseph,” aniya bago ito umalis. Ibinalik niya ang takip ng baunan niya at saka niya iyon inilagay sa kanyang bag. Kaagad siyang lumabas ng classroom at nagtungo sa gate. Natigilan siya nang makita niya si Benjamin. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi at binilisan na niya ang mga hakbang palapit dito. “Hey,” bati niya rito. “How are you?” tanong naman nito sa kanya. “Okay lang. Ba’t ka nandito? Tagakabilang building ka pala.” “Hindi ko pa ba nasasabi sa iyo na diyan ako nag-aaral? Ang dami nating pinagkuwentuhan kagabi pero hindi ko pala nasabi sa `yo.” Umiling-iling ito. “Yayayain sana kitang kumain ng lunch kaya ako pumunta rito.” “Talaga? Lunch? Sige!” Hindi na siya nagpakipot pa. Wala namang saysay kung pag-iisipan pa niya ang alok nito dahil nais niya itong makasalo sa tanghalian. Nang nagdaang gabi ay halos hindi mapatid ang kuwentuhan nila. Tuluyang nawala ang hiya niya rito. Kung ano-ano ang mga napagkuwentuhan nila. Bahagya pa siyang nalungkot nang magpaalam na ito at ang ama nito na uuwi na. Gayunman ay nangako ito na magkikita uli sila. Hindi niya inakalang mangyayari agad iyon. Dinala siya nito sa isang restaurant. “Kumusta ang klase?” kaswal na tanong nito pagkatapos kunin ng waiter ang kanilang order. “Ayos lang. Gaya pa rin ng dati.” “Mula ngayon, ako na ang lunch date mo, ha?” Lumabi siya. “Para namang may mga nakaka-sabay akong mag-lunch.” Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito. “Wala ka ba laging kasabay na kumain ng tanghalian? Hanggang ngayon ba ay wala ka pa ring nagiging kaibigan dito?” Nagkibit-balikat siya. “Freak ako, eh.” “Don’t say that.” Natawa siya. “Totoo naman `yon. Dati kasi, hindi ako palakibo. Hindi ako nakikipag-usap sa kanila kahit kinakausap nila ako. Para akong zombie.” “You look normal to me. Ang ganda-ganda mo namang zombie.” Napahagikgik siya. “Ako ang pinakamagandang zombie sa balat ng lupa.” Napakalaki ng naitulong nito sa kanya. Dahil nailabas niya rito ang mga emosyong kinikimkim niya, unti-unti na niyang naibabalik ang dating siya. Masakit pa rin ang pagkawala ng kanyang ama pero hindi na niya iyon gaanong iniinda. She realized that she missed her old self. She missed laughing and having fun with other people. Hindi niya alam kung paano nagawang baguhin ni Benjamin ang lahat sa kanya sa napakaiksing panahon pero hindi na niya iyon gaanong iniisip. Kahit estranghero pa ito kung ituturing, malaki naman ang naitulong nito sa kanya. Pinisil nito ang kanyang pisngi. “Smile more often. Lalo kang gumaganda kapag ngumingiti ka.” Pakiramdam niya ay lumobo ang puso niya. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan niya dahil sa simpleng haplos nito. Mas ginandahan pa niya ang kanyang ngiti dahil nais niyang mas maging kaaya-aya siya sa paningin nito. Mula sa araw na iyon, sisiguruhin niya na lagi silang magkakasama. “I’VE MISSED that, Jules.” Nagtatakang napalingon si Julliana sa kanyang mama. Nasa sala sila at nanonood ng telebisyon. Hindi niya alam kung ano ang tinutukoy nito na na-miss nito. “Ang alin po?” nagtatakang tanong niya. “Iyang ganyang ngiti mo. Kahit hindi naman gaanong nakakatawa ang pinapanood mo, napa-pangiti ka na. Alam mo ba kung gaano naghirap ang kalooban ko nitong nakaraang taon? Hindi lang dahil nawala sa atin ang papa mo kundi pakiramdam ko ay namatay rin kasama ng asawa ko ang anak ko. You were almost half dead, Jules. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa iyo upang bumalik ka lamang sa dati.” Niyakap niya ito. “I’m sorry, `Ma, kung pinag-alala kita nang husto.” Gumanti ito ng yakap. “I’m glad you’re back, darling. Ngingiti ka na nang madalas, ha? Makikipag-usap at makikipagkaibigan ka na rin uli sa mga tao.” “I’ll go back to normal again soon,” pangako niya rito. “Benjamin is good for you, huh?” may bahid ng panunuksong sabi nito. Nahihiyang kumalas siya rito. Hindi niya ito matingnan nang deretso sa mga mata. “He makes me laugh so easily. I want to be with him for always. Makita ko lang siya kahit minsan lang, buo na ang araw ko.” Hinaplos nito ang buhok niya. “Dalaga na ang baby ko.” “`Ma, huwag n’yo pong sasabihin sa kanya, ha?” “Madalas ba kayong magkita?” tanong nito sa halip na sagutin siya. Tumango siya. “Araw-araw po. Siya po ang lagi kong kasabay na mag-lunch. Kapag wala na siyang klase sa hapon, inihahatid po niya ako pauwi.” “You’ve found a very good man. Kung naiba-iba lang siguro akong ina, pagsasabihan kita na huwag kang masyadong naglalalapit kay Benjamin. But he’s good for you. Siya ang nakapagpangiti uli sa `yo. Ibinalik niya ang kadaldalan mo. Mabait siyang bata at pinagkakatiwalaan ko siya. Pero lagi mong tatandaan na bata ka pa, ha? Hindi ka pa puwedeng mag-boyfriend. Hanggang crush ka lang muna.” “Mama naman!” nag-iinit ang mga pisnging reklamo niya. Tumawa ito nang malakas. “Nagpapaalala lang ako. I’m glad you’re somehow back to your old self. Hindi naman maiiwasan ng isang ina na magpaalala sa kanyang anak, hindi ba? Just be happy, anak. Narito lang ako para sa `yo.” Tumango siya. Kahit isang linggo pa lamang niyang nakakasama araw-araw si Benjamin, pakiramdam niya ay kilalang-kilala na niya ito. Kapag hindi sila magkasama ay sa telepono sila nag-uusap. Maaga niyang tinatapos ang mga assignment niya para puwede siyang makipagtelebabad dito. “ANO ANG hindi mo maintindihan dito, Julia?” tanong sa kanya ni Benjamin. “Lahat,” sagot niya. Nakagat ni Julliana ang ibabang labi niya sa naging sagot niya. Nasa apartment nila ito at dinalaw siya. Niyaya na rin ito ng kanyang ina na doon na maghapunan. Nasa kusina ang mama niya kasama si Mr. Montero. Naglambing siya kay Benjamin na turuan siya nito sa mga assignment niya. Nalaman niyang matalino pala ito. Ito ang nangunguna sa klase at marami ang nagsasabi na malayo ang mararating nito bilang doktor. Kaya nga sikat na sikat ito sa buong department nito. Ayon sa mga kaklase niyang babae na nakakakuwentuhan na niya, freshman pa lang si Benjamin ay most sought-after bachelor na ito. Bahagya pa siyang nanlumo sa nalaman niyang iyon, lalo na nang malaman niya kung sino-sino ang mga babaeng nali-link dito. Wala siyang binatbat sa mga iyon. Bukod sa mature na ay maganda pa ang mga iyon. Natutuwa siya tuwing kasama niya si Benjamin dahil lagi niyang hinahanap-hanap ito. Hindi siya napapakali tuwing natatapos ang araw na hindi pa niya nakikita ito. Sa tingin niya ay healthy pa naman iyon. Hindi pa naman siguro siya obsessed dito. Minsan kasi, natatakot siya na malungkot uli kaya kailangan niya itong makita upang masiguro niya sa sarili na magiging masaya at masigla siya. Dahil doon kaya nakihalubilo na siya sa iba. Ngayon ay marami na siyang mga kaibigan sa eskuwelahan. Nag-aayos na siya ng kanyang sarili at palagi na rin siyang nakangiti. Higit sa lahat, mas nananaig na sa kanya ang masasayang alaala ng papa niya. Kapag nai-imagine niya ito ay palagi na itong nakangiti sa kanya. “You have to live, Julliana. We have to live the way they want us to live. Make him proud. Make him happy up there by being happy down here. He would love that.” Iyon ang minsang sinabi sa kanya ni Benjamin nang maikuwento niya rito ang brutal na pagpatay sa kanyang ama. Tama ito. She would make her father proud. Napukaw ang pagbabalik-tanaw niya nang magsalita si Benjamin. “Paano ka ba nag-aaral? Nakikinig ka ba sa mga teacher mo? Bakit hindi mo maintindihan ang lahat ng leksiyon mo?” pagbibiro nito. Binuklat nito ang libro niya. Hindi siya nakasagot. Pinindot nito ang pisngi niya. “Hindi ka na nakasagot. Hindi ka nga yata nakikinig, eh.” Lumabi siya. “Ang hirap kasing intindihin ng math.” “Paano ka magiging nurse niyan?” “Ano ang kinalaman ng math sa Nursing? Kaya nga Nursing ang kukunin kong kurso sa college para walang math.” Natawa ito. “Akala mo lang `yon. Marami ring math sa Nursing gaya ng calculation ng dosage ng gamot at kung ano-ano pa.” Lalong nanulis ang nguso niya. “Kahit naman sa science, hindi ako magaling.” “Ano ba ang favorite subject mo?” “Recess,” sagot niya at saka niya nginisihan ito. Humalakhak ito. “Ikaw talaga... Seryoso ako. Ano nga ang favorite subject mo? Lahat ng tao, may kanya-kanyang hilig kaya hindi ako maniniwala kapag sinabi mong wala kang favorite subject.” “Art,” tugon niya. “Iyon lang yata ang kaya kong gawin nang maayos.” Tumango-tango ito. “You draw?” Tumango rin siya. “Talaga? Hindi mo ba pinangarap na maging artist?” Umiling siya. “Iba ang ‘hobby’ sa ‘career.’ Gusto kong maging nurse dahil kay Papa.” Pero ngayon, nais niyang maging nurse dahil kay Benjamin. Gaya ng dahilan niya noon sa kanyang ama, nais niyang palaging makasama si Benjamin para alalayan ito. Isinara nito ang libro niya. “Patingin ng mga drawing mo, dali.” Nahiya siya kaya hindi siya tumayo para kunin ang mga drawing niya. Hindi siya komportable kapag may ibang taong nakakakita sa mga gawa niya. Alam kasi niyang dadamdamin niya nang husto kapag may pumintas sa mga gawa niya. “Huwag na,” tanggi niya. Kinuha niya rito ang libro. “Turuan mo na lang ako sa math. May assignment ako rito.” “Sabado bukas, `neng. Sige na, patingin lang,” pangungulit nito. “Eh, `wag na nga. Nakakahiya, Benj.” “Titingnan ko lang naman, eh. Ano ba ang nakakahiya ro’n?” “Baka hindi ka masiyahan sa makikita mo.” “Matutuwa ako basta gawa mo. Sige na.” Padabog na tumayo na siya. “Ang kulit mo naman, eh.” Nagtungo siya sa kanyang kuwarto para kunin ang ilan sa mga drawing niya. Kinuha niya ang isang clear book na pinaglalagyan niya ng mga sketch niya. Nang mga nagdaang araw lamang nadagdagan ang mga iyon dahil nawalan siya ng ganang gumuhit mula nang pumanaw ang kanyang papa. Nang dumating sa buhay niya si Benjamin ay saka lamang uli siya nakapagguhit. Bumalik na siya sa sala. “Here...” Nag-aalangang iniabot niya kay Benjamin ang clear book. Excited na binuklat nito iyon. Kinakabahan naman siya habang hinihintay niya ang reaksiyon nito. Nanlumo siya nang magsalubong ang mga kilay nito habang binubuklat ang bawat pahina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD