TAKANG-TAKA si Benjamin kung bakit ayaw ni Julliana na ipakita sa kanya ang mga sketch nito gayong maipagmamalaki ang lahat ng mga iyon? They were great sketches. She was great. “They’re really not that good, I know,” sabi nito sa matamlay na boses. “Are you kidding me? Or are you pretending to be humble? These are good,” sabi niya. Nang lumabi ito ay muntik na siyang mapaungol. Hindi ba nito alam na lalo itong gumaganda sa paningin niya tuwing ginagawa nito iyon? Hindi ba nito alam kung paano siya naaapektuhan nang husto? He felt a strong urge to kiss her pouting lips. Nais niyang alamin kung ano ang pakiramdam na mahagkan ang mga iyon. Pilit niyang nilinaw ang nanlalabong isip niya. Hindi niya maaaring gawin iyon. He couldn’t freak her out. Masyado pa itong bata para sa ganoong intima

