Chapter 6 - Her deception

1462 Words
“How does this f*ucking machine operate?!” iritadong bulong ko. Nagtungo ako sa labas ng opisina para mag-photocopy ng document na kakailanganin ko para sa meeting ko mamaya. Ngunit nakailang attempt na ako ay hindi pa rin maayos ang inilalabas na dokumento ng machine. Damn that incompetent woman! How could she file for leave knowing I'd be here for a board meeting?! Sisiguraduhin kong wala na siyang trabahong babalikan! pagbabanta ko sa sekretraya ko sa isip. Kanina ko lang nalaman na naka-leave siya. “Damn!” inis na sinipa ko ang photocopying machine. Mas lalong umiinit ang ulo ko. Ilang papel na ang nasayang at nagkalat sa sahig. And this useless machine just keeps blinking! Naupo ako para pulutin ang mga papel na nagkalat. Naramdaman kong may lumapit sa pwesto ko kasunod niyon ay nakarinig ako ng mahihinang hikbi. Naikunot ko ang noo at sinulyapan ang dumating. Nakatalikod sa akin ang babae gayunpaman ay agad ko siyang nakilala. Anong ginagawa ni Angel dito? Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko pagkakita sa kaniyang umiiyak. Seeing her again brings back a lot of feelings, especially the pain of her deception. Hanggang ngayon ay hindi maganda ang estado ng clickIT dahil sa ginawa niya. Two years ago, I left clickIT because I believed it was the moral thing to do. The company lost a lot of money, and I blame myself for that. Hindi lang pera ang nawala dito, kundi ang maraming oportunidad. In a few years, it may declare bankruptcy. Labis ang hiya ko sa aking pamilya, mas lalong higit kay Tito Alvaro na siyang ka-partner ni Dad sa negosyo. Pinagmasdan kong muli ang babae. Marahil naramdaman niya na may kasama siya sa lugar kung kaya lumingon siya sa gawi ko. Bakas ang pagkagulat niya pagkakita sa akin. Namumula ang mga mata niya dahil sa pag-iyak. Kung noon ay ayaw na ayaw kong nakikita siyang umiiyak, ngayon ay wala na akong pakialam sa kaniya. So instead of feeling sorry for her, I insulted her. Nababasa ko ang pagdaan ng sakit at takot sa mga mata niya sa bawat salita at pagbabantang binibitiwan ko, ngunit balewala sa akin kung ano man ang maramdaman niya. Kulang pa iyon sa panloloko niya. “And you told me you loved me, but you didn't even stand up for me,” sagot niya nang sabihin kong umalis na lang siya ng kompanya. Matinding hinanakit ang nakalatag sa kaniyang mga mata. Sa halip ay mas lalo iyong nagdala sa akin ng matinding galit. At siya pa ang may ganang magtanim ng sama ng loob? I didn't fight for her?! She could be in jail right now if I hadn't begged Tito Alvaro not to send her there! Dapat lang ay pagbayaran niya ang kasalanan niya pero dahil mahal ko pa siya noon kaya ako na ang nakiusap sa pamilya ko na huwag siyang kasuhan. “Who are you to speak of love when you have chosen money over me?” puno ng poot na tanong ko sa kaniya. Nabasa ko ang pagsisisi niya sa nasabi. Napasiksik na rin siya sa wall dahil sa takot. Dapat lang na matakot siya! Hindi yata niya nalalaman kung saan dapat siya lumugar. Hindi na ako ang Max na halos mabaliw sa kaniya noon. I was about to say something more insulting when someone barged in. Nalingunan ko ang katrabaho niyang madalas niyang kasama. Sinamantala ni Angel iyon at mabilis siyang naglakad palapit sa lalaki. “Tara na, Peter,” aya niya sa lalaki. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito. I pretended I wasn't paying attention to them. Batid kong nagtataka ang lalaki sa reaksyon ko pero wala akong pakialam. Ni hindi ko itinago ang galit. I observed as they both walked away from where I am. Naikuyom ko ang kamao. That woman! Nagawa pa niyang ipaalala ang aming nakaraan. As if I had failed to defend her. I never expected to see her again. At dito pa sa kompanyang ito! Mahigit isang taon din akong nakipag-negotiate para lang makuha ko ang malaking share dito. I bought shares of this company without even knowing she worked here! Pinagmasdan ko si Angel na noon ay malayo na sa pwesto ko. Hindi ko pa rin maintindihan kung paano niya ako nagawang lokohin. Nagkulang ba ako sa kaniya? Hindi ba niya ako minahal? Siya ang unang babaeng minahal ko. I'd been in relationships with other women before, but it was with her that I truly fell in love. Hindi ko akalain na siya pala ang magdudulot sa akin ng matinding sakit at kahihiyan. Sa ilang buwan na nagkasama kami, sinigurado kong hindi niya mararamdamang magkaiba kami ng estado. As soon as I saw her in our company, I knew she was the woman I met at our college graduation ball. I'm not sure what possessed me. I can't stop thinking about her, and the desire I have for her is overwhelming. Para bang may binuhay siyang pakiramdam sa akin na noon ko lang naramdaman sa isang babae. It's funny because I don't believe in love at first sight, and it wasn't the first time I saw her, but when she walked into my office, I felt a connection with her. As corny as it may sound, I want to believe that cupid exists. At tinamaan talaga ako. The images of her dark hair, bright eyes, and full, seductive lips kept playing through my head. At alam ko ang mga tingin na ibinabato niya sa akin. I am confident that she likes me as well. Kaya akala ko ay mabilis ko lang siyang makukuha. I'm embarrassed because I followed her around without her knowing. Literal na para akong baliw sa kaniya. I thought I could get her without courting her. So, I was caught off guard when she turned me down. Kinulit ko siya noon ngunit parang naubos yata ang charm ko. She kept rejecting me. I finally gave up and did what I thought would work. Niligawan ko siya. Iyon ang unang beses na nanligaw ako. Hanggang sa napasagot ko siya. I eventually persuaded Angel to move in with me. I was so certain of our feelings for each other that I introduced her to my family. As usual, my father was unconcerned. My mother was skeptical and Isabel, my younger sister, was quiet and distant. Ate Ramona remained logical. She has doubts about our relationship, but she did not object to it. Alam niyang posibleng mahirapan si Angel na mag-adjust sa pamilya namin because we live in a completely different world and have a different lifestyle. To be honest, I don't care what my family thinks. I don't even need their approval. Now I realize I probably rushed things. I let Angel into my life without knowing her true intentions. Buong akala ko ay inosente siya. Back at the graduation ball, our conversation left an impression on me. Her words that night convinced me that she has a good heart. Ngunit isa siyang malaking pagkakamali. Ngayon nga ay halos mawala ang kompanyang ilang taon ni Dad na pinagpaguran. I just can't believe she'd betray us by selling sensitive intel to our business rival. Dad now appears to have lost interest in the business. Hinayaan na lang niya na si Ate Ramona ang gumawa ng sana ay trabaho niya. I, on the other hand, left. I gathered all my resources and, with Melody's support, purchased shares in this company. At tiyempong pumanig sa akin ang pagkakataon, I am the largest shareholder at present. If the clickIT ever fails, I will still be able to save my family. Tutal ako naman ang dahilan ng pagbagsak ng aming negosyo. Masyado akong nagtiwala kay Angel. At ngayon nga ay hindi ako papayag na muling sirain ni Angel ang pagkakataong ito. Malamang noon ay ilan sa mga kaibigan ko ang pinagtatawanan ako dahil sa katangahan ko. Isang babae lang pala ang magpapabagsak sa negosyong kaytagal inilaban ng aking ama. I was supposed to be in charge of our family business. But I ended up being a huge failure. A disappointment for my family. Gusto ko sa kanilang makabawi at mapatunayan ang sarili. Kaya noong naghiwalay kami ni Angel ay hindi na ako nag-abalang makibalita tungkol sa kaniya. I don't give second chances to people who have already betrayed me. I'm not like my mother. I promised myself that I would never be like her. Hindi ko hahayaang paulit-ulit akong lokohin ng isang tao gaano ko man ito kamahal. So, I stopped caring about Angel and moved on. Hanggang sa nakilala ko si Melody. Alam niya ang kalagayan ng clickIT ngunit nanatili siya sa tabi ko at naniwala sa mga plano ko. Angel is just a woman from my past. And now I'm ready to move forward with Melody.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD