Chapter 7 - A Small Hint

1485 Words
ANG inaasahan kong promotion ay hindi nangyari. Sobrang sakit para sa akin ang mauwi lang sa wala lahat ng efforts ko sa mga nagdaang taon. Sa halip ay si Trina ang na-promote. Marami ang nagtaka at alam kong lihim na bulongan iyon ng mga katrabaho namin. Gusto kong magwala sa sama ng loob. Gusto kong tanungin si Boss Emong kung bakit hindi nangyari ang pangako niyang promotion. Pero para saan pa? Alam ko na naman ang dahilan. Iisang tao lang ang maaaring humarang sa promotion ko. Si Max. Pinagsisisihan ko ang mga nasabi ko sa kaniya noong huling magkaharap kami. Sana ay hindi ko na inungkat pa ang nakaraan namin. Hindi na sana lalong nadagdagan ang galit niya sa akin. “Angel, pakiayos mo daw ‘yong mga files natin doon sa old office.” Napatingin ako kay Trina na noon ay seryosong nakamasid sa akin. “Sa old office?” takang tanong ko. “Yes. Mula ngayon ay ‘yon daw ang gagawin mo,” seryoso niyang turan. “B-Bakit? Hindi ba at lumang mga files na natin ang naroon?” Mainit at may kalayuan ang puwesto ng old office na tinutukoy ni Trina. Naging tambakan na lang iyon ng mga lumang files at tanging ang guard lang sa entrance ng opisina ang alam kong naka-duty doon. Sa totoo nga ay iniiwasan ng mga guard ang mapa-assign doon dahil nakakatakot na ang lugar. “Hindi ko alam. Sabi ni Boss mula daw ngayon ay ‘yon muna ang gagawin mo eh,” ani Trina sabay kibit-balikat. Mukhang hindi man lang siya nakakaramdam ng awa sa akin. Hindi ko maiwasang isipin na pakana ni Max ang lahat. Wala akong nagawa kundi ang sundin ang inuutos ng mga boss ko. Buong maghapon akong nasa old office at inaayos ang mga files doon. Pakiramdam ko ay isang malaking kalokohan ang pinapagawa sa akin ni Boss Emong. Luma na ang mga files na karamihan ay hindi ko na kilala ang mga nakapirma. Isa pa, may mga scanned copy naman kami ng mga files na ito. Isang taon na lang at itatapon na rin ang mga papel na ito pero heto ako at nagpapakapagod sap ag-aayos nito. Pawis na pawis na ako at sumasakit na ang likod ko. Mabuti na lang at maalalahanin ang guard na naka-duty. Pansin kong nagtataka din siya kung bakit ako naroon sa old office. Ano kaya kung mag-resign na ako? Mukhang seryoso si Max sa banta niyang pahirapan ako. Bakit ba hindi na lang niya hayaan ang isang tulad ko? Ano ba naman ang isang tulad ko kumpara sa kaniya at sa pamilya niya? “Maam, alas kwatro na po. Nakita ko na ang bus na naghihintay doon sa tapat ng Admin Building. Baka maiwan na po kayo,” untag sa akin ni Manong guard. Nilingon ko siya na noon ay nakatayo na sa pinto ng room na kinaroroonan ko. “Ah, o-okay. Salamat po,” nakangiting sagot ko. Sinulyapan ko ang relo. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa kaiisip ko. Sa tagal kong nag-iisip kanina, hindi pa rin ako nakapag-desisyon kung ano nga ba ang gagawin ko. Tumayo na ako at naglakad na pabalik sa opisina. Dahil mauuna kong madaanan ang Admin Building ay nagpasya akong pumasok sa entrance niyon. Dumiretso ako sa CR para magpalit ng damit. Nasa loob na ako ng cubicle nang maramdaman kong may pumasok. “Yes, Mom! I still can't believe I'm getting married!” bulalas ng babae na mukhang may kausap sa cellphone. Nahihimigan ko ang excitement niya. Sino na naman sa mga katrabaho ko ang ikakasal? “Do you think it was appropriate that I accepted his marriage proposal, mom?” Bigla ay naghimigan ko ang pag-aalangan sa boses niya na labis kong ipinagtaka. Kanina lang ay ang saya niya. “I-I mean, I love Max and…d- don't you think I'm being selfish and unfair to him?” muling tanong nito. Natigil ako sa pagkilos. Si Max? Gusto ko sanang silipin kung sino ang babaeng naririnig kong may kausap sa phone, pero base sa pagsasalita niya ay alam ko nang siya iyong kasama ni Max dito noong isang araw. Nag-propose na pala si Max sa kaniya? Hindi ko maipaliwanag ang lungkot na naramdaman. Ang plano ko noon ay kalimutan na si Max. Iniwasan kong makarinig ng anumang balita hinggil sa kaniya. Bakit kung kailan ikakasal na siya, saka naman kami nagtagpo? Para saan pa? Para muling madagdagan ang sakit na nararamdaman ko? Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Kaybigat ng aking pakiramdam at parang may nakadagan sa aking dibdib. Pinigil ko ang mga hikbi sa takot na may makarinig sa akin. Dahil kay Max, hindi natupad ang pangarap kong makabuo ng pamilya. Kaylalim ng sugat na iniwan niya kung kaya hindi ko na magawang magtiwala muli. Hindi ko na magawang maniwala na may magmamahal pa sa akin. Ayaw ko nang magmahal pa. Pero bakit kapag nakikita ko si Max, nasasaktan pa rin ako? Dapat ay galit ako sa kaniya. Pero hindi ganoon ang nangyari. Mas galit siya sa akin. At ngayon ay heto ako at umiiyak dahil ikakasal na siya sa iba. Ang t*anga ko talaga. Mattheo. Naitakip ko ang kamay sa bibig pagkaisip sa anak. Alam kong darating ang araw na magtatanong siya tungkol sa ama niya. Kasalanan ko kung bakit hindi siya nagkaroon ng chance magkaroon ng masayang pamilya. Naramdaman kong lumabas na ang babae sa CR. Noon ako lumabas sa cubicle. Pinagmasdan ko ang sarili. I look horrible. Napakagulo ng buhok ko at ngayon nga ay namumula ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. I should get out of this situation. Pinapasakitan ko lang ang sarili ko dito. Oras na mabayaran ko ang nabasag kong mga materyales ay magre-resign na talaga ako! Inabot ko na ang bag. Kinuha ko ang cellphone at noon ko nakitang may message doon. Agad ko iyong binasa pagkakitang kay nanay galing iyon. Nanlumo ako at nabalot ng pag-aalala pagkabasa sa message niya. May sakit umano si Mattheo. Ilang araw na itong inuubo at kahit napainom na ng gamot ay hindi iyon nawala. Balak na umano niyang dalahin ang anak ko sa pedia para maipa-check up. Mababawasan ang kita ko ngayong buwan dahil sa magiging kaltas sa sweldo ko bilang bayad sa mga nabasag kong materyales. Ipapadala ko na lang lahat ng perang hawak ko para lang may magamit ang anak ko. Kailangan ko pang magtiis at makaipon muli. Gagawin ko lahat para sa kaniya dahil siya na lang ang pinagkukunan ko ng lakas. Kahit ako na lang ang masaktan at mahirapan, huwag lang siya. Pagdating ko sa lobby ng building ay nahagip pa ng mga mata ko ang nakatalikod na si Max. Papasakay na siya sa kaniyang magarang sasakyan. Tama nga ang hula ko. Nandito nga at kasama niya iyong girlfriend niya…na fiancée na nga pala niya ngayon. Pinagmasdan ko habang masuyo niyang inaalalayan ang babae na makasakay ng kotse. Nakasunod sa kanila iyong assistant niya. Naaalala ko kami noon at muli ay para na namang kinurot ang puso ko. Mabuti ka pa, Max dahil wala kang problema. Iniisip mong pinahirapan kita at sinaktan. Pero sa ating dalawa, malinaw na ako itong higit na nagdurusa. Ang sakit aminin, pero labis pa rin akong nasasaktan dahil may mahal ka ng iba. Ganoon mo lang ako kabilis kinalimutan. Hindi pa ba sapat lahat ng sakit na pinagdaanan ko dahil gusto mo pang dagdagan? Ano kaya ang sasabihin mo kung malalaman mong may anak tayo? Sa gulat ko ay biglang lumingon si Max sa gawi ko. Hindi ko nagawang mag-iwas ng tingin dahil hindi ko inaasahang lilingon siya sa gawi ko. Marahil hindi din niya inaasahang makikita ako dahil napansin ko ang pagkagulat niya. Agad nabura ang ngiti niya pagkakita sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Pero bakit parang dinadaya yata ako ng aking mga mata? Bakit ganoon siya makatingin? Para bang nababasa ko sa mga mata niya ang…awa? At bakit tila kaylungkot niya? The way he looked at me reminded me of the old Max. Iyong Max na nagmahal sa akin. Hindi ko magawang magbawi ng tingin. Nakatitig lang din ako sa kaniya. Umaasa na makita niya sa mga mata ko ang katotohanan. Na hindi ko siya niloko. Na minahal ko siya at hindi ko kailanman magagawang ipagpalit siya sa pera. Ngunit agad na naputol ang aming tinginan nang nakangiting bumaling sa kaniya ang babaeng katabi. Agad na naagaw nito ang atensyon ni Max. Agad nawala ang ngiti ko. Bigla akong bumalik sa reyalidad. Marahil dinadaya nga lang ako ng aking mga mata. There is no way that Max will be concerned about me. Kailangan ko nang itigil ang mga pagbabalik-tanaw kong ito sa aming nakaraan. Alam kong imposible nang mangyari ang lihim na hinihiling ng aking puso, lalo na ngayong ikakasal na siya sa iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD