CHAPTER 1 – THE NEW BOSS

1972 Words
Para akong tinakasan ng lakas habang nakatitig sa pangalan ng negosyanteng nakatakda umanong bilhin ang malaking share ng kompanya kung saan ako nagtatrabaho. Matagal nang usap-usapan ang mangyayaring pagbili ng malaking share nitong kompanya ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Ayon sa management ay wala namang magiging malaking pagbabago sa mga empleyado at benepisyo namin. Ang ilan lang sa mga empleyado ay magre-retired na at babayaran ng malaking halaga para sa kanilang serbisyo. Katunayan ay nagbukas pa iyon ng oportunidad sa akin dahil isa sa mga supervisors namin ay piniling magretired na at isa ako sa mga kandidato para sa promotion. Muli kong itinuon ang mga mata sa email na ipinadala sa lahat ng empleyado. Makailang beses akong kumurap sa pag-asang magbabago ang mga letra ng pangalan na nakasaad doon, ngunit hindi iyon nabago. Max Castellano. Bakit? Hindi ba at abala siya sa pagpapalago ng negosyo ng kanilang pamilya? Wala sa loob na dumako ang aking kamay sa dibdib. His name alone causes my heart to race. Tatlong taon na ang lumipas buhat nang maghiwalay kami ni Max. I haven't heard from him since then. I purposefully avoided hearing anything about him. It's my way of protecting myself. Aaminin kong labis pa rin akong nasasaktan sa tuwing naaalala ko kung paano kaming naghiwalay. Ngunit paano ngayon kung si Max na ang may-ari ng malaking shares sa kompanyang ito? Alam kong napakababa ng posibilidad na magkita kami. Sa dami ng workers sa kompanya na ito, maliit ang tyansang makita niya ako dito. Isa pa, malamang ay sa magiging opisina niya sa Admin Building lang siya maglalagi, samantalang nandito ako sa Warehouse Building. “Ma’am, and’yan na po ang delivery,” boses ni Ruel ang pumutol sa aking pag-iisip. Isa siya sa mga workers namin. Hindi siya direktang empleyado sa kompanya na pinagtatrabahuhan ko dahil galing siya sa bukod na manpower services. Sa Warehouse Department ng isang packaging company ako nagtatrabaho at isa sa mga trabaho ko ang masiguradong sapat at tama ang mga materyales na dinadala sa amin ng suppliers. “Ahh, s-sige,” wala sa sariling sagot ko. Sinulyapan ko si boss Emong na aming department head pagkatapos ay dumako ang tingin ko kay Trina na nasa katabing table ko lang. Abala ang babae sa pag-scroll sa cellphone niya at panaka-nakang tumitipa sa computer. Kung papansinin ay mas higit ang oras na inilalaan niya sa pagtitig sa cellphoe kaysa sa pagtatrabaho. “Ikaw na ang mag-check, Angel. Magpasama ka na lang kay Peter,” utos sa akin ni boss. Gulat na napatitig ako sa kaniya dahil kanina lang ay usapan na naming si Trina naman ang mag-check ng delivery. Tumango si Boss Emong at nakikiusap ang mga mata niya sa akin. Napabuga na lang ako ng hangin sa pagkadismaya. Mabait si Boss, ngunit ang tangi ko lang reklamo sa kaniya ay ang paraan niya sa pag-handle ng mga tao. Kung sino lang ang sumusunod sa kaniya at nagtatrabaho ng maayos ay siya lang ang madalas niyang utusan. Kaya naman madalas na naiipon ang trabaho sa akin at kay Peter. Sinulyapan ko si Trina na noon ay nagkunwari lang na walang naririnig. Tumango na lang ako kay Boss kahit ang totoo ay nagpupuyos ang aking kalooban. Mapipilitan na naman akong mag-overtime dahil malapit na mag-uwian. Hindi ko magawang magreklamo dahil matagal na akong pinangakuan ni Boss ng promotion na aking inaasam. Malaking tulong sa akin ang promotion para masuportahan ang pamilya. “Huwag ka nang mainis d’yan! Tulongan na lang kita mamaya.” Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko si Peter. Nasa harapan ko na siya at nakatunghay sa akin. Ngiting-ngiti siya na para bang hindi niya alintana ang mag-overtime o mapagod sa trabaho. Kung hindi siguro dahil sa kaniya, baka matagal ko nang sinukuan si Boss Emong. Madalas akong magreklamo dahil sa hindi patas na workload, pero dahil kay Peter ay nahihikayat niya akong magtiyaga. Siya iyong tipo ng lalaki na magaan kasama. He always managed to find the bright side of things. Katulad din niya ako noon. Positibo ako noon sa buhay, ngunit bigla ‘yong nawala simula nang mabigo ako kay Max. Ipinilig ko ang ulo dahil hindi ko na gustong isipin pa ang lalaki. Muli kong tinitigan si Peter sa harap ko at tipid akong napangiti. Parang gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nasa paligid siya. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa akin dahil makailang beses na siyang nagsabing manliligaw sa akin. Gwapo siya, mabait at galing sa maayos na pamilya. Katunayan ay maraming mga katrabaho namin ang alam kong nagkakagusto sa kaniya at isa na sa kanila si Trina. Ngunit sa nakalipas na mga taon ay hindi man lang sila pinansin ni Peter. Katunayan, sa sobrang perpekto niya sa mga mata ko kung kaya hindi ko siya pinapayagang manligaw sa akin. Ayaw kong madungisan pa ang pangalan niya dahil sa masama kong nakaraan. Alam kong kasama siyang huhusgahan ng mga tao kapag ako ang pinili niyang maging kasintahan. Isa pa, ayaw ko nang sumugal muli. Kahit na anong bait ni Peter, hindi ko na magawang magtiwala na mamahalin niya ako hanggang dulo. Minsan na akong napaniwala ni Max… “Bakit ganiyan ka makatingin?” amused na tanong niya. “H-Ha? Wala! May naisip lang ako,” napapahiyang sagot ko. Saka ko lang napagtantong nakatitig ako sa kaniya. “Hmn? Alam kong nagwapuhan ka sa akin,” bulong niya at mahina lang akong natawa. Napansin kong nilingon kami ni Trina at hindi nakaligtas sa akin ang pag-irap niya. Alam ko naman na isa si Peter sa dahilan kung bakit hindi kami magkasundo ni Trina. Sayang at kasabay ko pa naman siyang natanggap sa trabaho. Magkasabay kaming na-interview at nagpasa ng mga requirements. Akala ko ay magiging kaibigan ko siya. What was meant to be a good friendship turned bad because of one guy. Ganoon na ba talaga ang epekto ng pag-ibig sa isang tao? Napapailing na dinampot ko ang folder na nakapatong sa table ko. “Ito ang list ng materials. Mabuti pa ay sumunod na tayo kay Ruel para mabilis tayong matapos,” aya ko na lang kay Peter. Tumayo na ako at naunang maglakad sa area kung saan naroon ang delivery truck at si Ruel. “You seemed anxious. May problema ka ba?” tanong sa akin ni Peter habang naglalakad. Napaka-observant niya talaga. Kaya naman wala akong mailihim sa kaniya. Buhat sa pwesto namin ay tanaw ang company bus na naghihintay sa mga empleyado na pauwi na. Lalo akong nakadama ng inggit. Mabuti pa sila at uuwi na sa kani-kanilang bahay, sa kani-kanilang pamilya. Habang ako ay nagtitiiis na mawalay sa Matt ko.. “Hey?” biglang untag sa akin ni Peter na sinabayan pa ng malakas na pagpalakpak malapit sa mukha ko. “Ha? A-Ano ‘yon?” nagulat na tanong ko. “Kanina ka pa wala sa sarili, ah? Napapadalas yata ang pagtulala mo?” natatawang komento niya. “Ahh, k-kasi naisip ko lang ‘yong magiging pagbabago kapag dumating na ‘yong bagong Big Boss natin,” naisip kong isagot. Agad naman napakunot ang noo ni Peter. “Bakit? Dati naman ay hindi mo pino-problema ‘yan ah?” bakas ang pagtataka sa boses niya. “Nabasa ko kasi ‘yong email kanina,” palusot ko. “Huwag mo nang isipin muna ‘yon. Hindi naman tayo apektado. Mga big boss lang ang maaapektuhan noon.” Hindi na ako nagkomento pa. Dapat akong maging maingat na huwag mabanggit kahit kanino ang nakaraan namin ni Max. Iiwasan ko siya hanggat maaari. Malamang ay hindi naman siya palagiang nandito. Sa tamang pagkakataon ay ako na mismo ang aalis dito. Dalawang buwan na lang naman at ga-graduate na si ate sa kolehiyo. Nagsimula na kaming mag-check ni Peter ng mga delivery. As usual, sila ni Ruel ang nag-uusisa sa mga delivery kung tama ba iyon sa specification at bilang na inorder namin habang ako naman ang may hawak ng listahan. Ilang minuto na ang lumipas at ang atensyon ko ay natuon na sa ginagawa. Hindi ko na namalayan ang sasakyan na huminto malapit sa amin. Maging si Peter na pawisan na sa ginagawa ay hindi napansin ang sasakyan na dumating. “Sir, ‘yon po ang Warehouse at sila ang mga masisipag nating staff.” Buhat sa papel na binabasa ay nag-angat ako ng tingin. Para akong itinulos sa kinatatayuan nang makilala ang lalaking dumating kasama ng Public Relation Officer namin at ilan pang empleyado. Nasa pinakagitna siya at napapalibutan ng mga katrabaho ko. Nakapamulsa siya at ang mga mata ay nakatuon sa delivery truck at kay Peter. M-Max?! Dahil sa pagkagulat ay nabitiwan ko ang papel at ballpen na hawak. Gumawa ng mahinang ingay ang pagpatak niyon sa semento. Nakagat ko ang ibabang labi at naupo para pulutin ang mga iyon. Sa nanginginig na mga kamay ay dinampot ko ang papel. May mga sinabi pa ang mga katrabaho ko kay Max ngunit hindi ko na iyon naintindihan. Habang nakatungo ay lihim akong nagdadasal na sana ay hindi nila ako mapansin. Matapos abutin ang ballpen ay naglakas-loob akong sulyapan sila. And there he was, right in front of me. Even now, he still has the kind of dark good looks that make women swoon. Seeing him brought back a lot of memories; those dark eyes, pointed nose, and seductive lips that always gave me the shivers. Napigil ko ang paghinga nang matuon ang mga mata niya sa akin. Tulad ko ay halata ang pagkagulat niya pagkakita sa akin. Then, suddenly, his eyes turned ice-cold. His stare is so icy it nearly froze me. Marahil iyon ang dahilan ng lalo ko pang panginginig. Inayos ko ang magulong buhok at hindi ko na namalayan kung paano akong nakatayo gayong tila nawalan ng lakas ang aking mga tuhod. “Sir, our employees here are extremely dedicated,” may pagmamalaking sambit ng kasama niya. Parang lalabas na ang puso ko sa aking dibdib sa labis na kaba ngunit naglakas ako ng loob na sulyapan siya. I swallowed hard when I realized he was still looking at me with such seriousness. “I'm hoping they're also trustworthy,” seryoso niyang sambit. Ang mga salita niya ay nagdulot sa akin ng matinding kilabot. Napaawang ang bibig ko habang nakamasid sa kaniya pero hindi ko magawang magsalita. Napansin kong sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at gusto kong manliit sa kahihiyan. Polo shirt na may tatak ng company logo, kupas na pantalon at itim na safety shoes ang suot ko. Malayong malayo ako sa Angel na nakilala niya. “O-Of course, Sir,” tumatawa bagamat halatang kinakabahang sagot ng Public Relation Officer namin. Batid kong nagtaka ito sa sinabi ni Max. “We'll find out then. I will not tolerate liars in this company,” makahulogang sambit ni Max. Ni hindi niya inalis ang mga mata sa akin habang sinasambit iyon. At alam ko ang ibig niyang sabihin. Muli ay naramdaman ko ang kirot sa aking puso. Iniwas ko na lang tingin sa kaniya at itinuon iyon kay Peter na noon ay nagugulohang nakamasid din kay Max. Pinigil ko ang maiyak sa harapan niya. Ilang saglit pa ay narinig kong humakbang na sila palayo sa pwesto namin. Nang marinig ko ang pagbuhay ng makina ng sasakyan nila ay saka ko lang napakawalan ang hininga na kanina ko pa pala pinipigil. Nanginginig pa rin ako sa kaba. Kanina lang ay umaasa akong hindi mag-krus ang aming landas, ngunit tila pinaglalaruan ako ng tadhana. Muli kong nadala ang kamay sa dibdib dahil sa abnormal na t***k ng aking puso. Bakit nangyayari ito? Ayaw ko na sana siyang makita pa. Ayaw ko nang maalala ang mapait naming nakaraan. Anong gagawin ko? Hindi maalis sa akin ang mag-alala habang nakamasid sa papalayong sasakyan ni Max. Sigurado akong gagawa siya ng paraan para muli ay tanggalin ako sa aking trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD