CHAPTER 2 – Our Past

2307 Words
Kanina pa ako nakauwi sa dorm na tinutuloyan ngunit hindi pa rin ako mapakali. Ang isip ko ay bumabalik kay Max at sa mga sinabi niya. Hindi ko mapaniwalaan na kanina lang ay nakaharap ko siyang muli. Malinaw na galit pa rin siya sa akin. Naniniwala pa rin siyang niloko ko siya. Kunsabagay, lubhang napakalayo ng antas ng aming pamumuhay, kaya naman madali siyang napaniwalang pera lang ang naging dahilan para talikuran ko siya at ang pinagsamahan namin. Suntok sa buwan ang mapansin niya ang isang tulad ko, kaya naman hindi ko malilimutan ang unang beses na nakausap ko siya. Sinong mag-aakalang mapapansin niya ang isang tulad ko. Malinaw pa sa aking ala-ala kung paano kami nagsimula… Back in college, Max and Harold were the campus heartthrobs. Sa parehong unibersidad kami nag-aral at kahit pa magkaiba kami ng kurso ay kilalang kilala ko si Max. Sikat siya sa buong university dahil bukod sa gwapo ay matalino pa siya. Una ko siyang nakita noong general orientation ng mga first year. Tinawag siya sa stage at kinilala dahil siya ang nag-top sa entrance exam namin. University scholar din ako ngunit higit na mataas ang score na nakuha niya kumpara sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapahanga nang una ko siyang masilayan. Iyon ang unang pagkakataon na humanga ako sa lalaki. I couldn't take my eyes off him the entire time he was on stage. Hearing his deep, manly voice makes my pulse quicken. And the way he speaks will undoubtedly compel anyone to obey him. I know he'll be a good leader. At the time, I thought he was perfect. Puwede pala iyon? Guwapo na, matalino pa! With each passing year, I've accepted that he'll never notice me. Maraming magagandang babae ang napabalitang girlfriend niya. Idagdag pa na galing siya sa mayamang na pamilya. Sino ba naman ang isang tulad ko para mapansin niya? Dahil lang sa scholarship kaya ako nakapag-aral sa unibersidad. Nag-apply din akong student assistant para may pantustos sa pag-aaral ko. For many years I’ve been loving Max from a distance, yet he isn’t even aware of my existence. I wanted to talk to him, to let him know of my existence, but I don’t have the courage to do so. It was the night of our graduation ball when I felt that the universe has granted my wishes. I remember making my way down the long hall to the massive ballroom, where the party was taking place. Then I saw him. Nagkaron ako ng pagkakataon para malaya siyang pagmasdan. He was lost in thought as he stared up at the gold-painted ceiling, completely oblivious to my presence. Napakagwapo niya pa rin ngunit parang may mali, mukha siyang malungkot. I hadn't seen him like that before. Bigla ay natuon sa akin ang mga mata niya at napigil ko ang paghinga. Nanatili lang kaming nakatingin sa isa’t-isa nang biglang may grupo ng kalalakihan ang lumapit sa gawi ko. Sa isang iglap ay namalayan ko na lang na pinuwersa nila ako papasok sa isang maliit na silid kung saan naroon ang mga gamit sa paglilinis. May mga walis tambo at disinfectant pa doon. Makailang beses kong pinagbabayo ang pinto at nakiusap sa kanila na buksan iyon. Ngunit laking gulat ko nang sa muling pagbukas ng pinto ay isang lalaki ang muli nilang sapilitang itinulak papasok sa silid. Hindi ako nakakilos nang mamukhaan ko si Max. Bakit siya nandito? Looking at him, I could see the rage in his eyes. As one would expect, he accused me of setting things up. “What do you want?!” inis na baling niya sa akin matapos sipain ng malakas ang pinto. Halata ang matindi niyang iritasyon. “Are you really that desperate that you set this up?” Puno ng sarkasmong tanong niya sa akin. Inayos niya ang nagulong coat pagkatapos ay mabilis siyang nakalapit sa akin. He was so close I could smell his manly cologne. Kunot na kunot ang makapal niyang kilay habang nakatunghay sa akin. Despite his anger, I can't help but notice how handsome he is. “What? Are you just going to stare at me?” muli niyang tanong. Tumikhim ako para alisin ang bara sa aking lalamunan. “H-Hindi ko alam. W-Wala akong alam sa nangyayari—” “I wasn’t born yesterday, Miss! Tell me, what exactly do you want?” nanghahamon at mapanganib niyang tanong. Sa takot ay nagsumiksik ako sa isang sulok. Mainit sa loob ng silid at batid kong mas lalo pa akong pinagpapawisan sa kaba. My knees always go weak whenever I see him, but this time it's for a completely different reason. Hindi ko maipaliwanag ang takot sa nakikita kong galit sa mga mata niya. “I-Im sorry,” sambit ko kahit pa alam kong wala akong dapat ihingi ng tawad sa kaniya. Sinuyod niya ako ng tingin dahilan para mailing ako. Napakasimple lang ng ayos at suot ko. Nagulat pa ako nang nakakaloko siyang ngumiti matapos akong titigan. “Not bad. Fine, I’ll give you what you want.” Bago ko pa lubos na maunawaan ang sinabi niya ay sinapo niya ang baba ko at itinaas iyon. Sa isang iglap ay sinakop niya ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at mas lalong nangatog ang tuhod. He's kissing me! I can't believe it! I know I like him, but this isn't right. Malakas ko siyang itinulak. “Stop! Hindi ko alam kung bakit ako nandito!” naiiyak na sigaw ko bagamat kulang iyon sa lakas dahil sa epekto ng halik niya. Wala sa loob na dumako ang kamay ko sa labi at pinunas iyon. Napansin kong natigilan siya sa ginawi ko. Nakaiilang ang ginawa niyang pagtingin sa akin. Para bang binabasa niya kung nagsasabi ako ng totoo. “Are you telling the truth?” nagugulohang tanong niya. “O-Oo naman! Hindi ako desperada sa lalaki!” Bigla ay tila napapagod siyang naupo sa sahig. Naihilot pa niya ang kamay sa noo. Ilang minuto siyang tahimik lang na nag-iisip. Sa paningin ko ay tila kaylungkot na naman niya. “I’m sorry. I didn’t mean it. I…I’m really sorry.” Mayamaya ay hingi niya ng paumanhin. Hindi ko magawang sumagot sa sinabi niya. Anong sasabihin ko? Na okay lang? O hindi ko siya mapapatawad. Siya ang una kong halik at aaminin kong ilang gabi ko din iyong pinapangarap buhat makilala ko siya. Pinagmasdan ko siya na tahimik lang at kaylalim ng iniisip habang ako naman ay kaylakas ng kalabog ng dibdib. After a long moment, and maybe due to boredom, he struck up a conversation with me. Hindi ko na maalala kung paanong nangyari pero namalayan ko na lang na nagkukwentuhan kami. Tuloyan ko nang nalimutan na kanina lang ay halos manginig ako sa takot sa kaniya. It seems like he didn’t mind that he is unable to enjoy the graduation party. The entire time, I was in awe. It was truly magical. Pakiramdam ko sa gabing iyon ay walang pagitan sa amin. “Siguro ay hinahanap ka na nila,” mayamaya ay sambit ko. Nilingon ko siya na nakaupo pa rin sa sahig. Pareho na kaming pinagpapawisan dahil sa init sa loob. “Nah! I don't care. I can't stand them anymore,” bulong niya pero sapat para marinig ko. Nagtatakang tinitigan ko siya. “M-May problema ka?” puno ng kuryosidad na tanong ko. He chuckled before turning to face me. "Can I tell you a secret?" Nagulat naman ako sa narinig. We're not even close enough for him to tell me his secret. Gayunpaman ay tumango ako. Nagpakawala muna siya ng malalim na hininga bago muling nagsalita. “Everyone thinks I'm perfect, but I'm not. And I'm sick of trying to live up to their expectations. Magulo din ang pamilya ko. And my Dad is a womanizer…fvcking womanizer,” aniya. Ramdam ko ang galit niya habang sinasambit ang pagiging babaero ng ama. Malaking rebelasyon sa akin iyon dahil kilala ang pamilya nila. Palagi silang magkakasama at tila perpekto sa tuwing dadalo sila sa mga kasayahan at importanteng okasyon. Walang mag-iisip na may ibang babae ang ama niya. “Your father's mistakes are not your mistakes. Isa pa, hindi mo naman kailangang maging perpekto,” sambit ko. Napansin kong mas lalong naging seryoso ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. “I-In spite of your flaws, I still think you are w-wonderful. I-In my eyes, you are perfect, even with your flaws,” sambit ko bago ko pa man napigilan ang bibig. Napansin kong natigilan siya at mataman akong tinitigan. Agad kong naitakip ang kamay sa bibig nang mapagtanto ang sinabi. Masyado akong nadala sa mga titig niya at naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi. Malamang may ideya na siya na humahanga ako sa kaniya! I can tell he is suppressing his smile. Pero bago pa man siya makapagsalita ay bumukas ang pinto ng silid. Agad kong namataan si Mara na kaibigan ko. “Oh gosh! I am sorry! M-Max?! I am really sorry! It was supposed to be Alfred, not you!” Hinging-paumanhin niya sa nanginginig na boses. Nakamamatay naman ang tinging ipinukol ko sa kaniya. Si Alfred ay ang kaibigan namin na nanliligaw sa akin at makailang beses ko nang binasted at ayaw ko nang kausapin. Kung gayon ay si Alfred ang plano nilang ikulong sa silid kasama ako. Tumango lang si Max at diretso nang naglakad patungo sa malawak na ballroom. Simula noon ay hindi ko na siya nakausap muli. Naka-graduate na kami at nagtrabaho ako sa iba’t-ibang kompanya para makatulong sa aking mga magulang na nasa probinsya. Still, I’ve been admiring him from a distance. I heard that he studied for his master's at a prestigious university abroad. Years passed, and I got hired at different companies while Max was featured in many business magazines. Tinanggap ko nang hindi na magtatagpo muli ang aming mga landas. Until one day, I applied for work at their company. Muli, kaybilis ng pintig ng aking puso noong makita ko siya sa kaniyang opisina para sa aking final interview. I noticed he became even more handsome. I knew he wouldn’t recognize me, and he probably didn’t even remember me. Tulad ng inaasahan ay hindi niya ako tiningnan man lang. Ngunit bago ako makalabas ng opisina niya ay nilingon ko siyang muli. He glanced at me too and our eyes met. I don’t know if I am just imagining things, but I read something in his eyes that I couldn’t explain. Mas pinaniwalaan kong imahinasyon ko lang ang lahat. Nagsimula na ako sa trabaho hanggang isang araw ay inaya ako ng mga katrabaho na lumabas. Pumayag ako bilang pakikisama sa kanila. Hindi ako umiinom ng alak ngunit napilitan ako dahil ayaw ko namang biguin ang mga kasama ko. Nang lumalalim na ang gabi ay nagpaalam na akong uuwi na. Hindi ko naman kayang sumabay sa kanila sa puyatan mas lalo pa sa inuman. Then I saw him again. He was there, standing in a parking lot just outside the nightclub. May kausap siya sa cellphone at marahil naramdaman niyang may nakamasid sa kaniya kung kaya lumingon siya sa gawi ko. Sa labis na pagkapahiya ay nag-iwas agad ako ng tingin at naglakad na palayo. Sigurado akong nakilala niya ako na isa sa mga empleyado nila. Nagulat na lang ako nang bigla ay nakaharang na siya sa daraanan ko. “Have we met before?” direktang tanong niya sa akin. His voice, too, now sounds more robust and manly. “S-Sir, g-good evening. Empleyado n’yo ako,” naiilang na sagot ko. As usual, when he's around, my heart starts racing like crazy. “Yeah, I know. But you look familiar,” aniya habang nakatitig sa akin. Napalunok ako habang nakatingin sa kaniya. Nagtatalo ang isip ko kung dapat ko pa bang ipaalala sa kaniya na minsan na niya akong nakakwentuhan noong graduation ball namin. Will he even remember that? “G-Graduation ball,” wala sa sariling sambit ko. “What?!” nagugulohan naman niyang tanong. “S-Sa graduation ball. K-Kung natatandaan mo, nakulong tayo sa room,” paliwanag ko. Lihim kong pinagagalitan ang sarili dahil sa utal at nanginginig kong boses. “Did we have s*ex at the time?” nakakalokong tanong niya. Ramdam ko ang pag-iinit ng buong pisngi dahil sa tanong niya. Sinulyapan ko siya na nakatitig pa rin sa akin at mukhang naaaliw sa reaksyon ko. “No,” sagot ko. Hindi ko alam kung saan patungo ang usapan namin. Lalo namang kumunot ang noo niya. "Too bad," he sighed, chuckling. He has a mischievous grin on his face. Really, his looks changed a lot in a devilishly good way. Hindi mahirap hulaan na marami na siyang babaeng napaibig. Sa gwapo at lakas ng dating niya, sigurado akong hindi mahirap sa kaniya ang makuha ang babaeng naisin niya. Kumusta na kaya siya? Wala na ang lungkot sa mga mata niya na naroon noong bago kami makapagtapos ng kolehiyo. Napansin kong tulad ko ay nakatitig din siya sa akin. Bigla ay naging seryoso siya. “B-Bakit sir?” kinakabahang tanong ko. “I have a proposition to make,” sambit niya habang nakatitig pa rin sa akin. “Ha? A-Ano?” nagugulohang tanong ko. Ano naman ang kailangan niya sa isang tulad ko? “Sleep with me,” walang kagatol-gatol niyang sabi na siyang nagpalaglag ng panga ko. MAPAIT akong napangiti pagkaalala sa kung paano kami ni Max nagsimula. Malinaw pa rin sa ala-ala ko ang lahat. Ngunit agad na nabura ang ngiti ko pagkaalala sa kung paano niya ako tiningnan kanina. Puno ng galit ang mga mata niya. His tender look at me has faded. Hostility is all that remains. Marahil ay mananatili na lang ala-ala kung paano niya akong minahal. Sa ngayon, hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin oras na maupo na siya bilang boss ko sa kompanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD