MABILIS ang mga hakbang ko papasok sa opisina. Inabot na ako ng madaling araw kaiisip sa nakaraan namin ni Max. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga nangyari noon. Iyon ang mga bagay na iniiwasan ko nang isipin sa mga nagdaang taon. Para sa akin ay isa na lang siyang mapait na ala-ala.
Nadatnan ko si Peter at Trina na masayang nagku-kwentuhan ngunit agad na binalingan ako ni Peter pagkakita sa akin. Napansin kong wala pa si Boss Emong sa kaniyang opisina.
“Good morning! May dala akong sandwich,” masayang salubong sa akin ni Peter. Hindi naman nakatakas sa mga mata ko ang pag-irap ni Trina sa akin.
“T-Talaga? Salamat, pero busog pa ako eh!” tanggi ko.
“Hmn?! I don’t believe you,” sagot ni Peter na hindi naniniwala sa sinabi ko. Ipinatong niya ang sandwich sa table ko at nahiya na akong muling tumanggi. “Bakit ganiyan ang hitsura mo? Parang puyat na puyat ka,” komento pa niya.
“Hindi ah! Maaga nga ako nakatulog eh!”
“Tsk! Nanuod ka na naman siguro ng mga k-drama!” Napapailing na sambit niya. Pumwesto na rin siya sa harap ng computer. Mayamaya ay tahimik na kaming nagtatrabaho. Bandang tanghali nang dumating si Boss Emong. Bagsak ang mga balikat niya at halata ang matinding pagkabahala. Nagkatinginan kami ni Peter at sigurado akong nahalata din niya ang pagkabalisa ng aming boss.
“Angel, how’s the delivery yesterday?” walang buhay na tanong sa akin ni boss Emong.
“Okay naman, Sir. Kumpleto naman po lahat,” sagot ko. Halata ang pag-aalala sa mga mata niya saka tila napapagod na naupo siya sa upuan sa harap ko.
“I was informed that Mr. Castellano was here last night.”
“Ahh. Y-Yes sir…p-pero maayos naman po kaming nagtatrabaho noong dumating siya. W-Wala naman pong mali sa delivery kahapon,” kinakahabang sagot ko.
“Yes, I know you're good at what you do. However, during our meeting, it appears that Mr. Castellano has his eyes set on our department. He has already requested an audit! Sampal sa akin at sa buong Department ‘yon!”
Agad ang pag-ahon ng aking kaba. Alam na alam ko kung bakit ginawa ni Max iyon pero hindi ko magawang magsalita. Gusto kong maawa kay Boss Emong na siyang naiipit sa sitwasyon. Parang pinipiga ang puso ko sa isiping labis pa rin ang galit sa akin ni Max. Hanggang ngayon, naniniwala pa rin siyang niloko ko siya. Kaylayo na niya sa Max na nangakong mamahalin ako. Ngunit kaybilis niyang napaniwala na tinraydor ko siya.
I remember how hard he tried to get me back then. Of course, I declined his offer to sleep with him. Ilang beses niya akong kinulit, at kahit pa gustong-gusto ko siya ay tumanggi ako. Labis din ang kaniyang pagseselos sa tuwing may katrabaho akong lumalapit sa akin. Hanggang sa ginawa niya ang bagay na hindi ko akalaing gagawin niya para sa akin; niligawan niya ako. Everyone in the office is aware of it. I was moved and felt like the most beautiful woman in the world when he paid so much attention to me. He continued to court me. At kahit na anong pigil ko ay napasagot niya pa rin ako. Andoon ang alinlangan dahil sa layo ng estado namin, pero ano pa bang magagawa ko? I'm already in love with him before he even notices me. Alam kong marami ang nagtaas ng kilay sa naging relasyon namin, lalo na sa akin. Max is the second child of the current CEO of clickIT Solutions, Mr. Santiago Castellano. Their company provides software programs that require a paid subscription. And it's true that he's a prince and I'm a commoner. Kaya naman hindi na ako nagtaka nang maging ang assistant niyang si Harold ay malamig ang pakikitungo sa akin. I can sense his cold demeanor toward me. Nalaman kong hindi lang siya basta assistant ni Max. They are like brothers. Si Harold ay anak ng business partner ng Daddy ni Max. Ang ama nito ang siyang utak ng negosyo ng pamilya ni Max. Ayon kay Max ay tatlo sana ang magkakasosyo sa negosyo nila, ang Daddy niya, ang ama ni Harold at si Mr. Alvaro Chavez. Sa kasamaang palad, naaksidente ang ama ni Harold bago pa man magsimula ang negosyo. Bilang tulong, kinupkop ng pamilya ni Max ang lalaki at pinag-aral. Kaya kahit na anong lamig ng pakikitungo sa akin ni Harold, batid kong mahalaga siya kay Max. I was so in love with Max at the time that I didn't care what other people thought of me. All I care about is him. Naniniwala ako na sapat ang pag-ibig para manatili kaming magkasama. I was naïve back then. Akala ko kapag mahal mo ang isang tao, kayang pagtagumpayan kahit na anong pagsubok. Akala ko sapat ang pagmamahal sa akin ni Max at walang makakasira sa aming dalawa…
“Ang lalim na naman ng iniisip mo!” untag sa akin ni Peter. Namataan ko sila ni boss Emong na nakatingin sa akin.
“Y-Yes sir?” tanong ko dahil hindi ko naunawaan ang sinasabi nila. Lumipad na naman ang isip ko kay Max na madalas mangyari simula nang makita ko siya kagabi.
“Prepare all documentation and reports. In case na ma-audit nga tayo. Hindi ko alam kung bakit pinag-iinitan yata ako ni Mr. Castellano.” Halata ang pagkadismaya sa boses ni Boss Emong. I felt guilty. Akala niya ay siya ang kinagagalitan ni Max.
Ginugol ko ang maghapon sa paghahanda ng mga reports at documents. Sinigurado kong maayos na maayos ang pagkaka-file ng lahat. Ayaw kong makakita ng butas sa amin si Max. Madadamay maging ang mga kasamahan ko sa trabaho. Hindi pa ako puwedeng mawalan ng trabaho ngayon. Nasa huling semester na si ate Eden sa kolehiyo. Magastos ang maghanap ng bagong trabaho at magsimula ulit. Kailangan ko ng stable na income. Hindi ngayon ang tamang panahon para magresign dahil kung minsan nga ay kinakapos pa kami sa pera. Ilang buwan na lang naman ang hinihintay ko.
Nagsakripisyo noon si ate Eden para mapag-aral ako ng kolehiyo. At hindi ko malilimutan ang disappointment niya nang umuwi ako sa probinsya namin. Walang trabaho at sawi pa sa pag-ibig. Wala silang alam tungkol kay Max at alam kong malaking kasalanan ko iyon sa kanila. Masyado akong nabulag sa pag-ibig. Ang plano ko ay maghahanap muli ng trabaho, ngunit nadiskubre kong nagdadalang-tao ako. Nag-aaral pa noon sa kolehiyo ang bunso namin. At imbes na makatulong ay naging pabigat ako sa kaniya. Idagdag pang nagkasakit si Tatay at nangangailangan ng malaking halaga. Sa huli ay hindi din namin siya naisalba. Naglumuhod ako noon kay Nanay at Ate para mapatawad nila ako. Ipinangako kong agad maghahanap ng trabaho oras na makapanganak ako. Labis ang paghihirap ko noong iwan ko ang anak para makipagsapalaran muli dito. Hindi naman ako puwedeng tumigil. Kailangan kong magtrabaho para may pantustos ako sa kaniya. At ngayon ay baka mawalan na naman ako ng trabaho.
If only Max knew…
Ipinilig ko ang ulo at tinapik ang pisngi. No! He doesn’t need to know. Wala akong balak ipaalam sa kaniya ang tungkol kay Mattheo. Tahimik na ang buhay namin at ayaw ko nang magulo ang sitwasyon namin. Mas pipiliin ko pang mamuhay ang anak ko na walang kinikilalang ama, kaysa makilala niya si Max at maranasan din niya ang naranasan ko sa pamilya nito. Pagkatapos na pagkatapos ni ate sa kolehiyo ay tahimik na lang akong aalis. Tulad noon...noong ipinagtabuyan niya ako palayo.