Chapter 4 - Incident

1604 Words
Mabilis na lumipas ang mga araw. Max is officially the company's major shareholder. Tulad ng sinabi niya, nagkaroon ng audit sa Department namin. Naging bulong-bulongan iyon ng mga empleyado. Everyone thinks that there is something wrong with our Department and that Max has a valid reason for requesting an audit. Ilang araw nang stressed si Boss Emong at maging kami din ni Peter, mas higit ako. Fortunately, the auditor found no errors in our reports. Sa mga nagdaang araw, ni anino ni Max ay hindi ko na nakita. I wonder what happened to clickIT Solutions? Bago kami maghiwalay ay batid kong unti-unting nalulugi iyon. Naalala ko pa noong mga panahon na problemado si Max at ang Ate Ramona niya dahil natatalo ang clickIT Solutions ng bagong sibol na kompanya. Wala sa hinagap kong ako ang mapagbibintangang dahilan niyon. Nabasa ko naman sa internet noong isang araw na maayos at tuloy ang operation ng kompanya nila, at ang Daddy pa rin niya ang CEO niyon. Kung gayon ay bakit nandito si Max? I know I shouldn't be thinking about him right now, but ever since I saw him, my thoughts have been drawn back to him. Inayos ko ang sarili at nang mapansin kong alas tres na ng hapon ay dinampot ko na ang maliit na notebook at malaking paper bag. Naglakad ako patungo sa kabilang building. Sa bungad pa lang ng Admin Building ay malawak na ang ngiti sa akin ng mga lady guard na naka-duty doon. Nag-aalok ako ng mga pabango at bag sa kanila. Pumapayag akong hulogan ang bayad niyon. Paraan ko iyon para magkaroon ng extra income kahit papaano dahil nga lumalaki ang pangangailangan namin. “Maam Angel! Sa katapusan na ako maghuhulog ha!” salubong agad sa akin ni Ara na isa sa mga ladyguard na naka-duty sa reception area. “Okay, baka may magustuhan ka pa, ha! Nakita mo ba ‘yong mga bago kong naka-post?” tanong ko sa kaniya. “Yes, Maam! Ang gaganda! Bet na bet ko lahat pero tapusin ko muna hulogan itong kinuha kong bag. Kukuha talaga ako ulit kasi magbi-birthday si Nanay, ireregalo ko sa kaniya,” sagot niya. “Ay talaga? Ito ang mga bagong designs. Pili ka na lang,” ani ko na ipinakita sa kaniya ang mga photos ng bag sa cellphone na hawak. Maging iyong dalawa pa niyang kasama ay naki-usyuso na rin sa amin. Busy kami sa pagtitingin sa cellphone at hindi namin napansin ang pagtigil ng sasakyan sa harap ng building at pagbaba ng lulan niyon. Natigil na lang kami nang pakiramdam ko ay may nakamasid sa amin. Pag-angat ko ng tingin ay nakatingin nga sa amin ang mga guard sa entrance ng building at ilan pang empleyado na nasa paligid. Narinig ko pang napasinghap sila Ara sa pagkagulat. Napatuwid din sila ng tayo at kani-kaniyang balik sa pwesto. Napalunok ako pagkakita sa lalaking nakatayo sa harapan ko na siya pa lang dumating. Ngayon ko lang ulit nakaharap si Max. Unlike last night, I can now clearly see his eyes…and the visible hatred in them. “S-Sir, g-good m-mor---good afternoon,” nagkakandautal na bati nila Ara. Ako naman ay pasimpleng dinampot ang paper bag na dala. “This is only my second visit here, and I can already tell how incompetent you are.” Halata ang galit sa boses ni Max. Nakapapaso din ang tingin niya sa amin. No one dared to speak because of his terrifying aura. “Babe! Come on! Show them more consideration. It's three o'clock in the afternoon, and it's break time,” sangat ng isang babae sa usapan namin. Noon ko lang napansin ang babaeng kasama ni Max at ang kamay niyang nakahawak sa braso ng lalaki. Napaawang ang bibig ko ng mapagmasdan ang maganda niyang mukha. She has a hazelnut-colored hair. Her brown eyes stand out against the rest of her features. Morena ang kaniyang balat na bumagay sa kaniyang mukha. Sa unang tingin ay mukha siyang mataray, ngunit kay lambing ng kaniyang boses kapag nagsalita na. When Max turned to face her, his expression softened. He used to give me that look. Hindi ko napaghandaan ang emosyon na muling sumibol sa aking puso. Bakit ako nasasaktan? Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanila. Kung puwede lang ay tinakbo ko na ang kabilang building pabalik sa opisina namin. Hindi ko na naintindihan ang mga sinabi pa ni Max. My mind is preoccupied with convincing myself not to cry. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi mahirap hulaan na ang babaeng kasama ni Max ngayon ang nagmamay-ari ng kaniyang puso. But why am I still hurting? Bigla kong naisip ang anak. Ganoon pala iyon, masasaktan ka pa rin para sa anak kahit pa matagal mo nang tinanggap na hindi siya makikilala ng ama niya. Lihim kong pinagalitan ang sarili. Dapat sa ngayon ay hindi na ako nasasaktan! I took a deep breath and tried hard to conceal my emotion. Nang muli akong mag-angat ng tingin ay sinalubong ako ng mga mata ni Max. He was staring at me intently, but I couldn't read his expression. Samantalang ako ay nahihirapang itago ang nararamdaman. Hanggang sa tumalikod na siya at naglakad papalayo. Gulong-gulo ang puso at isipan ko. Labis ang epekto sa akin ng muling pagkikita namin ni Max. My feelings flooded back in like a tsunami. How will I deal with all of this? Sinundan ko na lang sila ng tingin habang patungo sa elevator kasunod ang mga staffs nila. “S-Sorry, Ara,” nahihiyang hingi ko sa kanila ng paumanhin nang makaalis na sila Max. “Okay lang, Maam! Ang sungit naman talaga ng bago nating Boss. Hay naku!” sagot niya. “Oo nga! In fairness mukhang mabait ang jowa,” komento naman noong isa. “Hoy kayo! Itigil n’yo na ‘yan kung ayaw n’yong mawalan ng trabaho!” sita sa kanila noong guard na nakapwesto sa mismong entrance ng building. “S-Sige, mauna na ako. Balik na lang ako sa lunch break at…at kapag wala si Big Boss,” paalam ko na sa kanila. Hindi ko inaasahan na darating si Max at napakamalas na ako pa ang nabungaran niya pagdating dito. Nagmamadali na akong bumalik sa aming opisina. Sa isip ko ay naglalaro ang hitsura ng bagong kasintahan ni Max. O kasintahan nga ba? Hindi kaya kasal na sila? “Angel! Kanina pa kita hinahanap! Hindi ka pa siguro kumakain. Mag-merienda ka muna oh!” salubong sa akin ni Peter. Inabot niya sa akin ang sandwich at softdrinks na galing sa canteen. Tinanggap ko ang softdrinks at mabilisang ininom iyon. “Woah! Uhaw na uhaw ka yata? Kumain ka muna!” sita ni Peter sa akin. “Nauhaw ako pagpunta sa kabilang building. Ang init kasi,” paliwanag ko. “Bayaran ko na lang ito.” “Nah! Huwag na! Malugi ka pa sa raket mo!” natatawang tanggi niya. Napangiti naman ako dahil doon. Napakabait niya talaga sa akin. Sayang lang at hindi ko magawang tugunan ang damdamin niya. Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa kaniya…o sa kahit kanino mang lalaki. “Angel, sabi ni Boss Emong ay kayo ang mag-check ng delivery mamaya,” sangat ni Trina sa usapan namin. As usual ay halatang inis na naman siya sa akin. “Okay,” sagot ko. Wala na akong panahon pa para intindihin o pansinin ang pakikitungo niya sa akin. Masyado na akong maraming iniisip at ilang araw na akong pagod. Pagdating ng alas kwatro ay pinuntahan kami ni Ruel para ipaalam na dumating na ang delivery. Tinawagan na rin kami ng purchasing department kung kaya magkasama na kami ni Peter na nagtungo sa area. Tulad noon, inggit na tinanaw ko na lang ang company bus na nakaabang na sa paglabas ng mga empleyado. “Ingat Ruel, babasagin pa yata ang mga ito,” paalala ni Peter sa kasama namin habang ibinababa ang mga kahon. “Mabuti pa sila at pauwi na,” wala sa sariling bulong ko. Nilingon naman ako ni Peter at nag-aalala ang mga mata niya. “Don’t worry, may overtime pay naman tayo,” pag-aalo niya sa akin. “Hmp! ‘Yon na nga lang ang iniisip ko,” sang-ayon ko. Matapos masiguradong tama ang delivery ay kailangan pa naming maipadala ang mga iyon sa warehouse. Sumunod ako sa kanila habang ino-operate naman ni Peter ang forklift. Tumulong na ako sa paghahanay ng mga kahon nang makaramdam ako ng pananakit ng sikmura. Mainit sa Warehouse ngunit alam kong iba ang dahilan ng pagpapawis ko. Sa pagdaan ng bawat minuto ay mas lalong tumitindi ang pananakit ng sikmura ko. “Maam Angel, ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Ruel na napansin yata ang reaksyon ko. Magkatulong kaming isinasalansan ang mga kahon habang busy naman si Peter sa pagsasalansan ng iba gamit ang forklift. “Oo,” tipid na sagot ko. Tumango lang si Ruel at muling itinuon ang atensyon sa ginagawa. Nakatingin ako sa gawi ni Peter nang biglang makaramdam ako na nanigas ang tiyan ko at sobrang sakit. Nabitiwan ko ang hawak na kahon at narinig kong parang may nabasag sa laman niyon. Naupo ako habang mariing nakahawak sa sikmura. “Maam Angel!” nagulat na bulalas ni Ruel pagkakita sa aking namimilipit sa sakit. Maging si Peter ay nakuha ko ang atensyon. Gulat na itinigil niya ang ginagawa at bumaba sa equipment. “Angel? Anong nangyari? Okay ka lang?” nag-aalalang tanong niya. Kaysakit ng tiyan ko at ramdam kong nanlalamig na ang mga kamay at paa ko dahil doon ngunit ang mga mata ko ay nakatuon sa kahon na nabitiwan ko. Huwag naman sanang nabasag lahat ng laman niyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD