Angel POV NAIKUNOT ko ang noo habang binabasa ang mga putahe sa menu ng restaurant kung saan ako dinala ni Kyle. Nakailang buklat na ako niyon pero wala pa rin akong mapili dahil hindi ko alam ang mga nakasulat doon. Idagdag pa na naiilang ako kay Kyle na kaharap ko. Sa tuwing susulyapan ko siya ay tiyempong nakatingin din siya sa akin at ilang beses na niya akong nahuli. “What’s wrong, Angel? Hindi mo ba gusto dito?” nag-aalalang tanong niya. Pinagmasdan ko muna siyang mabuti. Kung may natutunan man ako sa nangyari sa relasyon namin ni Max, iyon ay ang magpakatotoo. Aaminin ko na noon ay pilit akong sumasabay kay Max kahit pa alam kong magkaiba ang mundo namin. Sinisigurado kong nakaayos ako sa tuwing haharap sa kaniya at sa pamilya niya. Maayos ang damit, ang buhok at mga gamit. Baka s

