NANLALAMIG ang mga kamay ko habang nasa biyahe. Sinulyapan ko ang driver ni Max na siyang kasama ko na sumundo kay Mattheo. At ngayon nga ay patungo na kami sa mansyon ng mga Castellano. Marahil isa akong baliw sa paningin ng ibang tao. Ako man ay ganoon na rin ang tingin sa sarili dahil sa pagpayag kong makilala ng pamilya ni Max si Mattheo. Sa isang linggo pa ang birthday ni Max ngunit ngayon pa lang ay ipapakilala ko na si Mattheo sa pamilya niya. Noon pa man ay alam ko nang mangyayari ito, at mas mabuti nang maaga pa ay harapin ko na sila. Wala naman akong plano na kausapin ang pamilya ni Max. Ihahatid ko lang si Mattheo, then I’ll stay out of their way. Alam ko naman na si Mattheo lang ang nais nilang makilala. Mas lalo ang pagsipa ng aking kaba nang mapansin na tinatahak na namin ang

