"Ano, Mahal? Masarap ba? Pwede na ba sa panlasa mo?" Kagat labi kong tanong kay Gavin at hinihintay ang kanyang hatol sa lasa ng niluluto ko. Hindi siya kumibo at nanatiling ninanamnam ang lasa. Naguluto kasi ako ngayon ng steak dahil gusto kong subukang magluto para ako na ang magluluto at hindi na siya. Simula't sapol kasi, hindi talaga ako marunong magluto. Simpleng luto lang ang alam ko. Umaasa lang ako kay Mama dahil siya talaga ang magaling magluto. Ewan ko ba, hindi ko nakahiligang magluto. Kapag gusto kong matutunan iyon lang ang pinag-aaralan ko para ma-perfect. Ilang saglit pa, nilapag niya ang kutsara at tinidor sa may pinggan. Hinila niya ako saka pinaupo sa kanyang kandungan. Niyakap niya ako sabay subsob sa aking leeg. Halatang naglalambing siya at alam ko na kung bakit

