Kinabukasan masakit ang katawan ko dahil maging sa pag-uwi namin sa bahay ay hindi pa rin niya ako tinantanan bago matulog. Panay ang hirit dahil honeymoon pa rin daw namin. Kaya pinagbigyan ko at hinayaan na lang para hindi na magtampo dahil tama naman siya at isa pa, gusto ko rin. Sa tingin ko nga ay tumindi rin ang pagiging marupok ko sa kanya dahil mabilis akong nag-iinit sa simpleng haplos niya lang. Kinikilabutan ako pero mas lamang ang pananabik sa kanya. Kaya tuwang-tuwa ang loko dahil napagbigyan ko na naman siya at mukhang alam niya na kung paano ako paganahin sa pagtatalik namin. Hiniling niya rin sa akin na kumuha kami ng makakasama ni Macy sa tindahan para hindi na ako laging pumupunta doon. Para daw hindi ako mapagod at marami akong time sa kanila ni Shanna. Tumanggi ako dah

