"Gavin ko, gising na…" Malambing kong bulong sa tainga niya dahil tanghali na ay tulog pa rin siya. Paano kasi halos ayaw niyang huminto at sinusulit niya talaga hangga't may lakas pa siya ay sige pa rin sa pag-angkin sa akin. Bilib na talaga ako sa kanya pagdating sa bagay na iyon. Ang sabi pa niya ay maaga raw kami pupunta para makauwi agad kami kay Shanna. Tiyak kasi nalulungkot na iyon dahil wala pa kami ng Daddy niya. "Hubby, gising na…" sambit ko uli at bahagyang tinapik ang kanyang pisngi niya. Subalit umungol lang siya pero nakapikit pa rin. Tiningnan ko ang katawan niya. Napapalunok ako dahil ang ganda talaga ng katawan niya. Matigas at perpekto na. Nakakamangha dahil wala man lang kataba-taba. Sabagay bihira lang kasi siya magkanin. Hindi siya mahilig sa kanin kaya siguro ga

