C6- Gavin

2607 Words

"Darwin, anak! Ihatid mo nga itong order kay Emy." Narinig kong utos ni Tita sa pinsan kong si Darwin na katabi ko lang at parang baliw na ngumingiti habang busy sa kapipindot ng phone niya. "Sino po 'yon, Ma? Mama ni Bella?" balik-tanong naman nito kay Tita nang hindi nag-angat ng mukha. "Meron pa bang ibang Emy dito sa atin, Darwin?!" pasinghal na balik-tanong ni Tita na halatang naiinis na sa pinsan ko. "San ka ba nakatira at hindi mo kilala si Emy?!" dagdag pa niya sa mataas na boses. Pigil ko ang sarili na huwag tumawa nang bumaling kay Darwin dahil napapangiwi na siya sa lakas ng sigaw ni Tita. "What?!" suplado niyang asik sa akin. "Buti nga sa 'yo!" ngisi ko sa kanya bago tumayo upang mag-prisinta kay Tita na ako na ang maghahatid ng order bago pa tumaas ang dugo niya dahil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD