C2- Bella

1076 Words
Nakasimangot akong bumalik sa tindahan upang bumili ng soft drinks. Dasal ko, na sana hindi na 'yong lalaki ang nakabantay sa tindahan. "Tao po! Pabili po ng softdrinks!" sigaw ko pero gaya kanina walang lumalabas na tao mula sa loob. Bakit kaya wala na naman tao? Nagtataka ako dahil samantalang kanina ay nariyan lang naman si Gwapong manyakis. Tapos ngayon ay biglang nawala. Pero gano'n pa man, natutuwa ako dahil may alibi na ako kay Mama. Pero naisip ko rin kung nasaan na kaya ang lalaking 'yon? "Ah, bahala nga siya sa buhay niya! Lakompake! Kung nasa loob man siya o wala! I don't care, period!" inis kong sabi sa sarili. Aalis na sana ako nang lumabas na si Gwapong manyakis sa may pintuan. Oh, my god! Piping sabi ko at halos na-magnet na ang tingin ko sa kanya. Sunod-sunod ang paglunok ko ng laway nang makita ko na naman ang hubad niyang katawan. Napansin kong basa pa ang kanyang buhok kaya malamang bagong paligo ito. Pakiramdam ko ay para matutunaw sa hiya nang makita kong nakatingin rin pala siya sa akin. Ay, pisti 'yan! Baka kung ano pa ang isipin niya. "Hi!" bati niya sa akin na tumutok sa mga mata ko. Agad kong binawi ang tingin at ibinaling sa ibang direksyon. Pakiramdam ko ay namumutok na ang pisngi ko nang mahuli na naman niya akong nakatingin sa kanyang perpekto niyang katawan. Baka isipin pa niya na pinagnanasaan ko siya. Hindi nga ba? Hay, kainis. Nakakahiya ka, Bella! Kababae mong tao, masyado kang mahalay! kastigo ko sa sarili. Parang gusto ko na talaga lumubog sa kinatatayuan ko ngayon din. "Ano 'yon, Bella?" tanong niya sa akin kaya muli akong tumingi sa kanya. Bigla akong binundol ng kakaibang kaba kung gaano kainit ang tingin niya sa akin. Muli akong umiwas ng tingin sa kanya dahil pakiramdam ko ay bibigay na ako dahil halata naman na inaakit ako ng taong 'to. Kahit hindi ako tumingin sa kanya ay kitang-kita ko sa gilid ng aking mata ang pag-ngisi niya dahil sa pag-iwas ko ng tingin sa kanya. "May bibilhin ka ba?" muli niyang tanong sa akin. Napatingin na naman ako sa kanya nang marinig ko 'yon. "Ah, pa--" Hindi ko matuloy-tuloy kung ano ang sasabihin ko dahil nadi-distract talaga ako sa katawan niyang nakaharap sa akin. Pakiramdam ko ay para na akong hihimatayin dahil sa sobrang bilis ng puso ko nang ngumiti pa talaga siya sa akin. Shit! Ang gwapo niya sobra! Hindi ko mapigilan na humanga sa kanya dahil sa pagngiti niyang 'yon. Pero maya-maya din ay napaisip ako kung paano niya nalaman ang pangalan ko? Pero nasagot ko rin ang tanong ko dahil nasa bahay nga pala siya ni Darwin at magpinsan sila. Tumikhim ako at yumuko para hindi ako mailang sa kanya kapag nagsasalita. Huminga muna ako bago magsalita. "Pabili ng softdrinks," kaswal kong sabi sa kanya na hindi tumitingin. "Ano'ng softdrinks, Bella?" Muli niyang tanong at binigkas na naman niya ang maganda kong pangalan. Muli akong tumingin sa kanya nang bigkasin niya ang pangalan ko. Bakit ba parang mina-magnet ako ng lalaking 'to? Hindi ko maiwasan ang maganda at nakakatakot niyang mata. "K-kahit ano," sagot kong nauutal pa. Nakita kong tumayo siya at pumunta sa ref para kumuha ng soft drinks. Napa-sunod ako ng tingin sa kanya, lalo na sa likod niyang halos perpekto na yata sa ganda. Meron bang ganyang katawan? Bakit si Mark hindi? tanong ko sa isip at nakatutok pa rin sa katawan niya. "Tapos ka na ba sa pagsusuri?" biglang sabi niya na ikinagulat ko. Namilog ang mga mata ko nang makitang nakangisi siya habang nakatingin sa mukha ko. Pisti! Bigla akong nahiya sa sinabi niya. Dahil sa ikalawang pagkakataon nahuli na naman niya akong nakatingin sa maganda niyang katawan. Grabe, nakakahiya na talaga. Sa tingin ko ay puputok na yata ang pisngi ko sa sobrang init nito. Mabilis kong inabot sa kanya ang pera at kukunin ko na rin sana ang coke nang mabilis niya itong inilayo sabay hawak niya sa isang kamay ko. Biglang nag-init ang pisngi ko nang makita kong ngumisi pa siya sa akin. Hinila ko ang aking kamay pero mahigpit niya itong hinawakan kung kaya't nakipaghilaan na rin ako sa kanya. Pero wala yata siyang balak na bitawan ang kamay ko kaya hindi na ako nakatiis pa at sinita ko na siya. "Hoy! Ano ba?!" pasigaw kong tanong sa kanya. Pero lalo lamang niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko dahilan na kabahan ako. "Sisigaw ako!" banta kong sabi sa kanya. Mukhang effective naman dahil niluwagan na niya na ito hanggang sa binitawan niya na nga ito. Tinignan ko siya ng masama pero ang bruhong 'to, seryoso lang nakatingin sa akin. "Ano bang problema mo?!" galit kong singhal sa kanya at pilit na pinapalakas ang aking loob. Kahit ang totoo ay takot na takot na talaga ako. "S-Sorry, Bella. I didn't mean to hurt you.." hingi niyang paumanhin sa akin na halatang nagsisisi sa kanyang ginawa. Kaagad niyang binigay sa akin ang softdrinks at pagkatapos ay walang sabi itong pumasok ulit siya sa loob. "Anong problema ng lalaking 'yon? Siya pa talaga ang may ganang magalit? E, 'di wow!" nakasimangot kong bulong sa sarili. Umuwi na kaagad ako dala ang softdrinks ni Mama. Malalako ang aking mga hakbang dahil pakiramdam ko ay nakasunod pa rin siya ng tingin sa akin. O, kaya ay masyado lang akong praning sa nangyari kanina. Pumasok agad ako sa bahay at nilagay sa mesa ang biniling soft drinks. Nakita kong nakatingin si Mama sa akin na parang may gustong sabihin pero hindi na natuloy dahil agad akong pumasok sa aking kwarto para magkulong, dahil sa lalaking iyon. "Ano bang problema ng lalaking 'yon?" mahina kong bulong. Napaisip ako sa nangyari kanina at hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako. Sa totoo lang hindi ako mapalagay sa lalaking 'yon. Lalo na sa mga titig niya. Pakiramdam ko kasi may gagawin siyang hindi maganda laban sa akin. Ngunit bigla kong naalala ang itsura niya kanina. Para kasing galit siya sa kanyang sarili. "Ay hindi! Baka nagkamali lang ako ng tingin. Namamalikmata lang siguro ako. Bahala nga siya sa buhay niya! Bakit ko pa siya inaalala? Lakompake sa kanya!" Inis akong humiga sa kama. Maya-maya ay nakaramdam ako ng antok kaya naisipan kong umidlip l muna. Sa tingin ko naman wala na sigurong i-uutos sa akin si Mama ngayon dahil tanghali na rin naman. Kaagad akong pumikit dahil panay hikab na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD