C3- Gavin

1724 Words
"Tao po? Tao po! Pabili po ng shampoo!" Narinig kong tawag ng boses babae sa labas. Pakiramdam ko parang ang ganda ng babae dahil sa malamyos na boses nito. Gusto ko sanang labasin at alamin kung ano ang bibilhin niya pero naunahan ako ng pinsan kong si Darwin. "Hi, Bella! May bibilhin ka ba?" narinig ko pang tanong ng pinsan ko sa babae na nagngangalang Bella. Pati ang pangalan niya ay napakaganda rin. Parang bagay na bagay sa boses niya kaya lalo akong na-curious na makita ang babae. Lalo na ang mukha nito, bigla akong na-excite kung maganda rin ba ito. Hindi ko alam kung bakit? Pero bigla na lang naging abnormal ang t***k ng puso ko ngayon nang hindi ko maintindihan. Sa dinami-dami kong narinig na boses, ngayon lang ito nangyari. At sa babaeng hindi ko pa nakikita ang kanyang mukha. F*ck! Of all places, dito pa talaga sa Pilipinas at sa lugar kung saan ngayon ko lang napuntahan. Tumayo kaagad ako at sumandal sa gilid ng pintuan. And there she is! Finally, nakita ko rin ang babaeng nagngangalang Bella. Natulala ako bigla sa kanya. Napako ang tingin ko sa kanyang mukha. Wow! manghang bulalas ko sa isip. Natameme ako sa kagandahan niya at halis walang kurap ko siyang tinitigan. You will be mine..soon. biglang sabi ko sa aking sarili. D*mn! Napakaganda niya! Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. Lalo na ang mukha niya na parang mala-anghel sa ganda. At ang malupit, ang dimple niya sa magkabilang pisngi. Sh*t! Biglang sumikdo ang puso ko. Hindi kaya anghel siya na nagbabalat-kayo? Bumaba pa ang tingin ko sa kanyang labi at tinutukan ito. Pakiramdam ko para akong namamagnet doon na gusto kong kuyumusin ito ng halik. Biglang nag-init ang pakiramdam ko sa pang-eye raping ko sa babae. But, what should I do? Iyon ang nasa isip ko ngayon. I want to kiss those lips and I want to feel it, now! Manyak na kung manyak! But, f*ck! Ang babaeng ito ay mabilis niyang pinapainit ang katawan ko nang wala pa siyang ginagawa sa akin. D*mn it! Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili kung bakit hindi ko kayang alisin ang tingin ko sa babaeng ito. Nakita kong tumingin din siya sa akin na lalong bumibilis ang pintig ng puso ko. F*ck! Am I falling? Oh, no! Hindi pwede! Imposible! Napaka-imposible talaga kapag nainlove agad ako sa babaeng 'to. Hoy, heart! Huwag kang ganyan! Papasok lang ako sa butas pero hindi ka kasama! kastigo ko sa sarili. Pero wait! Tama ba ang nakikita ko sa kanyang mga mata? Parang natatakot siya sa akin. Natakot ko ba siya? What the f*ck! Paano pa ako magpakilala sa kanya? Paano pa ako lalapit sa kanya kung umpisa pa lang ay takot na siya sa akin? Takte 'yan! Hanggang sa umalis na nga ito pagkatapos maibigay ni Darwin ang binili nito. Agad akong bumalik sa sofa kung saan ako nakaupo kanina. Pero hindi ko maalis sa isipan ang mukha ng babae. Kaya muli kong inisip ang nangyari kani-kanina lang. "Gavin, sasama ka ba sa amin?" tanong sa akin ni Tita Marie kaya biglang naputol ang malalim kong pag-iisip kay Bella dahil sa tanong na 'yon ni Tita. "Saan po kayo pupunta, 'ta?" balik tanong ko sa kanya. "Mag-go-grocery lang kami ni Darwin." "Ah, gano'n po ba? Hindi na po, Tita. Ako na lang muna maiiwan dito sa tindahan. At ako na lang po ang magbabantay rito at baka may bibili, wala pong tatao." Palusot ko kay tita. Ang totoo ay gusto kong maiwan at baka babalik muli si Bella para bumili. Gusto ko, ako mismo ang makikita niya at mag-aabot ng bibilhin niya. Hindi ko maiwasan ang ngumiti sa isiping 'yon. "O, sige. Sabi mo, e." nakangiting tugon sa akin ni Tita bago siya lumabas ng bahay. Ngumiti rin ako sa kanya pero sa gilid ng mata ko, nakikita ko si Darwin na ngumisi. Para bang alam niya kung ano ang nasa isip ko. "What?" asik ko sa kanya. Pero ang loko tumawa lang nang malakas. Naisip ko na baka nakita niya ako kanina na nakatitig kay Bella. Kaya tinaliman ko siya nang tingin para i-distract siya bago ako bumaling sa ibang direksyon para hindi halatang guilty ako. "You like her?" Gulat akong napatingin sa kanya muli dahil sa diretso niyang tanong sa akin. Paano niya nalaman ang nasa isip ko? Ano siya manghuhula? Hindi ko akalain na ganito pala kalakas ang radar ng pinsan ko. Well, playboy nga naman! Nalalaman rin kapag kapwa playboy. "May boyfriend na siya..." nakangising bulong niya sa akin bago sumunod kay Tita. Natulala ako sa sinabi niya. Parang bigla akong nainis nang marinig ko iyon. Parang hindi ko kayang tanggapin na may boyfriend na si Bella at hindi ako 'yon! "No. No. No!" sigaw ko sa aking isip. "I will make her mine! Kahit anong mangyari, magiging akin siya! Mark my word." seryoso kong bulong sa sarili. Hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil bigla na lang nag-init ang ulo ko nang malaman iyon. Hindi ko matanggap na may nagmamay-ari na sa kanya. Gusto ko akin lang siya! Ako lang dapat ang magmamay-ari sa kanya. Ako lang at wala nang iba. Magiging akin ka rin Bella. Gagawin ko ang lahat para maagaw ka sa boyfriend mo. Pangako ko sa sarili. Habang nag-iisip ako sa may sala may narinig akong pamilyar na boses na tumatawag. Napangiti ako dahil ang pamilyar na boses na 'yon ay siyang nilalaman ng isipan ko ngayon. "Tao po! Pabili po ng soft drinks!" malakas niyang sigaw sa labas na siyang nagpapabilis naman ng t***k ng puso ko. Bigla akong na-excite na makita siya. F*ck! Na-love at sight ba talaga ako sa kanya? Tsk! Yari ka ngayon, Gavin! Mukhang katapusan na ng pagiging babaero mo. kastigo ko sa aking sarili. Tumikhim muna ako bago lumabas at hinarap si Bella. Nagmamadali akong lumabas para tanungin kung ano ang bibilhin niya ngunit napahinto ako nang makita ko na naman siyang nakatulala pagkakita sa akin. Lalo na sa katawan ko. Kaya agad akong napatingin sa aking sarili at gano'n na lang ang pagdilat ko nang wala pala akong suot na damit pang-itaas. Pero hindi ako nahiya, bagkus ngumiti pa ako nang nakakaloko. Pwes! Makikita niya ang ka-machohan ko. pilyo kong sambit sa aking isip. Tumingin ako sa kanya at napangiti ako nang halos hindi na siya makapagsalita dahil busy ang kanyang mata sa pang-eye raping sa akin. Kaya naisip kong pukawin ang diwa niya at baka masyado na akong naabuso sa isip niya. Which is, ikinatutuwa ko naman dahil nakakita ako ng pagkakataon na magugustuhan niya rin ako. "Are you done checking on me? Pasado na ba ako sa 'yo?" ngisi kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko bumigat ang aking paghinga dahil kitang-kita ko siya kung paano niya titigan ang likod ko. Nag-iinit agad ang katawan ko sa ginawa niyang pagtitig sa akin. Damn! This woman is making me pervert! Parang gusto ko siya hablutin at ikulong sa mga bisig ko. Gusto kong tikman ang mapupulang labi niya. But, I can't do that. Dahil gusto ko, maging gentleman sa paningin niya. At baka lalayuan niya pa ako kapag padalus-dalo ako sa pakikipaglapit sa kanya. Lalo pa't may boyfriend na pala siya ngayon. Nagulat ako nang bigla na lang siyang umalis basta-basta at hindi niya kinuha ang binili niyang soft drinks. What happened? May mali ba akong ginawa? sa isip-isip ko. Gusto ko siyang habulin pero di ko alam kung saan ang bahay niya. Kaya hinayaan ko na lang muna siya at baka maisip niyang hindi niya dala ang soft drinks niya. Ilang segundo na lumipas pakiramdam ko parang hindi na humuhupa ang init na ginising ni Bella sa akin. Kaya mabilis akong pumunta ng banyo para maligo dahil para na akong lalagnatin sa init na nararamdaman ko ngayon. At kasalanan ito ni Bella dahil sa lihim niyang panghahalay sa akin na gustong-gusto ko naman. Damn it, Gavin! Simpleng tingin pa lang 'yon. Ano pa kaya kapag natikman mo na siya! Baka mabaliw ka na kapag hindi mo uulit-ulitin. Pagkatapos kong maligo kaagad akong nag-bihis. Ngunit hindi ko pa tuluyang naisuot ang aking damit ay narinig ko na naman ang boses ni Bella, honey ko. Yeah. Starting today, I will call her honey. Iyan ang gusto kong itawag na endearment sa kanya. At bagay na bagay rin naman sa kanya iyon dahil 'yon agad ang naisip ko. Halos magkumahog na ako sa pagsuot ng damit para lang harapin muli siya. "Teka nga! Bakit ba pagdating sa babaeng ito natataranta ako? Ano ba ang ginagawa nito sa akin? Dapat siya ang natataranta sa akin at hindi ako. Parang baliktad yata? Bwesit!" asar kong bulong sa sarili nang hindi masuot nang tama ang damit. Relax, Gavin! Ikalma mo ang libido mo, pwede?! Huwag pahalatang excited! Hindi naman siya naiiba sa mga babaeng dumaan sa 'yo! pangaral ko sa aking sarili. Nang humupa ang sarili ko ay agad akong lumabas nang maisuot ko na ang maong na pants ko. Ni hindi pa nga ako nakapag-suot ng damit pang- itaas. Pero wala na akong pakialam kung iisipin niyang matipid ako sa damit. I want to seduce her anyway, with my perfect body of course. Nang lumabas muli ako ay nahuli ko na naman si Bella na nakatulala na naman sa akin. Sh*t! Parang gusto ko na talaga siyang ipasok sa loob ng bahay para ikulong at papakin. Kaya hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na hawakan ang kanyang kamay nang abutin niya ang softdrinks sa akin. Ngunit hinila niya ang kanyang kamay kaya hinigpitan ko pa lalo ang paghawak dito. Tuwang-tuwa ako nang mahawakan ko ang malambot niyang kamay at bahagya itong pisilin. Ngunit natigilan ako at agad natauhan nang bigla niya akong singhalan. Napahiya ako bigla sa aking ginawa. Dahan-dahan ko itong binitawan at tumingin sa kanya. Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata kaya humingi ako ng pasensya sa kanya at agad kong binigay ang softdrinks sa kanya nang maayos bago ako bumalik sa loob. Galit na galit ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung bakit ko ginawa sa kanya 'yon. Sana hindi siya magalit at matakot sa akin. F*ck! Hindi ko yata kaya kong ayaw niya akong pansinin kapag makikipag-kilala na ako sa kanya. Hindi ko pa nga nasabi ang pangalan ko bad impression na agad ako sa kanya. Damn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD