"Mahal!" Narinig kong malakas na tawag sa akin ni Gavin pero hindi ako lumingon at binilisan ko pa lalo ang paglalakad. Diri-diretso lang ang lakad ko papunta sa nakaparadang kotse namin. "Mang, tayo na po.." utos ko sa aming driver at mabilis na pumasok sa loob. Nagtataka man dahil sa nakikitang itsura ko, sumunod pa rin siya at pinaandar rin kaagad ang kotse. Sa loob, hindi ko na mapigilan na umiyak nang tahimik dahil sa natuklasan ko kay Gavin. Hindi ako makapaniwala sa lahat-lahat. Ang sakit- sakit sa dibdib. Akala ko ay tapos na ang lahat ng unos sa amin. Akala ko ay going strong na talaga kami. Pero hindi pa pala dahil mas matinding problema pa pala ang naghihintay sa amin. At ngayon pa talaga kung kailan wedding anniversary namin. Ano ba ito, nanadya talaga? Bakit hindi noong na

