"I love you so much, Mahal. Hindi ako makakapayag na maghiwalay uli tayo. Hinding-hindi dahil ikaw lang ang nag-iisang asawa ko. Ikaw lang at wala nang iba, okay? Tandaan mo 'yan," paulit-ulit niyang paalala sa akin na para bang iyon ang paraan niya upang matigil ako sa pag-iyak. Pero lalo lang akong humahagulgol dahil sa mga sinasabi niya. Sobrang sakit talaga sa dibdib dahil naging mas malinaw sa akin ang lahat. Ang pangalawang asawa niya lang talaga ako. Lahat na lang ay second choice ako at hindi kailanman maging una. Noong una ay si Rose na fiancè niya. Ngayon naman ay si Darlyn ang asawa niya. Ang unang pinakasalan at totoong asawa niya. Ang totoong Mrs. Smith niya. Ang legal wife niya. Tapos ngayon ay para niya akong inuuto kahit alam naman namin ang totoo. Oo, mahal niya ako pero

