"Himala! Ngayon ka lang yata nagtagal dito?" Marahas akong bumuga ng hangin kasabay ng pagdilat ko nang marinig ang parunggit na 'yon ni Jay. Hindi ako kumibo. Sa halip ay hinilot ko ang aking sentido at isa pang buntong hininga ang aking pinakawalan. "What was that for? Parang pasan mo na ang buong mundo kung makabuntong hinga ka!" natatawa naman na puna ni Harry sa akin. Katulad ni Jay, hindi ko rin siya pinansin. Tahimik pa rin ako dahil wala ako sa mood na makipagbiruan ngayon. Narito ako sa club para uminom lang upang maibsan ang mabigat sa aking dibdib. Tatlong araw na ang nakalipas nang mangyari ang panggugulo sa amin ni Darlyn. At magmula no'n, naging malamig na ang pakikitingo sa akin ni Bella. Nagbago na ang lahat. Parang naasiwa siya bigla sa akin simula nang malaman niya a

