"What is it, bro?" Magkasalubong pa ang mga kilay na tanong sa akin ni Justin nang lumingon ako sa kanya. Katulad ng dalawa, hindi pa rin ako kumibo. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang tungkol sa nakaraan namin ni Darlyn. Wala silang alam na ikinasal na ako dati. Dahil ang alam nila ay kay Rose lang ako kasal. Tanging si Darwin lang ang nakakaalam ng lahat ng pinaka-sekreto kong 'yon. Dahil si Darwin ang daan kung paano kami nagkakilala ni Darlyn. Girlfriend kasi ng pinsan ko ang ang kaibigan ni Darlyn na si Monique. Nang minsang magkarera kami ay dumaan muna kami kina Monique at doon ko nakilala si Darlyn. Mabait at maalalahanin. Magmula noon ay naging kasama na ako ni Darwin tuwing bumibisita siya kay Monique. Pero tatlong buwan lang ay naghiwalay sina Darwin at Moniq

