At eto pa.
Matagal tagal ng nangyare to.
After 5 years...
may narinig ako ulit.
TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG!!!!!!!
Ang puso ko? Parang ngayon ko lang ulit narinig na tumibok ng ganito? Ano bang meron ngayong gabe? Ano bang nangyayare? Nababaliw na ba ko? Mamamatay na ba ko sa heart attack?
At sino ba tong babaeng papalapit sakin?
----------------------------------------------------
LANCE POV
"HOY! HOY! HOY! HOY! HOY!" BOOOOGSH!
"Aray! Shet sinong bumatok sakin? Ang sakit ah!"
"Hoy! para kang tanga! Kanina ka pa namin kausap di ka sumasagot! Kung di ka pa babatukan di ka magsasalita? Asan na ba ang dila mo ha? Amnesia lang? Wala ka ng alam na salita? Umayos ka nga! "
Hay naku! Si Lara pala yun. Aish nakakainis. Nagdadaydream yung tao eh! Ay wait! Yung kanina? Nanaginip lang ba talaga ako o totoo yun? Bigla akong natauhan. Tapos may narinig nalang akong tumatawa ng pigil at mahina. Ang cute! Pagkita ko SIYA! SIYA YUN! Siya nga! So totoo yung kanina!
BOOGSH!
"Aray! Nakakarame ka na ah! Ano bang problema mo? Magkakabukol na ko sa kakabatok mo eh!"
"Baliw! Nagsasalita ka lang kasi pag binabatukan! Bakit kanina ka pa nakatingin kay Patricia? Ngayon ka lang nakakakita ng tao?" epal moment ni Lara. Ha? Sino daw? Patricia?
"Ha? Sinong Patricia?"
"Ay baliw na nga bingi pa! Kanina ko pa sya pinapakilala sayo ni hindi mo man lang naregister ang pangalan niya? Ayan sa dame ng nagsascan na pangalan ng mga babae dyan sa utak mo di ka na nakakaalala ng pangalan." Tawanan sila ng tawanan. Ano ba to? Comedy Bar? Ako lang ang napagtripan?
"Hay naku Lance! This is Patricia. My highschool friend. Malapit lang siya nakatira dito kaya nahila ko na. Nag-aaya kasi kanina kaya sabe ko sumama nalang dito. Patricia si Lance nga pala college friend ko" sabe ni Lara. Ngumiti naman si Patricia. Oh sh*t may tambol nanaman sa loob ng puso ko!
Back to reality Lance! Back to earth!
"Hi Patricia. I'm Lance! Enjoy ka lang! Buti nahila ka nito. San ka pala nakatira?"
BOOGSH!
"Hoy bakit tinatanong mo kagad san nakatira? Baliw ka talaga! HOY straight yan! Kaya magtigil tigil ka! Ngayon na nga lang kame nagkita ulit nyan baka di na ulit magpakita yan!"pambwibwiset ni Lara sakin. Nakakainis!
"Excuse me! Sabe mo kasi malapit lang siya nakatira diba? Kaya ako nagtatanong! Yang utak mo linis linisin mo rin kasi minsan! Masyadong marame na kasing ewan dyan! Malisyosa! Grabe ka!"
"Nakakatawa kayo!" Wow ang cute nyang tumawa. Ang cute din ng boses nya! Napansin ko nawawalan sya ng mata pag tumatawa! ang cute! Di naman ako mahilig sa mga chinita pero bakit sobrang cute na cute ako sa kanya.
Aish! Erase erase! Di pwede to!
"Hay naku Patricia! Hayaan mo nga yang si Lance. Puro kalokohan ang alam. Palibhasa walang lovelife!" bitter na sagot ni Lara.
"Hoy! Tama bang iannounce na wala akong lovelife? Tingnan mo nga yung mga tao tingin na ng tingin. Eh kung magpatawag na kaya ako ng press dito para iannounce mo pa sa buong Pilipinas o kaya sa buong mundo, upload pa natin sa Youtube! Grabe ka!"
"Eh totoo naman! Dame mo sinasabe. Magpainom ka nalang! Mag CR lang ako ikaw muna bahala kay Patricia!"
At ayun umalis na si Lara kasama ang girlfriend niya. Kailangan magkasama mag CR? Natrauma na kasi yan nung minsan na nagCR yung girlfriend niya biglang may nanghalik na babae sa CR. Akala ko nga magkakaron ng gulo dito sa bar. Naku wala pa naman mga bouncer dito. Buti nalang civil lang tong si Lara at nagpakasarcastic nalang dun sa girl with an I-don't-know face.
"Pat! Anong gusto mong drink? "
"Ha? Wag na. Mamaya na ko iinom. Mahina lang ako uminom baka malasing ako kagad."
"O sige. Basta pag gusto mo na uminom sabihin mo lang sakin. Buti pumunta ka ngayon. Dameng tao noh? Malapit na maging wild mga yan. Bakit ngayon lang kayo nagkita ulit ni Lara?"
"Ah kasi dapat lalabas kame nung iba naming highschool friends. Niyaya ko siya kasi kagagaling lang nya sa States diba. Eh sabe nya punta nalang daw ako dito. Eh malapit lang naman samin kaya pumunta ko. Dyan lang ako mga 2 streets away sa may parang subdivision ng mga condo."
"Ay ganun. Malapit ka lang pala eh! Bakit parang ngayon lang kita nakita dito? Wag mo sabihing first time mo dito?"
"Eh oo first time ko. Actually lagi ko tong nakikita. Nacucurious nga ko kasi laging maraming tao. Gusto ko talaga itry pero dahil laging puno di ko na nattry. Eh lagi akong nagmamadali so di ko nattry yung cafe. Rinig ko masarap daw ung food chaka ung kape. Buti nalang niyaya ako ni Lara kasi kaibigan daw niya ung may ari kaya di na namin kailangan pumila ng mahaba. "
"Ah. Oo marame kasi talagang tao dito lalo na pag weekend. Chaka cute din kasi may-ari nito kaya ang dameng pumupunta! Ngayon natry mo na, pwede ka na lagi dito. Kame bahala sayo. Lageng busy? San? Sa boyfriend o sa work?" pasimpleng fishing ko kung single ba ito.
"Sa work! Wala akong boyfriend noh! Ikaw ba? Sino ba may ari nito? Kilala mo rin ba?"
Ayun oh! Sobra lang ang ngiti ko! Parang ang gandang news na walang boyfriend! Ibig sabihin single! Let's party! DJ lakasan pa ang music! At parang tanga lang nabasa ata ng DJ ang utak ko dahil nilakasan nga ang music. So nung kakausapin ko na si Pat eh nilapit ko ung bibig ko sa tenga nya! Sh****t! Kinikilig ako! Ang lapit namin!
"Naku wala akong boyfriend! Di ako mahilig sa boys! Ano bang work mo?"
"So ano? Girlfriend? Nagwowork ako sa advertising agency sa Makati kaya laging busy. "
"Ah eh girlfriend? Wa---"
"HOY! Anong ibig sabihin nito? Bakit ang lapit nyo? Nag CR lang ako? Dapat pag naguusap ganyan ha? Dumadamoves ka ah! Wag mo isali to! Straight yan!" etong si Lara forever talagang panira ng moment.
"Hoy! Naguusap lang kame! Malakas ung music kaya wag ka nga malisyosa! Getting to know lang kame ng friend mo! Diba Pat!" sabay wink
Natawa nalang si Pat! Naku mukhang straight nga at hindi tumatalab ang charms ko! Haaaay! Heartbroken kagad?
"Sus! Style mo bulok! Anong igeget to know mo aber? Kala mo di kita kilala ah! Alam ko bituka mo boy! Wow at Pat pa ang tawag mo? Close kayo ha? Eh hindi naman Pat ang nickname nyan! Ley ang nickname nyan!"
"Kakaiba ka talaga!!! Eh sa gusto ko siyang tawaging Pat eh! Close na kame nag CR ka kasi. Gusto mo mag CR ka na hanggang mamaya para mas lalo pa kameng maging close! Diba Pat?"
"Ang kulit mo Lance. Uy Lara sino ba yung friend mo na may-ari dito sabe ni Lance cute daw? Andito ba ngayon?" sabe ni Pat. Habang tawang tawa ko. Bigla sama naman ng tingin sakin ni Lara! Alam na!
"Hay naku Ley! Wag ka nagpapaniwala dyan! Saksakan ng yabang at kapangitan yung may-ari nito noh! Walang puso! Walang emosyon! Di ko na papakilala sayo kasi baka masira lang ang gabi mo!"
Ayos to si Lara ah! Makapang lait grabe! Yabang? Asan? Di naman ah! Hmp! Close friends ko nga lang nakakaalam na ako ang may-ari nito eh. At ayoko talagang ipaalam na ako may-ari dahil baka puro libre lang ang mangyari.
AT PANGIT? Kelan nangyari yun? Sa cute kong to? Sa sexy kong to? Sa dame ng naghahabol sakin? Ay wait parang may yabang yun ah. Pero unte lang! Eh I'm just stating a fact you know?
Walang puso? Walang emosyon? Eto nanaman tayooooo. Kasalanan ko bang nakawin ang puso at pagmamahal ng isang taong hindi ko akalain na mawawala pala sakin.
Ayan nagsimula na ko sa drama. Napansin ata yun ni Lara kaya napatingin sya sakin ng sorry look. Ganyan kame nyan. Wagas mag asaran wagas mag bangayan. Pero pagdating sa panahon na kailangan namin ng makakaintindi samin, automatic yun. Parang wala na kameng dapat pagusapan. Isang tingin lang alam na. Kaya sobrang thankful ako sa friends ko eh!
"Uy enjoy lang kayo dito ah. Puntahan ko lang ung ibang friends ko. Pat, ano bang gusto mong drink oorder na kita?"
"Tequila nalang Lance. Thank you." sabay napakacute na ngiti.
Nawala kagad ang depressed mode ko! Good vibes ulit! At hard drinker pala to ah! Tequila! Wow lang! So sinenyasan ko ung bartender para sa tequila at agad naman etong binigay.
"Cheers for this night! " sigaw ko sa kanilang lahat.
Ayun nag cheers kameng lahat. Pati sila Natalie at ang kanyang blind date ay bigla nalang sumulpot para sa cheers. Siguro nagsayawan sila kanina kaya wala sila. Okay narin un atleast nakapagalone time kame ni Pat! Ay bawal to. Di pwede. Straight. Erase erase erase.
"So I guess, you like Patricia?" biglang sulpot ni Natalie sa gilid ko. Bigla syang semi-yakap sa bewang ko at ako naman dahil maliit sya ay inakbayan ko. Ganto lang kame nito. Medyo may pagkatouchy kasi tong si Natalie kaya lage kameng napagkakamalan. Eh ako naman sweet kaya ginagawa ko. Pero wala namang malisya sakin. PROMISE!
"Ha? Anong pinagsasabe mo? Ano ka ba. Straight nga daw diba sabe ni Lara! "
"Wow! Ang defensive naman ng sagot mo Lance! Straight? Eh ano ba ko dati bago mo nakilala? At kelan ka pa naging torpe ha? Dati wala kang pakelam kung straight man yan o bi. Kahit nga may boyfriend noon napapaconfuse mo eh! Tapos ngayon natitigilan ka? Woooo utot mo! Ano bang motto mo sa mga straight girls ha? Sige sabihin mo!"
"Straight girls are like noodles. Straight until wet. Baliw ka wag na natin pagusapan to! Dun ka na sa blind date mo!"
Hay naku talaga tong si Natalie. Di nakakalimutan ang motto ko. Pano ba naman kahit sinong sabihan ko ng ganyan noon lalagalpak sa kakatawa. Eh totoo naman ang sinasabe ko! Hindi yun joke!
Nagikot ikot ako sa bar hanggang sa nakita ko si Jam. Ayun si Cole may kasayaw ng lalaki. Oo my hot gay bestfriend. Macho pa yan sa iba at maraming nabibiktima. Hindi nila alam lalaki rin pala ang gusto. Si Jam naman may long time boyfriend sobrang love na love nila ang isa't isa. Hanga ako sa love story nila pang teleserye kaya sobrang boto ko sa boyfriend nya.
Etong si Jam biglang ngumiti sakin ng wagas at nagtaka naman ako ng bonggang bongga. Naalala ko si Pat, ano kaya magiging love story namin? Tapos bigla kong kinilig ng sobra! Tapos biglang may panira nanaman ng moment!
"Hoy! Baliw ka na? Totoo ba tong nakikita ko? Nakangiti ka ng ganyan? Ang tagal kong di nakita na ganyan ka ah? 5 years? Wow! Sino nakilala mo? Asan?" lilinga-lingang parang may hinahanap si Cole.
"Ha? Anong pinagsasabe mo? Masiyahin naman talaga akong tao diba? Lage naman akong nakangiti! Para kang baliw!"
"Hoy Krystalance! Ibang ngiti yan! Dati ang ngiti mo, ngiti lang. Ngayon umaabot sa mata mo! Kumikislap pa mata mo! Basta iba. Huling kita ko na ganyan ang ngiti mo nung magkasama pa kayo ni ---"
"HEP! HEP! HEP! Don't say bad words. Wala to noh! Wag ka ngang papansin! Lasing ka lang! Wala ka nanamang mata oh! Dame mo nainom noh?"
Tumawa nalang ng parang baliw tong si Jam. Tama nga ako lasing na. Pano ba naman ung singkit nyang mata eh halos naging linya na ngayon. Tiningnan ko kung ung pwesto kung asan sila Pat gusto ko syang tingnan sa malayo para di nya mahalata na nakatingin ako sa kanya. Dito nalang ako sa malayo.
Biglang nag-init ang mata ko sa nakita ko! Pano ba naman may nakita kong mga lalaki na nakapalibot sa kanya at parang gusto ng umalis ni Pat sa kinauupuan nya! ABA!!!! Hindi lang pala ko ang nakakakita sa kagandahan nya? Hay naku!
Di ko namalayan naglalakad na pala ko papunta sa pwesto ni Pat at bigla kong hinawakan ang bewang nya. Naramdaman ko bigla syang nanigas at nagulat. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng sobra! Ayun at ngumiti rin naman sya na parang sinasabeng Hay salamat.
Nagulat ung mga lalaki kaya bigla silang nagpakilala. Ako naman ngiti lang ang ginawa ko ng bigla kong binulungan si Pat.
"Okay ka lang ba dito? Asan sila Lara?"
"Sumayaw ata sila eh. Wala ko sa mood magsayaw kaya nagpaiwan ako dito. Pwede mo ba kong tulungan? Medyo naiilang na kasi ako sa kanila eh."
"O sige. Ako bahala."
Nakikipagusap samin ung mga lalake. Nagtatanong kung lage ba kameng nandito. Ako sumasagot lahat ng tanong nila habang nakahawak parin ako sa bewang ni Pat. Mukhang di naman sya naiilang sa pagkakahawak ko. Maya maya bigla nalang syang bumulong...
"Lance, can we go now? I'm really not comfortable here. Please."
Ngumiti nalang ako at sinabe ko nalang sa mga lalaki na we have to go. Nalungkot naman sila. Parang nalugi at natalo sa lotto. Epic faces boys! Nung paalis na kame, biglang hinawakan ako sa braso nung isang lalaki na parang pinipigilan ako. Tiningnan ko ung kamay niya at tiningnan siya.
"Hey! I hope to see you girls here again. What's your name and can I get your number?"
"Sure. Here's my number. I'm Sandra by the way. We have to go, sorry."
At ayun umalis na kame. I gave him my fake name and number. Of course alam ko ang strategy sa mga ganyang bagay. Ako pa?
Inalalayan ko si Pat habang papalabas kame ng bar.
"Pano ka uuwi? May dala ka bang car?"
"Yup. Dun ako nakapark o. Thank you nga pala kanina Lance ah. Medyo di kasi ako sanay. "
I saw her car. Isang red Hyundai Accent na nakapark sa malapit lang sa bar. Naisip ko.. Hmmm... Red car makes a girl even hotter! Damn!
"That's okay. Anytime you need me. Hatid na kita. Basta sa susunod na punta mo dito dapat alam mo na pano ihandle ang mga ganyang situations. Don't worry tuturuan kita."
"Naks! Expert! Sige Lance una na ko. Thanks again for tonight. I had fun. "
Tapos kiniss nya ko sa cheeks! Tapos feeling ko nag end of the world na parang may earth quake sa loob nanaman ng puso ko! Grabe! Feeling ko namumula ako ng sobra!
"Hoy Lance! Akala ko pa naman expert ka na! Isang halik lang pulang pula ka na! First time?"
"Ha? Baliw! O sige ingat ka! I'll see you next week? Same time? Same place?"
"Sure. I'll see you. Goodnight."
Umalis na sya. Wow. Tonight was the night. The night na nakapagpabago ng sarili ko.
Naconfuse ako. Hindi sa gender ah! Naconfuse ako sa sarili ko dahil ngayon ko lang naramdaman ulit to. Yung saya na parang di ko maexplain na gusto mong sumigaw. Tapos ung tumibok na ganto kabilis ang puso mo na feeling mo nagmarathon ka ng 15km. Tapos lalo na yung excitement na gusto mo na ulit hilain ang oras para mag next week na at makita mo sya ulit.
Ano ba tong nararamdaman ko? Natatakot ako. Can this be the start of something new?
--------------------------------------------------------