Haunted Dreams

1883 Words
"Hoy Lance! Akala ko pa naman expert ka na! Isang halik lang pulang pula ka na! First time?" "Ha? Baliw! O sige ingat ka! I'll see you next week? Same time? Same place?" "Sure. I'll see you. Goodnight." Umalis na sya. Wow. Tonight was the night. The night na nakapagpabago ng sarili ko. Naconfuse ako. Hindi sa gender ah! Naconfuse ako sa sarili ko dahil ngayon ko lang naramdaman ulit to. Yung saya na parang di ko maexplain na gusto mong sumigaw. Tapos ung tumibok na ganto kabilis ang puso mo na feeling mo nagmarathon ka ng 15km. Tapos lalo na yung excitement na gusto mo na ulit hilain ang oras para mag next week na at makita mo sya ulit. Ano ba tong nararamdaman ko? Natatakot ako. Can this be the start of something new? -------------------------------------------------------- LANCE POV Naghihintay ako sa isang coffee shop na lage naming tinatambayan. This is what we always do. Spending hours of our time sa coffee shop na walang ibang gagawin kundi magkwentuhan at magasaran. Di ko alam bakit hindi kame nauubusan ng pagkkwentuhan at walang katapusang asaran. Every moment seems never ending. Hindi nabubuo ang araw ko ng wala kameng happy moments. Maya maya lang... Andyan na siya. Tuwing nakikita ko siya feeling ko laging first time ko siyang nakikita. She really takes my breath away and my heart skips a beat everytime she smiles when she sees me.  "Hi baby! Sorry late. Kanina ka pa?"  "Hi baby. That's okay, sanay na ko lage kang late. Nawawala naman ang pagkainip ko kasi sulit pag nakikita na kita. I miss you!"  "Baby ah! Chumicheesy ka nanaman! Lulubog na ang araw bumabanat ka pa. "  "Nope. Just saying the truth. Order na ko ng coffee just stay here. "  Tumayo na ko at nagkiss sa lips ng baby ko. Everytime I kiss her parang feeling ko first time parati. Andun parin ung kilig. Pumasok na ko sa coffee shop at umorder ng favorite coffee at cake ng baby ko. Pag balik ko, ayun na she's creating doodles nanaman sa paper. Umupo na ko. "Here's one iced caramel coffee and oreo cheesecake for my one and only. " Sabay ngiti ng wagas. "Thank you baby. I love you." Then kiniss nya ko. Tahimik lang kame. Tuloy lang sya sa ginagawa nya. I was just watching her. Staring at her smiling. The silence that we have around us is very comforting parang di na namin kailangan mag usap ng mag usap pero alam naming andyan ang isat isa. I grabbed a tissue at kinuha ang ballpen ko sa bag. Bigla akong nagsulat. Nilagay ko yung tissue sa taas ng paper na ginagamit nya.  "Will you still love me when you wake up in the morning? "  Yan ang nakalagay sa tissue. Hindi sya tumingin sakin pero kitang kita ko yung ngiti niya habang nakayuko siya at nagsusulat. Pagtingin ko nagsusulat pala sya dun sa tissue na nilagay ko. Tapos bigla nyang binigay sakin ung tissue at tumingin sakin habang nakangiti. Magkatitigan lang kame nang bigla niya kong kurutin sa gilid para lang tingnan ko ang sinulat nya. Pag tingin ko sa tissue, sobrang saya ko. Sobrang kilig. Sobrang gusto kong umiyak. Sobra sobra kong nararamdaman ung pagmamahal ko sa kanya.  Everyday. Yan ang sagot nya. Everyday. Everyday. Everyday. TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT Biglang buka ng mga mata ko sa gulat. Napanaginipan ko nanaman to. Ang bigat nanaman sa dibdib. I hate waking up in the morning. I'm not a morning person kasi. Hindi ako yung tao na mapapangiti mo sa umaga because I'm always haunted by that question everyday, will you still love me when you wake up in the morning? Narealize ko nagriring pala ang phone ko. Agad ko tong sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. "Yes? " Sabe ko naman sa inyo I'm not a morning person "Good morning Ms. Vergara. It's time for you to wake up. You have a lunch meeting with our client at Tagaytay."  "Okay. Thank you."  "Should I call again after 5 minutes Ms. Vergara? " "No. I'm getting up. Thank you Denise. Please email me the presentation for the new products so that I can review the details before going to the meeting."  End call. That's my loyal secretary sa office. Hindi naman kasama sa job description niya ang pag gising sakin tuwing umaga. Pero dahil hindi talaga ko madaling magising sa umaga, I personally asked her to be my morning call when I hired her. Wala naman daw problema sa kanya un. Makakatulong din naman daw kasi sa trabaho yun. We're actually friends pag sa labas ng office. Matagal ko na rin kasi siyang secretary. Two years na kaya medyo hindi na mahirap sa kanya to. Sanay na siya na minsan pag ginigising ako sisigawan ko siya or matatapos nalang ang call dahil binato ko na ang phone ko. Wala na yun sa kanya.  Pumasok na ko sa banyo at in-on ang speakers ng iPod. Pampa good vibes lang sa umaga. After ko magshower, di ko maisip anong susuotin ko. This meeting is not that formal naman gusto ko rin medyo comfortable ako. Kaya kumuha ako ng blue checkered polo tapos white pants and coat. Okay na to. Formal and casual.   Sunday pero work day. I drove fast to Tagaytay. Mineet ko ang bago naming client to present the new products that we have. Sandali lang naman ang meeting dahil kailangan din niya umalis for a flight to Japan. We sealed the deal. Our client has a new office in Ortigas at gusto niya na lahat ng computers sa building nila ay kami ang magprovide. We shook our hands then we both head out the door. Nilanghap ko ang preskong hangin ng Tagaytay. This place is very memorable. Dati every month andito ko to spend time with someone para lang may alone time kame at hindi namin napapabayaan ang relationship namin. Pero mukhang baliktad ang naging resulta. Erase bad vibes. Checked on my phone for messages. Tiningnan ko lang. Puro aya lang ang friends ko para lumabas. Pero hindi ako nagreply kahit kanino. Sunday is my alone time. Eto lang ang araw kung saan makakapagpahinga at mapagiisa ako bago maging busy ang week. Parang gusto kong gumala ngayon. Naalala ko si Pat. Ay tanga ko! Hindi ko nakuha ang number nya! Sa lahat ba naman ng pagkakataon Lance!!! Yun pa ang nakalimutan mo! Tanga! Tanga! Tanga! Dahil sa inis ko sa katangahan ko, sa panaginip ko kaninang umaga, at nagflashback na emotions sa Tagaytay nagdrive ako ng mabilis pabalik ng Manila at deretso sa gym. Nagbihis ako just wearing my shorts and sports bra. Sinuot ko ang gloves ko at ayun nilabas ko lahat ng nararamdaman ko sa punching bag. Wala kong ibang nakikita sa gitna ng punching bag kundi ang word na EVERYDAY kaya naman walang tigil sa lakas ang mga suntok at sipa ko. Bigla nalang.... "So tell me, kaninong mukha ang nakikita mo sa punching bag at parang gusto mo na paliparin sa lakas ng mga suntok at sipa mo? Baka mabilhan mo ng bagong punching bag tong gym. Chill ka lang babe. " Ngumiti sya sakin. Eyeing me from head to foot hanggang sa natigil sya sa tyan ko. Inaamin ko may abs ako. Pinaghirapan ko to for 5 years kakawork out and I'm damn proud!  Pag kita ko si Alex pala. Close friends kame pero babe ang tawagan namin. Kasi siya ang laging sumusulpot pag gusto ko ng iwasan ang isang babae. Magpapanggap siyang girlfriend ko. Ang mean ba namin? May boyfriend tong si Alex pero lage siyang niloloko, martyr ang friend ko eh. Mahal daw niya kaya ayaw niyang iwan. "Hi babe! just practicing. Medyo nangangalawang na ko eh. Hoy! Wag mo ko pag nasaan. Laway mo nasa sahig na! Mag mop ka oh! Puro laway mo na yung floor. "  "Baliw! Bakit kasi kailangan ganyan suot mo? Sino bang hindi mapapatingin sa 6-pack mo na abs ha? Nakakaturn-on kaya! Pwede bang pahawak babe?"  " Hoy! No touch, just look! Namiss kita ah. Kamusta naman ang boyfriend mo? Baka gusto nyang mag apply na replacement ng punching bag dito. Baka mag everyday pa ko dito."  "Baliw. Ewan ko. Nagbabago na daw sya. Pero di ko alam ang lakas parin ng kutob ko. Alam mo yun parang di ko alam eh. Lage syang walang gana. Lage nalang busy. Lageng may excuse. Lance, alam mo bang kulang nalang itapon ko yung sarili ko sa kanya. We haven't had s*x in 3 months! "  Biglang umupo si Alex sa bench. Palm on her face. Naku mukhang iiyak na ata. Tinabihan ko siya at inakbayan. Agad naman siyang yumakap sakin. "Lance, ano bang kulang? Ano bang wala ako at hinahanap hanap nya sa iba? Hindi ba ko maganda? Kailangan ko pa bang magpasexy? Masama ba ko? Ano bang kailangan kong baguhin sa sarili ko para ako lang ang mahalin niya?" Umiiyak na sya sakin. "Babe, wala namang kulang eh. Sobra ka pa nga. Don't you ever think of changing yourself. Ikaw yan, you don't have to pretend to be someone else para lang mahalin ka o pansinin ka. Kung mahal ka niya, kahit sino ka pa o ano ka pa, mamahalin ka niya. Bulag lang ata yang boyfriend mo at hindi nya nakikita. Painumin mo kasi ng vitamins para luminaw ang mata." Natawa naman sya bigla.  "Ano ka ba naman babe! Panira ka ng moment eh! Feel na feel ko na ung pagkabest actress ko at pag chansing ko sayo bigla kang hihirit ng ganyan. Kainis ka."  "Wow makachansing wagas ah! Sige grab your opportunity wag na uulit. Stop crying. Cry for someone who's worth your tears. Baka maubos, wala ka ng maiyak. Sige ka magaya ka sakin." "Hindi ako magiging gaya mo na kahit anong nakakaiyak na moment ay kahit man lang magtubig yang mata mo hindi magawa. May El Nino ata dyan sa mata mo or may lock ata yang tear duct mo at hindi ka makaiyak iyak! Tell me, wala ba talagang dumating after her? Para makita naman kitang mainlove at magkaron ng emosyon. Simula nung nakilala kita ganyan ka na kahard eh. " Nakilala ko kasi si Alex 4 years ago. Bestfriend sya ng isa sa mga kabarkada ko. Madali naman kasi sya makagaanan ng loob kaya nagclick kame kagad. Alam nya ang game ko pagdating dito. Alam nyang di ko kayang maging seryoso sa pagmamahal kaya nga siya ang laging nagkukunwaring girlfriend ko.  "Babe, I met someone and I don't know kung ano nangyayare sakin. There's something na hindi ko maexplain. After 5 years... ngayon lang ako nagkaganito."  "WHAT? KELAN? SINO? TELL ME! NOW!"  "Hoy chill! Excited lang? Walang bukas ha?"  "SHUT UP AND TELL ME!"  Ayun hindi ako tinigilan kaya kinwento ko na ang nangyare at naramdaman ko nung nakita ko si Pat. "OH EM GEE! This is something! She is different! I want to meet her! Did you talk to her after last night? I think she's the one babe! WAAH!"  "Ssssssssssssh Alex! No I did not. I was so stupid of not getting her number. Aish!"  "WHAT? YOU STUPID GIRL! Of all yun pa makakalimutan mo? Once in a lifetime na nga eh!Eto na yun eh! Sa mga babaeng kahit isang t***k man lang wala kang maramdaman kuha ka kagad ng number, eto pa nakalimutan mo!"  Isang malakas na batok ang binigay sakin ni Alex. Grrrrr! Ano ba to! Alam ko na nga ung katangahan ko eh ipapamukha pa! Haaay naku. "Oo na!!! Alam ko na nga eh! Wag mo na ipamukha."  "Pano na yan babe? Haaaay naman. Nakakainis ka. Kelan na kayo magkikita nyan?"  "Next week and the next time I see her, I'll make sure na hindi yun ang magiging last na magkikita kame."   ------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD