CHAPTER 4
Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito. Nakahilig siya sa sofa habang nakadantay ang mga paa sa coffee table. Hawak ang remote ng tv sa isang kamay habang pumipindot-pindot dito.
Naiintindihan ko naman kung anong gusto niyang gawin. Gusto niyang manood ng tv. Pero ang hindi ko gets ay kung bakit ilang oras na siya d’yan, at malapit na lamang akong matapos sa paglilinis ay hindi pa rin siya nakakahanap ng mapapanood? Hanggang ngayon, palipat-lipat pa rin siya ng channel!
Paminsan-minsan ko siyang sinisilip kaya alam kong bagot na bagot siya at naiinis na sa ginagawa. Magkasalubong ba naman ang mga kilay!
Umayos ako ng tayo at humarap sa kanya. Alam kong ramdam niya ang presensya ko sa kanyang tabi pero nanatili siyang nakatutok sa tv.
“Uh…” Huminga ako ng malalim. “Sir Jacob, ihahanda ko na po ang tanghalian niyo. May pagkain po ba kayong gustong kainin?”
Doon lamang siya nag angat ng tingin sa akin. Panandalian pa niyang ninakawan ng tingin ang mga kamay kong may hawak na basahan bago siya muling nag angat ng tingin sa akin at sumimangot.
“Nothing. I don’t want anything. Pwede ka nang magpahinga,” aniya pagkatapos ay nagbaba muli ng tingin sa tv.
“Hin…di na po ako magdadala ng pagkain niyo?” paniniguro ko.
Tamad siyang nag angat ulit ng tingin sa akin. “Hindi ka nakakaintindi ng english?”
“Nakakaintindi naman po pero konti lang.”
Inirapan niya ako.
“Ang sabi ko magpahinga ka na.”
Ngumuso ako. “Pag nagutom po kayo, tawagin niyo lang po ako. Sa garden lang po ako tatambay para mas mabilis niyo po akong mahanap.”
Hindi niya ako sinagot. Hindi na rin ako naghintay pa ng sagot niya. Feeling ko mainit na naman ang ulo niya kasi wala siyang mahanap na magandang palabas.
Imbis na magtungo sa garden ay nagtungo ako sa kusina upang ipaghanda siya ng tanghalian.
Naghanap lang ako sa pantry niya ng pwedeng lutuin. Nakatayo ako habang nakatulala sa mataas at malawak na pantry room.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inggit. Siya lang mag isa sa bahay niya na to na kung tutuusin ay dapat kwarto lang niya kasi konektado naman ‘to sa mansion nila. Hindi rin siya kumakain dito kasi madalas naman ay nasa mansion siya at pinapatawag ng Don at Donya para sa agahan at hapunan. Sa tanghalian naman ay kung nanaisin niyang doon kumain ay agad naman siyang pagsisilbihan ng mga katulong.
Kaya anong ginagawa ng malaking kwarto na ito rito na puro pagkain ang nakalagay? Samantalang kami ay halos di nga makapagpundo ng kahit konti man lang kasi laging kinakapos. Na kung hindi ako e-extra ng pagtitinda ng pinritong saging at ice candy sa paaralan ay hindi ko pa mabibilhan ng masarap na pansit ang mga kapatid ko.
Ganito nga talaga siguro ang buhay no? May mga taong ipinanganak para danasin ang ganito karangyang buhay. At may mga tulad kong kailangan pang magpakahirap para magkalaman ang tiyan. Tanong ko lang, bakit ganoon? Anong meron? Anong saysay? Para saan?
“What are you doing?”
Agad akong napapitlag nang narinig ang baritonong ‘yon. Mabilis kong nilingon at bahagyang nilayuan si Sir Jacob.
Pinagtaasan niya ako ng isang kilay.
“Uh…”
“Ano ba sabi ko?” aniya.
“S-sabi mo po ano…”
“Hindi ka marunong makinig? Or are you trying to steal my food?”
Mabilis akong umiling kasabay ng pagtaas ko ng mga kamay at iwinagayway ito. “H-hindi po. W-wala po akong planong magnakaw. Naghahanap lang po ako ng pwedeng lutuin.”
“Lutuin?”
Yumuko ako. “P-para po sana sa ‘yo po. Tanghalian niyo po.”
Pinaglingkis niya ang kanyang mga braso. “Ang sabi ko ‘di ba magpahinga ka na?”
“Pero kasi po baka magutom kayo. Iyon po kasi ang bilin sa akin ni Madam Evelyn… Na bawal po kayong malipasan ng gutom. Na lagi ko pong ipaalala sa inyo na kailangan niyo pong kumain sa tamang oras-”
“Tss.”
Natahimik ako sa naging reaksyon niya.
Sarkastiko siyang ngumiti. “You’re too obedient. I really don’t like you.”
Napayuko ako. Alam ko yon. Unang tapak ko pa lang sa mansion na ito ay ipinaramdam na niya ang pagkadisgusto niya sa akin.
“So, anong gagawin mo kapag hindi ako kumain?”
Muli akong nag angat ng tingin sa kanya. Kita ko kung paanong sumilay ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi.
“Isusumbong mo ‘ko sa mommy ko? And then what? Do you think na kung magpapabango ka nang magpapabango sa mommy ko ay magtatagal ka dito?” Sarkastiko siyang tumawa. “No, you’re not! Hindi ka magtatagal dito. Hanggang isang linggo ka lang. O baka nga bukas wala ka na.”
Humugot ako ng isang malalim na buntonghininga. “Hindi ko po maintindihan kung bakit ayaw na ayaw niyo po sa akin. Nandito lang naman po ako para magtrabaho, para kumita ng pera.”
“Hindi ko rin maintindihan kung bakit gustong-gusto ka ng mommy ko.”
“Sige po. Kung ayaw niyo ‘kong nandito. Bigyan niyo ako ng dahilan para mag resign ako.”
Saglit na nanalaytay ang gulat sa kanyang mga mata. Ilang sandali bago siya nag iwas ng tingin sa akin at tumikhim.
“Kung wala po kayong masagot ay mananatili ako dito hangga’t hindi ako pinapaalis ng mommy niyo.”
Tinalikuran ko siya. Kumuha ako ng isang lata ng luncheon meat sa pantry niya bago ko siya muling hinarap at nilagpasan.
“Ipagpiprito nalang kita,” saad ko habang binubuksan ang stove.
Hindi ko na siya muli pang nilingon. Dahil nong huli ko siyang napagmasdan ay umiigting ang panga niya at halata ang inis sa kanyang mukha. Mukhang pikon na pikon siya sa akin, hindi niya lang mawari kung paano ilabas ‘yong pikon na ‘yon.
Kasalukuyan akong naglalagay ng kanin sa mangkok nang naramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko.
Agad kong nabitawan ang mangkok at nahigit ang sarili kong hininga nang naramdaman ko ang braso niyang bumalot sa tiyan ko. Agad na gumawa ng ingay ang pagbagsak niyon.
“A-ano pong ginagawa niyo?”
Sinubukan kong lumayo pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa ‘kin.
“Hinihingan mo ‘ko ng rason kanina ‘di ba? Ito na ‘yon.”
“A-anong rason? Bitawan mo po ako, Sir Jacob.”
Nagsipagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Nakikiliti ako.
“You’re too beautiful. You’re too tempting. Pero bata ka pa. Worst, katulong lang namin.”
Kumunot ang noo ko sa tinuran niya. Mabilis kong naramdaman ang pagkainis.
“Ayaw kong nakikita ka dito dahil baka hindi ako makapagpigil. Magawan kita ng hindi maganda. I don’t like you here…”
Kung ayaw niya sa akin mas lalong ayaw ko sa kanya! Ang pangit ng ugali! Laitin ba naman ako sa pagiging katulong lang nila!
“Because you resemble so much of my next mistake.”