Kabanata 3 | Mapapaamo

1222 Words
“Anong balak mong gawin sa buong summer, Jacob? Balita ko kay Manang Conchita ay lagi ka raw nagkukulong sa bahay mo at umiinom. Don’t you wanna go out and have fun with your friends outside?” Kinagat ko ang labi ko habang nakayuko. Nasa gilid ako ng malawak na lamesa ng mga amo namin, katabi ko ay ang dalawang katulong at si Lola Conchita. Nag b-breakfast sila dito malapit sa swimming pool. Nakatoka akong mag refill ng juice sa mga baso nila. Hindi ko inaasahang maririnig namin pati panenermon ng Madam sa anak nitong si Sir Jacob. Ganito ba talaga ang mayayaman? Nanenermon sa mga anak kahit may ibang tao sa paligid nila? Niminsan kasi ay hindi ako nagawang pagalitan ng mga magulang ko sa harap ng ibang tao. “I see no reason to go outside, mom. Because if my friends wanted to go hangout with me, they’d rather want it to spend here in our mansion.” “Exactly my point, Jacob! Hindi ka na halos naaarawan! Hindi ka na nakikita ng mga tao. They barely know that you’re existing!” “Evelyn, hayaan mo na. Wala tayong magagawa kung ganyan ang anak natin. Mas mabuti na nga ‘yan kaysa naman sa nagbubulakbol siya sa labas. Ayaw mo no’n? Hindi sakit sa ulo ang mga anak natin.” “Ugh! Kaya hindi nakikinig sa akin ‘yang anak mo kasi kinokonsente mo.” Nakangiting umiling si Sir Jacob. “Don’t worry about me, mom. I’m doing fine.” “I know you are, but… Hindi ko lang maiwasang mag alala. You and your kuya were to inherit the farm. Paano magtitiwala ang mga tao sa inyo kung hindi nila kayo nakikita.” “Mom, bigay mo na kay kuya ‘yong farm. I wanna have a business of my own.” “Pwede ba ‘yon, Jacob? Para saan pa itong pagsisipag namin ng daddy mo kung wala ka rin naman palang gustong manahin?” “You already gave me enough, mom. Tsaka someday magiging engineer ako at magkakaroon ng sarili kong firm kaya aanhin ko ang farm mo?” “What? Ayaw mo ring magtrabaho sa kompanya ko?” sabat naman ni Don Elias. “Of course not. I don’t like working there, dad. Bigay mo ‘yon kay Dwayne. He’s very much obsessed with books so I’m sure he’ll be happy kung sa kanya mo ibibigay ‘yon.” “What? You don’t want to inherit it?” Umiling lang si Sir Jacob. Nag angat siya ng tingin sa akin na agad kong ikinagulat. Itinagilid niya ang ulo niya. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. “Juice.” “A-ah—” Kinagat ko ang labi ko at hindi na nagsalita. Nagsalin ako ng juice sa baso ni Sir Jacob. Mahigpit ang hawak ko sa pitsel dahil natatakot akong baka magkamali ako at matapunan ko pa siya. “I don’t have problems with everything na gusto mong gawin sa buhay mo, Jacob. If you want to be an engineer or have your own business, I’m fine with it. Just please lumabas ka lang. Enjoy yourself. I’m worried lang, anak. Nag aalala ako sa tuwing nalalaman ko o nakikita kong nagkukulong ka lang dito sa bahay at umiinom.” “Ngayon lang naman, mom. Dito ako masaya. But don’t worry, once nag aya sina Ewol, sasama agad ako.” “You promise me that, okay?” Pagkatapos nilang mag breakfast ay tahimik naming niligpit ang lamesa. Grabe pala ang mayayaman. Tatlo lang silang kumain pero ang dami naming hugasin. “Bakit mo naman naisipang tumigil sa pag aaral? Kung ako sa ‘yo, mas pipiliin kong mag aral kesa sa maging katulong dito.” Kasalukuyan kaming naghuhugas ng mga pinggan nina Dina at Ate Vicky; mga kasama kong katulong dito. Naikwento ko sa kanila ang tungkol sa pagtigil ko sa pag aaral para makapasok dito sa mansyon ng mga Ferrer. “Mas kailangan ko ng pera ngayon, kesa sa kaalaman. Manganganak na si nanay sa susunod na buwan. Makakahintay naman ‘yong pag aaral.” “Naku! Sayang ‘yong taon, Precilla,” si Ate Vicky. “Mas sayang ‘yong pera. Ang sabi ni nanay malaki daw magpasahod ang mga Ferrer.” “Naku! Malaki talaga. Kaya nga ako nagtagal dito, e,” si Dina. “Bakit? Ilang taon ka na ba dito? Magkaedad naman tayo ‘di ba?” tanong ko kay Dina. “Naku! Dito na ako pinanganak. Kaya ikaw kung gusto mong magtagal dito, maging mabait at masunurin ka.” “Talaga? Hindi ka nag aral?” tanong ko. “Syempre nag aaral. Si Donya Evelyn ang nagpapaaral sa akin. Pero no’ng nakaraang taon lang ay tumigil na din ako. Ang hirap pala kasing pagsabayin ang pag aaral at pagtatrabaho.” Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na lang sa ginagawang paghuhugas. Ilang minuto rin kami doon sa kusina bago natapos. No’ng palabas na ako, ay naabutan ko si Don Elias at Donya Evelyn sa pintuan. Niyayakap ng Donya ang Don na mukhang paalis na. Pupunta na siguro sa trabaho nito. Dahil malayo ay hindi ko marinig ang pinag uusapan nila. Pero kita ko sa mukha ng Donya ang paglalambing sa kanyang asawa. Ang Don naman ay nakangiti at halata mong aliw na aliw rito. “What are you doing?” Agad akong napalingon sa gilid ko nang may marinig na baritono. “S-sir…” “Wala ka na bang trabaho at ang panonood sa parents ko na lang ang inaatupag mo?” “N-napatingin lang po. Paalis na rin po ako.” Hindi ko alam kung bakit natatakot ako sa amo ko na ‘to. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit parang mainit ang dugo niya sa akin. Wala naman akong ginagawang masama! “Then?” “T-then? A-anong then?” “Then? What are you still doing here? Leave already!” bulyaw niya sabay turo sa kung saan. Aalis naman talaga ako. Bakit ba siya galit na galit? “O-opo.” “Jacob!” Dahil marahil sa malakas niyang boses kaya nakuha namin ang atensyon ng mommy niya. Nang lingunin ko ito ay naglalakad na ito palapit sa kinaroroonan namin. “Mom!” “Why are you shouting at Precilla?” tanong nito nang nakalapit. Bagaman marahan ay halatang iritado siyang pumikit. Marahas siyang bumuga ng hangin bago lumingon muli sa akin. Ngayon ay mas matalim na ang titig niya. “I hate seeing her around.” Bahagyang natawa si Donya Evelyn sa sinabi ni Sir Jacob. “Well, hijo… Ngayon pa lang sanayin mo na ang sarili mo dahil ipapa-assign ko si Precilla sa bahay mo.” “What?! You can’t do this to me, mom!” “Yes, I can. I don’t know why you’re making this girl a big deal. She looks nice naman. And according to her mother she’s a good daughter kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit parang aburido ka dyan!” Napapailing pang sambit ng Donya bago nag iwas ng tingin sa amin. “Manang!” tawag nito kay Manang Conchita sabay alis sa aming harapan. Nang nag angat ako ng tingin kay Sir Jacob ay naabutan ko itong kunot noo at matalim ang titig sa akin. Mainit nga yata talaga ang dugo niya sa akin. Pa’no ko kaya siya mapapaamo? Hmm…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD