“Ano ka ba, hijo! Ang aga-aga umiinom ka na naman!”
“Lola!” sabi nito na nilingon lang si Lola Conchita, ni hindi man lang nag abalang bumangon man lang. Kung sabagay, siya ang amo kaya bakit niya ‘yon gagawin?
“Bangon na! Wala ka bang ibang pwedeng gawin kung ‘di ang uminom? Kebata-bata mo pa, puro pagsusunog lang ng baga ang inaatupag mo!” saway ni lola dito habang pinagpapapalo ito.
“A-aray! Aray! Lola naman! Ngayon pa nga lang ako uminom!”
“Sa araw na ito dahil kahapon ay nakaubos ka na naman ng dalawang bote!”
“Maliit na nga lang ‘yon. Teka—” Agad siyang bumangon nang nakita ako. “Hindi mo naman sinabing may kasama ka pala!” reklamo niya pa at agad na kinuha ang puting tshirt na nakasampay sa sandalan ng sofa.
Nilingon na rin ako ni Lola Conchita. “Oo! Ipapakilala ko sana sa ‘yo itong bago nating katulong dito.”
Nagtagpo ang mga mata namin ng binata. Hindi ko alam kung bakit pero parang dinaluyan ng kuryente ang buo kong katawan.
“You’re a maid,” kaswal na sabi niya, pero ewan ko ba. Parang nahihimigan kong dismayado siya nang nalamang katulong lang nila ako.
“M-magandang araw po,” sabi ko at yumuko saglit. Nang muli akong nag angat ng tingin ay nakita kong nakakunot na ang noo niya at parang malulukot ang mukha.
“It doesn’t suit you,” sabi niya pa bago humarap kay lola. “I don’t like her. Bakit niyo tinanggap ‘yan dito?”
Mabilis na umawang ang labi ko dahil sa gulat. Unang araw ko pa lang, inayawan na ako?
“Jacob!” galit na saway ni Lola Conchita sa kanya.
“She’s too beautiful to be a maid. Paano ko aalipinin ‘yan?!”
“Ano?” si lola.
Kumunot ang noo ko. Kumunot rin ang noo niya. “I mean… I… I mean, hindi siya bagay maging maid dito. Wala bang iba? Lasing na yata ako. Maliligo na ako,” sabi nito at agad nang nagmadaling umakyat sa hagdan at padabog na sinara ang pinto ng kwarto nito.
Natatawang umiling na lang si Lola Conchita. “Like mother, like son. Pareho silang ayaw kang maging katulong dito.”
“Hindi po ba nila ako tatanggapin? Matatanggal na po ba agad ako kahit hindi pa ako nagsisimula sa trabaho?”
Mas lalong natawa si lola. “Huwag kang mag alala. Mababait ang mga amo nating ‘yan.”
“Mukhang ayaw po nila akong pagtrabahuin dito. Pero lola kailangan na kailangan ko po ng pera kasi manganganak na po si nanay sa susunod na buwan. Itong trabahong ito lang ang inaasahan kong makakatulong sa akin at sa pamilya ko.”
“Hindi ka matatanggal, hija. Halika na at iiikot kita sa isa pang bahay.”
Sumunod ako kay lola pero bago ako tuluyang lumabas ng bahay ni Sir Jacob ay lumingon pa ako upang tingnan ang kwarto niya sa taas pero agad na namilog ang mga mata ko nang nakitang nandoon siya at magkayakap ang mga braso habang seryosong nakatingin sa akin.
Pagkatapos naming maikot ang buong mansion ay nagsimula na ako sa trabaho. Una akong itinoka ni Lola Conchita sa pagdidilig ng mga bulaklak ni Donya Amelia. Mahilig daw kasi sa mga bulaklak ang donya kaya punong-puno ng bulaklak ang malawak nilang hardin.
Isang normal na araw lamang ito para sa lahat ng tao dito sa mansion pero pakiramdam ko ay may gaganaping selebrasyon dahil abalang-abala ang lahat.
Mula sa pwesto ko na nasa loob ng hardin ay halos hindi ko na makita ang mga tao sa labas dahil sa sobrang tatayog ng mga sunflower na nakapalibot sa akin. Kung gagawin ko ay pwede na akong magtago dito. At siguradong matatagalan ang kung sinuman na mahanap ako.
“Kaninong anak ka?”
Gulat akong napatingin sa likod at agad na naiharap sa kanya ang hose na hawak ko.
“s**t! BE CAREFUL!”
“Hala! Pasensya na po! Pasensya na!”
Natataranta kong hinagilap ang pampatay ng tubig pero hindi ko mahanap. Patuloy pa rin ito sa paglalabas ng maraming tubig.
“PATAYIN MO ‘YAN!”
Samantalang patuloy naman sa pagtakip si Sir Jacob sa mukha niya para hindi tamaan ng tubig na nanggagaling sa hose. Ilang beses kong pinapaikot-ikot ang kung ano para lang mapatay ang tubig pero ayaw talaga.
“ANO BA!”
Naiiyak na ako dahil mukhang galit na siya.
“THE HOSE!”
Padarag niyang inagaw sa akin ang hose at pinatay ito. Saka niya galit na itinapon sa gilid. Nakayuko ako at hindi makatingin sa kanya. Hindi lang dahil sobrang lapit niya sa akin kung ‘di dahil basang-basa siya at kita ko ang sunod-sunod na pagtaas-baba ng dibdib niya. Mukhang galit na galit siya.
“If you don’t know how to properly work in here. Might as well, tumigil ka na at umuwi ka na lang sa inyo. Hindi playground ang mansion na ito para dito ka maglaro.”
“P-pasensya na po. Hin—”
“Psh!”
“Pasensya na po talaga. Hindi na po mauulit.”
“Talagang hindi na dahil tanggal ka na sa trabaho. Hindi ka bagay dito,” sabi niya at tinalikuran ako. Nagsimula siyang maglakad palabas ng hardin pero agad akong tumakbo palapit sa kanya at pinigilan siya. Hinawakan ko ang dulo ng tshirt niyang suot. Kunot noo niya akong nilingon at hinarap.
“Pasensya na po talaga. Pero parang awa niyo na po, huwag niyo po akong tatanggalin sa trabaho. Buntis po ang nanay ko at manganganak na po siya sa susunod na buwan. Kailangan ko po ng pera pampa-ospital sa kanya at sa pangkain ng mga kapatid ko. Itong trabaho na lang po na ito ang inaasahan ko. Pangako po, aayusin ko po ang trabaho ko dito. Huwag niyo lang po akong tanggalin. Nagmamakaawa po ako.”
Nanahimik ako saglit, naghihintay ng sagot mula sa kanya. Pero lumipas na lamang ang ilang minuto at hindi pa rin siya nagsasalita kaya nag angat ako ng tingin sa kanya. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Kung kanina ay kunot na kunot ang noo niya, ngayon ay mas lalong kumunot.
Mas galit pa yata kumpara kanina.
“Fine! Just don’t let me see your damn face again, kid!” malamig ang boses at galit na sabi niya saka niya ako tuluyang iniwan sa hardin.
Napabuntonghininga ako ng malalim. Tama nga si nanay, mahirap ang trabaho dito sa mansion na ito. Hindi ko alam kung bakit ang init na agad ng dugo sa akin ng Jacob na ‘yon. Akala ko pa naman mabait siya kasi ‘yon ang sabi ni Lola Conchita pero hindi naman pala totoo.
Saka anong itinawag niya sa akin? Kid? Ha! Oo at katorse anyos pa ako pero hindi na bata ang katawan ko no! Napagkakamalan nga ako lagi na 18 years old dahil sa tangkad ko. Pero kung sabagay, mukhang nasa twenty plus na rin siya kaya malamang bata ang tingin niya sa ‘kin.
“Precilla! Anong ginawa mo kay Sir Jacob?!”
Muli akong napabuntonghininga nang nakitang palapit sa akin si Lola Conchita at punong-puno ng pag aalala ang mukha niya. Hindi ko lang alam kung kanino siya nag aalala, sa akin ba o kay Sir Jacob.