Natalia's POV
Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Kahit na medyo mabigat pa ang mga mata ko ay pilit ko pa rin na minulat ito at sumilip sa labas.
Umuulan nanaman.
Sinuot ko muna ang aking tsinelas bago lumabas ng kwarto at bumaba, only to find no one. Nasan ang mga tao rito?
"Sebastian! Manang?" Tawag ko pero wala namang sumasagot.
Dumiretso ako sa fridge at kumuha ng isang basong tubig. Sinara ko rin ito at may nakita akong isang dilaw na stick-note.
"My mom's house. 12pm. Napasarap yata tulog mo kaya hindi na kita ginising."
-S
Galing ito kay Sebastian. Sulat pa lang ay alam ko ng sakanya ito dahil maliliit ang mga letra. Napatawa ako dahil masyado yata ako nagiging ma-obserba sa mga maliliit na bagay.
Tumakbo ako sa banyo ng napansin ko kung anong oras na pala. 11 am.
"Sht!" Bulong ko sa sarili ko.
Mabilis akong naligo at nag-ayos, hindi manlang sakin sinabi ni Sebastian kung bakit niya ako pinapapunta sa bahay ng nanay niya. May okasyon ba? Wala naman itong nabanggit na okasyon.
Tumawag ako ng taxi at wala pang labing-limang minuto ay nakarating din ako sa mansion ng mga Cordova. Kanina ko pa tinatawagan si Sebastian sa telepono niya pero walang sumasagot. Hindi ko malaman kung low battery ba ito o nakapatay lang.
Walang tao sa labas ng mansion kasi umuulan kaya tumuloy na lang ako sa loob at Sinalubong naman ako ng mga katulong. Nagulat na lang ako ng makita na marami palang mga tao sa loob! Nanlamig ang pakiramdam ko dahil hindi yata ako para dito. Naka pantalon lang ako at puting t-shirt pero ang mga tao rito ay mga naka elegateng suot. Para bang may kung anong importanteng handaan.
Nanigas lang ako sa kinatatayuan ko at napatingin sa sahig. "Natalia!" Napatingin ako sa magandang matandang babae sa harap ko.
"Mrs. Cordova." Napangiti ako sa pag-salubong sa akin ng mama ni Sebastian pero hindi ko parin maiwasan na maramdaman ang pagka out of place. I don't belong here! Kahit kailan ay hindi ko naman kinahiya ang sarili ko. Fck! I'm Natalia Zamora! Kahit kailan hindi ko kinahiya ang sarili ko.
Inabot ko kay Mrs. Cordova ang isang box ng cupcakes na binili ko kanina habang papunta ako rito na dapat ay akin talaga.
"Ano- Ano pong okasyon?" Nahihiyang tanong ko.
"It's my 80th Birthday! Hindi nanaman sayo sinabi ni Sebastian?" Umiiling na natatawa ang matanda.
"Hayaan mo na yung batang yun, ang importante andito ka. I want you to meet the clan." Natatawang sabi niya at dinala niya ako sa isang mahabang mesa sa gitna ng kwarto. All of them were dressed elegantly.
"Everyone, meet Natalia Zamora, my son's friend." Ngiting sabi ni Mrs. Cordova pero nagwawala ang isipan ko. Nakakahiya ang suot ko! Ano nalang ang sasabihin nila sa akin?
"You look beautiful Nat!" Isang lalake sa gilid ng lamesa ang kumaway sa akin. Nahiya naman ako sa sinabi niya. Unang tingin pa lang ay alam ko nang mayaman ito. Who am I kidding? Kakilala yata ito ng mga Cordova.
"That's Xander Montenegro, beside him is Lander and his Wife Dianna Montenegro." Ningitian ko lang ang mga Montenegro pero lumaki ang aking mga mata ng naalala ko ang Montenegro. Parte sila ng-
"Natalia Zamora. Nice to meet you." Nawala ako sa aking isip ng Humalik sa aking pisngi ang isang matangkad na lalake pero agad naman siyang siniko ng katabi niyang babae.
"That's Gavin Buenavista and his wife Abigail Buenavista." Pakilala sa akin ni Mrs. Cordova. "Oh! You have to meet their youngest son! Nasaan nanaman ba si Gazrael, Gavin?" Tanong ni Mrs. Cordova
"Kalaro po yung panganay namin." Sagot ni Gavin.
Tumango si Mrs. Cordova at patuloy pa rin siya sa pag presenta sa akin sa mga kaibigan niya. Pero dalawang oras na ang nakalipas pero wala pa rin aking 'Sebastian' na nakikita.
"Excuse me, I need to go to the restroom." Nagpaalam ako at tumuloy agad sa banyo.
They are part of that clan.
Paulit-ulit ko itong sinabi sa isipan ko.
Cordovas are part of it. Isa sila sa mga makapangyarihan sa mundo.
Andoon din ang mga Montenegro. Ang mga Buenavista, Montereal, Montemayor, at kung sino-sino pa.
Sila ang mga nakikita kong madalas sa diyaryo. Madalas silang Artista kung hindi man ay isa itong Politician O Business owner.
Kakausapin ko nalang mamaya si Sebastian.
Lumabas na ako sa banyo at napangunot noo nalang ako ng nawala na ang mga tao sa Dining area. Nagpatuloy ako maglakad sa sala at hindi ako nabigo. Andito silang lahat.
Maraming tao ang nagbubulungan kaya kusa nalang ngumunot ang noo ko. Ano ang ngyayari dito?
Tumingkad ako ng bahagya para makita ang nagyayari pero agad rin akong natumba sa nakita ko. Tumingala ako sa taong tumulong sa akin pero nag-iwas tingin ako.
"Sa-salamat Montenegro."
"Call me Xander."
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Andito siya. Bumalik siya.
Buhay siya. Buhay si Patrick.
Sebastian was hugging him in the middle of the crowd. Tightly. Na para bang ayaw niya itong mawala ulit. Na gusto niyang ipaalam sa lahat kung sino ang mahal niya at kung anong klaseng tao siya.
Minahal ko rin naman siya. Kahit ano pa siya, mahal ko siya.
"I love you Patrick. Damn! Don't ever leave me again. Not again." At doon na kusang pumatak ang mga luha kong kanina ko pa iniiwasan.