Chapter 11

921 Words
Natalia's POV "You okay?" Tumingala ako only to find One of the Montenegros standing behind me. Pinapayungan niya ako at natawa ako ng mapait ng may maalala ako. This is exactly what happened between me and Sebastian. Naalala ko kung paano siya nagkasakit ng dahil sa ulan pero buti nalang at pinayungan ko siya agad noon. Pero iba ngayon. It was the other way round- ako ang pinapayungan at iba ang may hawak ng payong. I guess that is a perfect definition of love. Ang ulan parang pagibig lang yan. Hindi mo alam kung kailan dadating, pero pag andiyan na nakakatakot subukan. Hindi mo alam kung anong mangyayari. Masasaktan ka ba? Pero soemtimes, masarap din ito sa pakiramdan. Pero tulad ng ulan, hihinto rin ito. Iiwan ka at babalikan ka kung kailan lang nito gusto. Umupo si Xander sa tabi at tinitigan lang ako nito. As if he was reading my mind. Hinayaan ko na lang ito dahil halata naman siguro ako sa pinagdadaan ko. I knew it from the start. I knew I'm going to fall in this trap called love. Ngayon ay Nasasaktan ako. How could I be so stupid? "You can cry if you want." Nagsalita ito. Napatitig ako kay Xander. Iyakin ako. Simula bata palang ako ay madalas nila akong tawaging 'crying baby'. Pero ngayong matanda na ako ay sinubukan kong maging matapang. In this world, there are two things, you either get hurt or you lose. Walang madali sa mundo. "I don't cry." Ngumisi ako. Not here. Not infront of this guy. Dahil alam ko naman kung gaano ka-close ang mga Cordova at Montenegro... Siguradong mapupunta agad ito kay Sebastian kung sakali mang umiyak ako. "C'mon, You tell me your story and I'll tell you mine." Is he serious? What story? Wala naman akong magandang storyang pwedeng ikwento sa kanya, except-... "Ah, na-fail ko yung Board Exam ng Nursing twice." Tumawa ito ng panandalian at umiling-iling. "Not that! Love life? Straight-forward, naging kayo ba ni Sebastian?" Tanong ni Xander. Bakit ba siya ganito ka-interesado? Bumilis ang t***k ng puso ko ng dahil lang sa na rinig ko ang pangalan ni Sebastian. Damn that Cordova effect! "Mag-kaibigan kayo, I don't think I should share that. Plus, wa-walang kami, na-naging nurse niya lang ako. We were close friends." Medyo nabulol ako dahil hindi ko naman alam ang aking sasabihin kaya nag-iwas tingin ako kay Xander. "That Cordova and me are not that close. C'mon!" Pagpumilit niya habang nakanguso. Dinilatan ko siya ng mata, "tumigil ka kundi hihilahin ko yang nguso mo." "Sige na kasi." Pag-pumilit niya. Hindi ko talaga malaman-laman kung bakit gusto malaman ng lalakeng ito ang tungkol sa amin ni Sebastian. Even me don't know what even happened between us two. "Stalker ka ba?" Tanong ko. Natawa lang ito sa sinabi ko. "You wish." "Why don't you tell your story first." Sabi ko. I knew nothing about the Montenegros. Ang kilala ko lang sa kanila ay sina Xander at Lander Montenegro, at ang asawa ni Lander na si Dianna Vegas Montenegro. "Well, my fairytail is tragic." Sabi nito. Nawala ang lungkot ko panandalian at tumawa ng kaunti. Tragic? How can fairtails be tragic? "Dianna Vegas was my first love. My Brother's now wife." Nagulat ako sa sinabi nito. Masakit siguro ang pinagdaan ng lalakeng ito. Consider the fact that nakatira pa naman sila sa iisang bubong. Siguro'y madalas niyang makita ang babaeng una niyang minahal. Nag-patuloy siya sa pag-kwento. "Long time ago, I was in a coma because I was broken-hearted. Dianna broke up with me. Lander decided to seek revenge on Dianna for me, but he ended up loving the girl I loved back then." Nakinig lang ako sa sinabi niyo, thinking how bad could it have been whenever he sees his brother and sister-in-law together. Bakit hindi manlang niya pinaglaban ang relasyon nila! "God no! No!" Tumawa ito habang umiiling. Depensa ito as if he read what is running through my mind... Dahil na rin siguro kanina ko pa siya tinititigan. "I fought for me and Dianna! Its just that, she gave up. Don't worry, nothing serious. My heart took it lightly than I expected. I guess my heart knew she was not the one." Tumango nalang ako - not knowing what to say Ilang minuto rin ang nakalipas pero ni-isa sa aming dalawa ang nag-sasalita. Probably still thinking about our special one that got away. Nagulat nalang kami bigla ni Xander ng may umubo sa likoran namin. Mrs.Cordova. At least it was not the other Cordova. "Iha, can I talk to you for a minute?" Tanong niya. Tumango nalang ako at nilingon si Xander. "Salamat nga pala Xander." Ngumiti siya sa akin pabalik bago tuluyan ng sumama kay Mrs. Cordova. "Natalia..." Tugon ni Mrs. Cordova. "Po?" "I'm sorry about that my son did- I thought..-" huminga muna siya ng malalim bago ulit nag-salita. "I thought he fell in love with you. The way he looked at you, the way he smiles at you, it reminded me of his father. I guess they are right. You can't kill the first love." Ngumiti lang ako. I just had a crush on that damn Cordova. Nothing more. Hindi ko ito dapat seryesohin. "It's okay ma'am. All my job here was to Babysit my Beki Boss." Tumawa si Mrs. Cordova sa sinabi ko. "Makapanglait to sa anak ko!" Tumawa ulit siya. "But really iha, I have to thank you. I had a chance to see my son with a girl at least. So I have a Job to offer you..." "Ano po?" "I can send you to the U.S. For a training in one of ther best hospitals: Mayo Clinic and Cleveland Clinic. You choose." I closed my eyes for few seconds until I decided. "Yes ma'am."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD