"Helios."
"Let's go home Lati." aya sakin ni Helios, hindi nya pinansin yung babaeng tumawag sakanya.
"Wait, Helios" habol samin nung babae.
"Shut the f**k up Kiara." madiin na sabi ni Helios sa baba.
Kiara? Pamilyar.
"Tara na babe inaantok nako" pagkukunwari ko sabay kapit kay Helios.
"Excuse us, she's sleepy." sabi ni Helios don sa Kiara saka ako inalalayan paalis sa lugar nayon.
"Uuwi naba tayo Helios?"
"Nope" sagot nya habang nagdadrive.
"Eh san tayo pupunta babe?" pagbibiro ko.
"Crazy." inis na sabi nya.
Pumikit nalang ako dahil mukhang nagkatotoo yung sinabi kong inaantok ako. Nagising nalang ako nang maramdamang may nakatitig sakin. Minulat ko ang mata ko at natagpuang nasa mamahaling kotse parin ako ni Helios, tumingin ako sa gawi nya, sya pala yung nakatitig sakin.
"Why?" tanong ko.
"Wala, tara na." sabi nya saka bumaba ng sasakyan.
"Woaaaaah, ang ganda dito" sabi ko habang nakatingin sa lugar kung san nya ko dinala.
"Yes, this is Venice Grand Canal... Mall" sabi nya.
"Shocks, so nasa Taguig tayo?" tanong ko.
"Obviously." sabi nya saka ako hinila papunta kung saan. Manghang-mangha ako sa lahat ng pinapakita nya sakin, ngayon lang kase ko nakapunta dito. Matapos ang ilang oras ng paglilibot at asaran, inaya ko sya ulit kumain dahil medyo nagutom ako.
"Uhm, Helios, sino ba yung babae kanina?" tanong ko.
"Asawa ko." diretsong sabi nya. Kaya medyo nagulat ako.
"Weh, ano nga kase?" pangungulit ko.
"Asawa mo." sabi nya, hindi parin tumitingin sakin, diretso padin sa pagnguya. Nauurat nako, halatang ayaw nyang pag-usapan namin yon.
"f**k you." mahinang bulong ko.
"Can you?" sabi nya saka nag-angat ng tingin sakin saka ako tinitigan. Nagulat ako sa sagot nya, nung una ay hindi ko gets yon pero na gets ko din sya kinalaunan.
"Just kidding, tara." nakangiti nyang aya sakin.
"Uwi naba tayo?"
"Malamang."
"Malapit lang dito Star City, sinearch ko kanina hehe"
"Oh anong gusto mong gawin ko?"
"Daan muna tayo don"
"Ayoko."
"Sige naaaa"
"Ayoko."
"Pleaseeeee" pagpapacute ko.
"Tss, tangina"
"Sige na umuwi na tayo, wag mo nga ako murahin."
"I'm not cursing at you."
"Okay."
"Tss where's that f*****g city, can I see the map?" nagulat ako sa sinabi nga kaya napatingin ako sakanya, nagpipigil ng ngiti.
Sa huli ay ako din ang nanalo, kumakanta kanta pako at sumasayaw habang nasa kotse palang kami, isang beses palang ako nakakapunta sa Star City, yun ay nung nag field trip kami ng mga kaklase ko nung college, bali ito ang pangalawang beses ko, at si Helios ang kasama ko.
"I don't care what they say I'm inlove with you" masayang kanta ko habang sumasayaw sayaw pa at nakaharap kay Helios.
"They try to pull me away, but they don't know the truth." sabi ko habang kinakalabit ng pabiro si Helios.
"Stop" sabi nya pero hindi maitago ang ngiti.
"My heart is crippled by the vein that I'm keep on closing, you cut me open and I"
"Keep bleeding, keep keep bleeding and I" sigaw ko.
"Keep bleeding, I keep bleeding love" nagulat ako dahil si Helios ang kumanta ng part nayon, sa gulat ay tumawa nalang ako.
"We're here"
Pagdating sa star city ay si Helios ang nagbayad ng lahat, inuna naming sumakay sa Surf Dance, sa Frisbee, at sa kung anu-anong rides na ituro ko. Kahit ramdam ko na naiinis si Helios sakin ay hindi sya tumututol, sinasamahan nya ko at inaasar pag masyado ang takot ko.
Hinuli naming sakyan yung Ferris Wheel, gabi non at inaasahang magkakaron ng fireworks show kaya pinapanalangin ko na sana ay maabutan namin yon hangga't nakasakay kami.
"Salamat ng marami." sabi ko sakanya. Nag-iwas lang sya ng tingin. Nagsisimula nang umikot ang Ferris Wheel.
"Buong maghapon na date natin sobrang daming babaeng tumitingin sayo." sabi ko, gusto kong mag open ng topic saming dalawa para naman may pag usapan kami.
"Nag enjoy kaba?" tanong nya, kahit hindi nya pinansin yung mga sinabi ko ay sinagot ko sya.
"Syempre oo naman, grabe sobrang saya ko ngayon."
"Good."
"Helios, kumusta yung sakit?" I don't know kung tama bang tinanong ko yon, ngayong ramdam ko na kahit papano ay masaya sya, kahit onti ba.
Napatingin sya sakin, walang reaksyon. Bwisit tanga ko talaga, ang daldal.
"Of course, I'm still hurt, pero aaminin ko this pain is different from what I'm feeling nung wala ka pa, this is the pain I can endure, at masasabi kong you're my pain reliever, so please always stay, I need you." pagkatapos ng sinabi nya nayon ay sumabog ang emosyon ko kasabay ng fireworks sa kalangitan, pero hindi ako don nakatingin, dahil ang mga mata ko ay nakakandado sa mata ng lalaking nasa harap ko.
"Helios." yun palang ang nasasabi ko nang hawiin nya ang buhok kong nakaharang sa mukha ko at tuluyan akong dampian ng halik sa labi. Banayad, malambot, at hindi sabik na halik ang natanggap ko galing sakanya.
"Thank you."
"San kayo galing?" kauuwi lang namin at narinig agad namin ang mapang-asar na tinig ni Lewis.
"Date!"
"D'yan lang." sabay na sagot namin ni Helios. Kaya hinarap ko sya at tinignan ng masama.
"Helios, can I talk to you?" seryosong tanong ni Lewis.
"Talk."
"In private, Helios"
"Talk, Lewis."
Tumingin muna sakin si Lewis bago mag salita, kaya nagtaka ako. Dapat ba 'kong umalis? Aalis na sana ko pero hinawakan ni Helios ang kamay ko, kaya napatingin ako sakanya, pero diretso ang tingin nya kay Lewis.
"What's your plan? Dapat kumilos na tayo Helios, dahil once na mapirmahan ng lolo mo yung papeles, tuluyang mapupunta kay Xymon lahat ng pinaghirapan mo."
"I have my plans, goodnight." sabi nya saka tinalikuran si Lewis. Nagulat ako dahil hatak hatak nya parin ako.
"Ah eh, goodnight Lewis." pahabol na sabi ko, mas lalo pakong hinatak ni Helios.
"Aray ko, ano ba?" sabi ko ng makarating kami sa kwarto ko.
"Let's sleep, I'm tired"
"Hindi kaba gutom? Paghahanda kita ng pagkain?" offer ko sakanya.
"Gutom kaba?" balik na tanong nya. Umiling - iling lang ako dahil hindi naman talaga ako nagugutom.
"Okay then, let's sleep." sabi nya saka tuluyang nahiga sa kama ko. Aktong hihiga nadin ako nang magsalita sya.
"What are you doing?" tanong nya.
"Hello? Ade matutulog" sabi ko.
Bumangon sya at humarap sakin, magkatapat na ang mukha naming dalawa.
"Tatabi ka sakin? Not so fast baby, sa sala ka matulog." sabi nya, nang-aasar saka muling nahiga sa tumalikod sakin. Inis at pahiya akong umalis sa kwarto nayon at sa sala natulog.