5

1297 Words
Lumipas ang ilan pang araw na puro luto, linis, tulong kay Gail, sunod kay Lewis, daldal kay Helios, pang-iinis sakanya, at syempre kinakausap ko sya ng matino, dahil alam kong makakatulong yon sakanya, at masasabi kong unti-unti na syang nagiging okay. Ngumingiti na sya, hindi madalas pero kumpara dati, talagang masasabi mong improving. "Hey." tawag sakin ni Helios mula sa likod. Hindi ko sya pinansin dahil nakafocus ako sa pagdedesign ng cake na binake ko. "Hey." ulit nya. "Bakit ba?" tanong ko saka bahagyang tumingin sakanya. "I have to tell you something." "YES. DONE!" sigaw ko. Dahil tapos na 'ko, finally. I took pictures of the wonderful cake. Nagselfie pako, tapos pinilit kong isama si Helios pero nagalit lang. "Tikman muna natin 'to, bago mo sabihin yung sinasabi mo" sabi ko saka sya hinila papunta sa tabi ko. "Ah." sabi ko saka tinapat sakanya yung tinidor kung nasan yung cake na binake ko. Hindi nya yon sinubo, nakatingin lang sya sakin. "Ayaw mo ba? Ako nalang." sabi ko saka binawi yung kamay ko at sinubo yung cake. "Shocks, ang sarap" sabi ko, na may papikit pikit pa. Napansin kong nakatingin parin sya sakin. "Ayaw mo ba talaga?" tanong ko at tinuloy padin ang pagkain. "Ang kalat kumain" "Ha?" Unti-unti syang lumapit sakin, nakatingin sya sa labi ko. Palapit ng palapit hanggang sa dumampi ang labi nya sa gilid ng labi ko, naramdaman kong dinilaaan nya yon. "Right, masarap nga" seryoso nyang sabi. Ako naman nanlalaki ang mata at gulat na gulat. Napapikit ako ng ilang beses para makamove on, eto nanaman ang mga emosyong hindi ko maintindihan sa sistema ko. "Ah, eh, ano, ano nga yung sasabihin mo?" mali-maling tanong ko sakanya. "Come with me tomorrow." "Saan?" "In my company." "Ano naman gagawin ko don?" "Just act like you're my girl." "Ha? Ano?" "You hear me." "No, I mean bakit? Ano meron?" gulong gulo ako. "Kiara will be there." hindi ko pa din maintindihan. "My ex." napatigil ako don. Ngayon alam ko na, na yung magandang babae na nakita namin non sa mall na tumawag sakanya ay si Kiara, na syang nabanggit na rin sakin ni Gail, na syang ex nya, sya rin kaya ang dahilan ng pagluluksa nitong si Helios? "Ano naman connect ko ron?" "I don't want them to see me miserable." Okay. He will use me para hindi isipin ni Kiara na naghihirap sya, which is totoo naman. Gagamitin nya ko para pagselosin si Kiara. Gagamitin nya ko dahil baka sakaling bumalik sakanya si Kiara? Nice. Ano pabang aasahan ko? Umaasa bako na iba na tingin nya sakin bukod sa pagiging caregiver dahil sa natulungan ko sya sa mga nakaraang oras at araw? Umaasa nga ba 'kong naibalik ko na sya sa dating sya? Dahil kung oo, talaga nga namang napaka sakit umasa, dahil hindi. Hindi iba ang tingin nya sakin, ganon pa rin, isang empleyadong ginagamit at pinapasweldo. Hindi ko pa sya nababalik sa dati dahil hanggang ngayon nasasaktan pa rin sya, dahil kung hindi na sya nasasaktan, bakit nya pa kailangang gawin to? Nagkamali pala ko, maling mali. Halos manggilid ang luha ko sa lahat ng mga naiisip ko, hindi ko alam kung san nang-gagaling ang mga emosyong nayon. "Hey. Is it okay with you?" agaw nya sa atensyon ko. "Yes sure, wala akong karapatang humindi." sabi ko, hindi nakatingin sa mata nya saka tumalikod at iniwan sya don sa kusina. Pumunta ko sa kwarto. Tinatantya ang sariling emosyon at nararamdaman ko. Dahil wala naman akong makuhang sagot at sumasakit na ang ulo, ibinaling ko nalang ang pansin ko sa ibang bagay. Tinawagan ko sila Mama at kinamusta sila, hindi ko maiwasang maiyak ng kamustahin nila ko, dinahilan ko nalang na sobrang miss ko sila, 50% naman kase non ay totoo. Salamat nalang dahil naniwala sila, alam kasi nilang di ako sanay na malayo sakanila. Matapos nang kamustahan nayon ay nahiga ako sa kama at hindi ko inaasahang makatutulog ako. "You look great." sus nambola pa nga. "Syempre Sir, dapat mainlove sila sakin para hindi na sila maka-angal sayo, kasi diba, ikaw naman talaga nag-hirap sa kumpanyang yon?" sabi ko saka panay ayos ng dress na suot ko sa harap ng salamin. Grabe ang ganda ko. "Ok." weird nyang sagot. Parang tanga, ayaw manlang mag-agree sakin. "Let's go." sabi ni Lewis samin. Hinatid kami ni Lewis sa isang malaki, maganda, at magarbong building, kung saan nanlalaking nakasulat ang HK HOLDINGS Wow naman, lakas maka-kdrama. Grabe ang ganda ganda ng building na 'to. "Let's go." sabi nung demanding na kasama ko. Sunod lang ako ng sunod kay Helios, habang si Lewis naman sunod ng sunod sa'kin, nasa likod ko kasi sya. Sa tuwing may makakakita sa lalaking demanding na nasa harap ko, halos halikan na nila yung lupa para lang magalang na makabati. "Good morning Sir." "Hala si Sir." "Si Sir ba 'yon?" "G-good morning po." Ngumingiti ako sakanila sa t'wing nakaka-eye-to-eye ko sila. That simple smile kasi can help them para mabawasan yung nervousness nila dito kay Helios. "I guess nagsisimula na yung meeting kuno nila." sabi ni Lewis habang nasa elevator kami. Wala namang nagsalita samin ni Helios. Hindi ko alam kung ano role ko, pero okay, gf na maganda, yun ang role ko. Tumunog na yung elevator, meaning nasa tamang floor na kami. Helios suddenly encircled his arm to my waist. Nagulat ako pero mentally lang. Ngumiti nalang ako sakanya. Best Actress po natin ay walang iba, Latianang Maganda! Tumapat kami sa isang pinto, sure ako sa loob nito yung sinasabi nilang meeting. May dalawang lalaking naka-itim ang nag-bukas ng pinto para sa'min. Nagulat lahat sa pagpasok namin. Halos lahat sakanila nagtayuan. "Hello everyone." Helios said in his coldest tone. "Helios, you're here." sabi nung lalaking nasa gitna, sya yung hindi tumayo, bukod sakanya at oh bukod kay Kiara na ang ganda ganda sa blue dress nya ay nagtayuan ang lahat. Nabasa ko agad yung gulat sa mukha ni Kiara, ganon din sa ibang tao na may kasama pang takot at pagkalito. "I am." sabi ni Helios at naglakad papunta sa pwesto nung lalaking nagsalita. Sa wakas tumayo na yung lalaki at humarap kay Helios. Omg magkahawig sila. Kagwapo rin nito nung lalaki na kakatayo lang. "You can now leave my throne." bastos na sabi ni Helios. Hala ang pasmado talaga ng bibig n'ya. Mukhang nagalit tuloy yung kausap nya. "Too bad, lahat ng iniwan mo.. sa'kin nang lahat. Lahat Helios." mapaklang rumebat 'tong si Kuya, grabe naman. Nagulat ako ng bumaba ang tingin nya sakin. Ngumiti ako ng mabait sakanya. He looks confused, bawal ba sya ngitian? "Hello mademoiselle." sosyal na bati nya sakin. "Hi good morning." bati ko pabalik. "This is my girl, Anha." napatingin ako sakanya dahil ang ganda ganda ng pagkakabanggit nya sa second name ko. "Hello Anha, I'm Xymon." familiar yung pangalan nya. Pero 'di ko maalala. "And this is Kiara, my fiancé." patuloy nya at lumipat ang tingin ko kay Kiara na parang natatae. No offense ha, pero parang may problema sya. Nginitian ko nalang sya ng matamis at mahinang nag-hello. Ngumiti rin sya sakin at alangan na tuming sa ibang direksyon. "I'll be back here next week, legally your CEO again, for now, enjoy your time here Xymon." sabi ni Helios sa lahat. Everyone greeted Helios earlier nung naka-move on na sila sa gulat. "I hope you're reflecting on everything that you've done Xymon. I wish you a good and happy life with your soon to be wife." dire-diretsong sabi ni Helios kay Xymon, without even looking at Kiara. She looks hurt, I wonder kung sino si Xymon sakanilang dalawa ni Helios. Si Xymon siguro ang kontrabida sa love story ni Kiara at Helios. "I have done nothing wrong Helios. Don't believe your guts and guess, think. Because I'm not the villain here."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD