Kinabukasan, maagang nagising si Rosana kahit hindi pa man sumisikat nang husto ang araw ay bumangon na siya. Siniguradong mahimbing ang tulog ng kanyang mga anak bago siya lumabas ng bahay. Mahinang huminga siya ng malalim, pilit pinapalakas ang loob bago sumuong sa bagong hamon ng buhay niya sa probinsya. Kasabay niya si Tiya Elma patungo sa kapitolyo. Tahimik silang naglakad sa kahabaan ng bayan, habang si Elma ay panaka-nakang sumusulyap sa kanya. “Huwag kang mag-alala mabait ‘yon si Chelsa maasahan sa pag-aalaga ng mga anak mo.” Saad nito. “Iniisip ko po ‘yong magiging trabaho ko kay Gov.” “Wala kang dapat ikatakot. Ako ang bahala sa ’yo. Matagal ko nang kakilala si Stanford, hindi siya mahirap kausap. Basta ayaw niya lang sa palpak at dapat talaga masipag ka kasi isa sa pinakaa

