Lumipas ang ilang oras, mahimbing na ang tulog ni Stan. Samantalang si Rosana, kahit isang sandali hindi siya dinalaw ng antok. Nagkukuwanri lang siya kanina na tulog at pilit niyang nilalabanan ang mga luhang nais nang pumatak habang kinakantahan siya ng asawa. Malambing si Stan, taliwas sa pagkakilala niya noon. Mas lalo siyang nahihirapan umalis pero kailangan niya itong gawin. Isang napakasuyong halik ang ginawad niya sa labi ni Stan at bago pa muling pumatak ang luha niya ay dahan-dahan siyang bumangon mula sa dibdib nito at sa sobrang sarap ng tulog nito ay hindi manlang nagising nang gumalaw siya. Napakagat siya sa ibabang labi at mahinang humihikbi. Gusto pa niya sanang yakapin nang mahigpit ang asawa pero baka magising pa ito kaya tanging titig na lang ang magagawa niya. N

