PROLOGUE

476 Words
"H-harvey, ano ba nasasaktan ako!" daing ko ng hilahin niya ako papasok sa bahay namin at malakas na itinulak dahilan para mapahiga ako sa sahig. Randam ko ang paghapdi ng tuhod ko sa lakas ng pagkakasalampak ko sa sahig. Nanginginig man ay pinilit kong tumayo para harapin siya gamit ang mga mata kong tinakasan na ng luha. "Ano bang problema mo!? Bakit ka ba nanakit!?" I shouted. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong sumigaw. Sobrang nasasaktan ako sa ginagawa niyang pangtrato sa akin. Hindi ko siya maintindihan. Siya pa ang may ganang manakit? Samantalang siya itong pinahiya ako sa maraming tao! Ngumisi lang siya sa akin na tila ba sinasabing ako pa ang may ganang mag tanong at tila ba isang kabaliwan ang aking binitawan na tanong. "WHY!? Nababaliw ka na ba, Cara!? BAKIT SINABI MO SA HARAP NG MARAMING TAO NA ASAWA KITA, HUH!?" napa atras ako sa pag sigaw niya ng malakas. Halos hindi ko maramdaman ang mga tuhod ko dahil sa panginginig nito. Naninikip din ang aking dibdib sa sakit ng aking nararamdaman. May mali ba sa ginawa ko? Totoo namang asawa niya ako. At hindi niya ako MAID. "Totoo naman diba!? Asawa mo ako Harvey. Hindi ako katulong mo tulad ng sinabi mo sa kanila!" tinuro turo ko pa ang sarili ko. Pinipilit kong magpakatatag kahit pakiramdam ko sa anomang oras ay bibigay na ako. Ang sakit sakit ng naramdaman ko kanina ng ipakilala niya ako bilang katulong niya sa harap ng mga tao. Hindi niya na ako nirespeto bilang asawa niya. "H-harvey kailan mo ba ako ituturing na asawa mo? Kahit irespeto mo lang ako bilang asawa mo, kahit wag mo na akong mahalin. Tanggapin mo lang ako. Ituring mo lang akong asawa mo. Ayos na sakin 'yon, Harvey." pagmamakaawa ko ngunit nag iwas lamang ito ng tingin. Parang binibiyak ang puso ko sa ginawa nitong pag-iwas ng tingin. Alam ko namang hindi niya ako kayang mahalin dahil alam kong MAHAL pa rin niya SIYA. Pero kahit respeto lang at tanggapin niya lang ako. Ayos na sa akin iyon. Kahit hindi niya na ako mahalin, tatanggapin ko kasi ganoon ko siya kamahal. Mas mahal ko siya sarili ko. "I'll never treat you as my wife,Cara. Kung napapagod kana mag hiwalay na lang tayo. Tutal ikaw naman ang may gusto nitong relasyon na ito." "But this is not what i want!" Yes. Maybe I choose this kind of situation. Pero umaasa ako na mahahalin niya rin ako bilang asawa niya o kahit irespero niya lang ako bilang asawa niya. Gusto kong maramdaman niya na asawa niya ako, na hindi lang ako kung sino. "I am your wife, Harvey." wala sa sarili kong sambit. "YOU'RE JUST MY REBOUND WIFE. Don't ever forget that." pag kasabi niya nito ay tinalikuran niya na ako at umalis. Tama naman siya. I'm just HIS REBOUND WIFE.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD